[8] Meet Up

4 1 0
                                    

Andito kami ngayon sa soccer field ng school. Last game muna namin for this semester. Kami kami lang naman. Para kasi sa aming soccer players, ang paglalaro ay isang stress reliever. Sa bawa pag sipa mo, pwede mo ibuhos lahat ng galit doon. Sa bawat pagtakbo, natatanggal mo ang bigat sa loob mo. At syempre di matutumbasan ang kasiyahan kapag..
         
"Grabe Kyla! Goal nanaman?" Sabi ni Micah, ang pinaka close ko sa mga teammates ko.
         
"Wala eh, inspired, I guess." Sabi ko habang naglalakad na pabalik sa loob ng gym. Nakipag highfive sa akin ang mga ka team ko at isa isa na din nagsi-alisan.
         
Lalapitan na sana ako ng lalaking inspirasyon ko pero pinigilan ko siya. "Oops. Shower muna ako. Nakakahiya naman sayo." At saka ako naglakad ng patalikod dahil patuloy pa din sya sa pagsunod.
         
"How many times will I tell you na kahit ano pang amoy mo, okay lang sakin."
         
"And how many times na ding sinabi ko sayong dumistansya ka muna sakin pagkatapos ko maglaro."
         
"Okay, okay." He said while raising both of his hands, saying that he is already surrendering.
         
"Oh wow, that's good." I said sarcastically while heading my way to the shower area.
         
Habang nagshower ako ay biglang tumunog ang phone ko, may nag message. At di nagtagal ay may isa pang message na dumating. Hmm, I wonder kung sino yun? I've never been this curious.
         
Nagmadali akong nagshower at nagbihis, saka ko tinignan kung sino ang mga nagtext.

          Aina :
          Kang, we need to talk. Asap.

         Evan :
         Can we meet? Kopiroti or The Coffee Table, your choice. 7pm. Please?

Seems urgent. Tinignan ko ang planner ko ang nakita kong wala naman akong schedule for anything. Walang projects, research or assignments to be passed tomorrow so pumayag na din ako.

***

EVAN's POV

It's exactly 7pm and nandito ako ngayon sa The Coffee Table. I'm wearing a black v-neck shirt, pants and a pair of Nike Roshe.
         
Andito ako sa balcony nakapwesto. Kahit na marami pa ding bakante sa loob ay pinili ko pa din dito. Para kung sakali man mag walk out siya, eh wala masyadong makapansin.
         
"Evan!" Nagbeso siya sa akin. Minsan lang siya maging ganito, marahil siguro sa text ko sakanya kaninang umaga kaya gumaan ang loob nya sa akin. Kadalasan lagi kaming nag aasaran at minsan lang niya seryosohin ang mga sinasabi ko. Para yata sa kanya ay isa akong malaking joke.
         
"Oy, I arrived at exactly 7pm ah? You should be proud of me." Saka niya ako kinindatan at umupo na din. Ang ganda niya pa din. Di ako nagtataka kung bakit ang daming nagkakagusto sa kanya. Nakasuot siya ng isang plain maroon cropped top, high waist shorts at white converse. Simple lang siya kung magdamit pero may dating.
         
She snapped right infront of my face, dahilan para bumalik ako sa realidad. "Uh, sorry. You look beautiful Kyla." I said sincerely pero I think she's taking it as a joke.
         
"As always Evan. Wala ng bago." She said confidently. See? Eto ang mahirap pag na fall ka sa isang kaibigan. She will not take you seriously, kahit ano pang sabihin mo.
         
"Totoo naman." I said again, trying to convince her that I'm so d*mn serious.
         
"I know, I know. Order na ako ha? Medyo gutom na ako. Dapat pala sa Bob Marlin na lang tayo para may rice. Oh well."
         
Di nagtagal, dumating na din order namin. Nagulat ako nang tatlong Mocha Latte, dalawang carbonara, at bolognese ang na serve sa amin.
         
"Excuse me, pero mali yata--" Napatigil ako sa sinabi ko nang may biglang dumating.
         
"Aina! Finally, kala ko mala-late ka nanaman. Saktong sakto sa pagdating ng food." At saka nya niyakap si Aina tila gulat na gulat na nadatnan ako. Aba syempre, mas nagulat ako.
         
"Oh, Aina. Napadaan ka?" Pagtatanong ko kay Aina at saka siya nakipagbeso sa akin. Halata na talagang nagtataka siya sa mga nangyayari.
         
"Ha? Eh pinapunta lang naman ako ni Kyla dito. Ikaw, anong ginagawa mo dito?" Pagrarason niya at saka umupo sa bakanteng upuan.
         
"Nakipagmeet ako sakanya." Saad ko at saka tumingin kay Kyla.
          
Nagkaroon ng maikling katahimikan nang biglang nagsalita si Kyla, "Eh kasi naman, sabay kayo nagtext na may sasabihin kayo. Kaya napagdesisyunan ko na isahan na lang. Pagod din ako oy. Kain na tayo?" She said while eyeing for her ever favorite carbonara.
         
Medyo naging awkward ang atmosphere para sa akin, pero tingin ko ay di iyon napapansin ni Kyla na busy sa pag kain at sa pagdudutdot sa phone niya. She looks happy, okay na kaya sila ni Brent? Sana hindi.
        
"Oh, ang tahimik niyo yata? Ano pala sasabihin niyo?"

I'm doomed.

They Don't Know About UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon