[13] He's here?

4 0 0
                                    

Napakunot ang noo ko sa sinabi niya ngunit kinalaunan ay binalewala ito at tinuloy ang pag yosi. Pero parang wala siyang nakita kaya nagpatuloy pa siya.

"Totoo pala talaga yung nakita ko nung isang araw sa Ateneo Ave. You really are smoking." Halata sa tono niya ang disappointment. Malapit na talagang humiwalay ang kilay ko dahil sa di mapigilang pag taas nito.

Hindi ko pa din makuhang magsalita dahil sigurado pag ako nagsalita, hindi na ako mapipigilan. I would totally make a scene.

"Oh, wait." Di ko napigilan ang lumingon sa kanya, "Kamusta yung date niyo ni Adam?"

This time kailangan ko na yatang ipagtanggol ang sarili ko since Brent will surely be involved in this. "It's just a friendly date."

"Does he know about it?" Kahit di niya sabihin ang pangalan ay alam ko na kung sino ang tinutukoy niya.

What should I say? "Oo naman." At nagpakawala ako ng tawa para maging light ang mood at pampawala na din ng tensyon na nararamdaman ko.

"Talaga? Parang iba yung narinig ko kanina ah? Akala ko nga nasa Legazpi ako. Muntik mo na din akong napaniwala." And this time it's his turn to laugh at me.

Narinig niya ba yung mga sinabi ko kay Brent? Sht. "Pwede ba?! Why do you have to stick your nose into other's business?! Hindi nga kita kilala maski sa pangalan yet you're here? Will you just stop?! You are so annoying." At tinapon ko na ang yosi kong agad na naupos.

"Sorry, I just didn't expect you to be like.." Unti unting nawala ang boses niya dahil sa di ko malamang dahilan.

"Like what?!" I rolled my eyes to frustration. Ugh, he's such a p*ssy.

"Like that." Agad niya akong tinignan ng diretso. Punung puno ng emosyon ang mga mata niya. "I didn't expect na ganyan ka pala ka liberated."

Di ko talaga siya ma gets, grabe. "I'm not here to please everyone. I don't really care on what you think but you're really freaking me out, sa totoo lang." Agad kong inayos ang bag ko at iniwan siya doon. Kailangan ko talagang dumistansya sa lalakeng 'yon. He's dangerous.

Kinabukasan ay tanghali na ako nagising, first day ng sembreak ngayon and I don't have any plans to go out. Wala lang, I just don't feel like going out. Kagigising ko pa lang pero Facebook na agad ang inuna ko. It's not that I'm addicted to it, I just want to be updated with what's happening around.

Karamihan ng nakita ko ay sa mga kaklase at kaibigan ko, puro 'off to somewhere' ang laman ng mga status. Naumay na ako sa mga nakita kaya di ko namalayang sinearch ko si Hannah sa Facebook nang nakita ko ang isang picture na nakaagaw ng atensyon ko.

Wala naman siyang kasama sa picture pero yung shirt na gamit niya, sigurado akong kay Brent yon. Di ako nagkakamali dahil ako pa nga ang nagbigay nun nung isang beses na nag monthsary kami. Ewan ko pero bigla kumirot ang puso ko kaya di ko napigilan i-message si Brent. We're straight forward when it comes to our issues with one another.

Me :
Hi.
I just want to ask kung nasan na yung shirt mong ganito?

Then I sent him a picture of him wearing that particular shirt.

Brent de la Vega :
I lost it during our practice. Ang tagal na 'non.

Me :
Then why didn't you tell me?

Brent de la Vega :
Bakit ko naman ipapaalam pa sayo ang ganung bagay? It's just a shirt.

Me :
Excuse me?! Ako nagbigay non sayo! And don't you dare say that you lost it because I've seen "HANNAH" wearing it

Brent de la Vega :
It's just a shirt. Don't be so immature, Kyla.

Me :
Fck you.

Nag-aantay ako ng reply niya pero hindi ko namalayang offline na pala siya. Nakaka frustrate! Tngna! Muntik ko nang ibato ang unan ko nang may biglang nagbukas ng pintuan ko.

"Kyla!" Agad bumungad si Baeron at kasunod niya ay sila Jacob, Evan, Mico at isang babae naka pang Naga College Foundation uniform. Wait, I don't know this btc--

"Uhm, hi. I'm Mary." Oh, she looks nice.. and kamukha niya si Mama Mary. Tila para bang nababalutan ng halo ang ulo niya, simbolo na nagsasabing mabait siya.

I smiled back at her since she looks harmless. "Kyla."

Agad namang napayuko si Mico dahil sa naging interaction naming dalawa. "Ohh, so the 'Meet the Bestfriends' stage is done!" Sabi ni Jacob habang humihiga sa kama ko.

"Jacob, will you remove--" Di ko na tinuloy ang sinabi ko dahil agad naman niyang tinanggal ang suot na sapatos at kinindatan pa ako. "You're giving me the chills Jacob."

Napaisip naman ako sa sinabi ni Jacob kaya nilinaw ko iyon sakanya. "Jacob, what do you mean with the stage thing?"

"Di pa ba obvious?" Sabay nguso sa dalawa na busy sa pag-uusap. They look cute together and halata sa babae na conservative siya, galaw pa lang. May hinabol pang bulong si Jacob. "Girlfriend ni Mico."

Napangiti na lang ako sa sinabi ni Jacob. I'm happy for him, he deserve a girl like her. Ako kaya? Deserve ba ni Brent ang babaeng tulad ko? Di ko mapigilang mapa buntong hininga.

Napansin ko si Evan naman ay nakaupo pero di tulad ng dati ay hindi niya ako pinapansin ngayon. Nakakapanibago. Sigurado ako dahil 'to sa nangyare with Aina. At sigurado din ako na kaming tatlo lang ang nakakaalam sa nangyari nung gabing 'yon.

"Kyla, mag-ayos ka na dyan. Gala tayo. Sembreak pa naman." Sabi ni Baeron habang binubuksan ang TV sa kwarto ko.

"Eh? Tinatamad ako. I just want to stay here." Pagmamaktol ko at muling humiga sa kama.

"Pero pag kay Adam, okay lang?" Agad akong napabangon sa narinig mula kay Bae. Si Evan naman ay napansin kong napatigil sa ginagawang pagbasa ng magazine.

"Diba crush mo yun?" Sabi ni Jacob habang tutok na tutok sa tv. Ewan ko ba pero naiilang ako na pinaguusapan ang ganung bagay sa harap ni Evan. Baka kasi iniisip niya na walang kwenta ang relasyon namin ni Brent dahil sa tingin niya naglolokohan lang kami. Does it make sense? I don't know.

Agad akong dumiretso sa closet para kumuha ng susuotin at towel. "Silence means yes, Bae ng Bayan!" Sigaw ni Jacob, dahilan para tumaas ang kilay ko. This guy looks like he's always on drugs.

Papasok na sana ako ng banyo na nasa loob lang ng kwarto ko pero napansin kong nakaharang ang dalawang paa ni Evan.

"Excuse me." Sabi ko kay Evan pero para bang wala siyang narinig dahil nakaharang pa din ang mga paa niya sa dadaanan ko.

Nagulat ako nang nagsalita siya kahit hindi nakatingin sa akin. "Kahit di ko itabi ang mga paa ko makakadaan ka pa din. Sanay ka kasing yung iba pa ang maga-adjust para sayo kahit pwede namang ikaw na lang."

Napakunot ang noo ko sa sinabi niya pero napaisip ako sa sinabi niyang yun at tinignan ang dadaanan ko. Oo nga naman, pwede ko namang luksuhan na lang yun.

But still, alam niya namang dadaan ako pero haharang harang pa siya? "Kung may problema ka sakin, confront me." Sabi ko sakanya at nagpatuloy sa pagpasok ng CR kung saan nadinig ko ang hiyawan nila sa kwarto ko. Mukhang nakita nila yung little scene namin ni Evan.

Nandito kami ngayon sa SM Naga pero si Mico at Mama Mary este Mary ay humiwalay na samin, sa Magsaysay daw sila. Hay, no choice naman kami dahil ito ang pinaka matino at pinakamalaking mall sa Naga. It sucks. "Saan ba tayo kakain? Kanina pa tayo palibot libot dito." Sabi ko sa kanila dahil gutom na gutom na ako at hindi pa ako nakapagbreakfast.

Evan caught my attention. Ang weird niya sobra hindi ako sanay na hindi kami nagaasaran, he's so quiet. Kanina nagbangayan kami pero I think may hugot mga pinagsasabi niya.

"Such a nagger. Salute to Brent." Sabi ni Baeron habang naka ngisi sakin at inakbayan ako. Tinanggal niya naman agad ang pagakbay sakin dahil may nakasalubong siya na kakilala niya yata.

"Bruhhhh!" Sabi ni Baeron nang makita niya sila Arvin, Adam and..

The fcking monster is here? Hindi lang yon. Kasama niya sila Adam.

They Don't Know About UsWhere stories live. Discover now