[10] Stupidity

4 0 0
                                    

Finals Week na ngayon, or what we usually call Hell Week. Kadalasan pag ganito halos lahat ng estudyante ay nag-aaral sa library man, sa coffee shops o di kaya sa bahay. Pero nandito ako along Ateneo Avenue nakikipagkwentuhan sa mga kaibigan ko na tila di alintana ang Finals.
         
"Alam mo Kyla, mukha namang hindi galit sayo si Aina. Ang totoo nga nyan, tinanong niya ako kanina kung kamusta ka na daw." Sabi ni Elise at pagkatapos nito ay sinubo ang isang piraso ng Chippy.
         
Napailing ako sa narinig ko. Plastic. Kunwari concerned pero ang totoo? Gusto nya lang magmukha na sya ang kawawa. Hinithit ko ang Marlboro Black na hawak hawak ko. Nakaka stress sila, masyado nilang pinapakialaman ang buhay ko. "Nasa sayo yan kung maniniwala ka. Pero ako? I'm fed up." Pagpapaliwanag ko sa kanila habang nakatingin sa malayo.
         
"Ganun ba kalala ang pinagawayan niyo para umabot sa ganitong point?" Sabi naman ni Zoie habang inuubos na ang yosi niya.
          
Naalala ko lahat ng sinabi ni Aina, nang natagalan ay saka lang nag sink-in sa akin yung mga sinabi niya. Sobra akong nasaktan dahil pinagkatiwalaan ko siya sa lahat pero di ko inasahan na gagamitin niya ang mga nalalaman niya against me. "I treasure my friendship with her pero it turns out na hindi pala ganun ang pananaw niya."
          
Agad namang sumingit si Cathy na busy sa kanyang phone, "For me, kahit na medyo may pagka maarte yang si Aina, I think she has a good heart. Baka naman na misinterpret mo lang kung ano mang sinabi niya."
         
Nag init ang ulo ko sa narinig. Natapon ko ng di oras ang yosi ko dahil sa pagka inis. "Pwede ba? Kung siya lang din naman ang pag-uusapan natin mabuti pa di na lang ako sumama sa inyo." At agad akong umalis bago pa dumami ang nasa unfriended list ko.
         
Dinala ako ng mga paa ko papunta ng school. Bigla akong napatigil sa naging ideya ko. Ano naman ang gagawin ko dito? Eh mamaya pang 6pm ang next exam ko. Wala na nga yata ako sa sarili. Pumara agad ako ng tricycle para pumunta sa lugar kung saan mawawala lahat pansamantala ang mga iniisip ko.

***

JACOB's POV

"Baby, please. I'm so sorry. I didn't mean to say those things. Please I'm sorry." Pagmamakaawa sa akin ng babae na nakalimutan ko na ang pangalan. For God's sake! We just met last night.
         
"Get off my fckin' hands." I said coldly without even looking at her. Nandito kami sa apartment na tinitirahan ko. Ang sarap sarap ng tulog ko kanina pero inistorbo ako ng babaeng 'to.
         
"Please baby. Promise, I won't be clingy. Just.. just don't leave me like this. I'm tired being left alone." At bigla nalang siyang humagulgol sa harap ko.

"Sinasayang mo lang luha mo. Tumayo ka na dyan at umalis ka na bago pa kita kaladkarin palabas." Sabi ko sakanya sabay tungga ng San Mig Light.

Hindi ko na kinagulat ang sunod niyang ginawa, lumuhod siya. "Nagmamakaawa na ako Jacob. Huwag mo akong iwan please?"

"Don't be desperate. Last night was just a one night stand. Kaya ayoko sa mga virgin eh, you're taking it so seriously." At napatawa ako sa ideyang iyon. May mga babae kasing akala nila pag may nangyari eh totohanan na. Stupid.

"I'm sorry. Nagmahal lang naman ako."

"Hah! Love at first f*ck?" Tila nagulat siya sa sinabi ko kaya napaangat ang tingin niya sakin at tumayo na din siya.

"What? No. Hindi yun ang dahilan kung bakit kita minahal. I know that there's something behind that mask, baby. Handa akong magpakatanga." And she smiled at me. Stupid, stupid, stupid.

"Just leave. Now." At tila parang may maganda akong sinabi kaya napangiti lalo siya at pinunasan ang mga luha.

Hinalikan niya ako sa pisngi at sinabing, "Promise, I won't give up."

Napatawa na lang ako sa ideyang naisip niya.

So stupid.

***

Author's Note :
At dahil tapos na po ang first ten chapters, ang mga susunod na chapter po hanggang sa ending ay puro magiging POV na lang ni Kyla. Parang introduction lang ang first ten chapters sa mga characters ng story.
Thank you and God Bless! 😊

They Don't Know About UsOnde as histórias ganham vida. Descobre agora