[4] Different Places

5 1 0
                                    

Kung pwede lang matulog buong mag hapon ay ginawa ko na. Kaso hindi, ang masaklap na katotohanan ay kailangan kong pumasok. It's Monday and 10am ang first class ko.
         
Natapos na ako sa morning rituals ko nang sinalubong ako ni Ate Dinty pagbaba. "Oh, neng aalis ka na?"
         
"Uh, opo." Nagtataka siguro kayo kung bakit di man lang ako pinaghanda ng breakfast. Ganyan talaga ako. Sa labas na kasi ako kumakain ng breakfast. Minsan naman hindi ko kumakain ng breakfast. Wala lang. I just don't want to.
         
Nasa labas na akong ng bahay namin nang narinig kong nag vibrate ang phone ko.

Bae :
good morning kang! dito na kami sa deca homes. wait ka lang dyan.

Napangiti ako habang binabasa ko ang text. Salamat naman. Nakaka haggard kasi minsan mag commute.
         
Di nagtagal nasa harap na ang isang itim na Forester, si Fufu, yun ang pinangalan ni Baeron sa sasakyan na iniregalo ng parents niya.
         
"Oh ano pang tinitingin mo dyan?" Sigaw ni Evan na nasa front seat katabi ng nagd-drive na si Bae.
         
"Don't ruin my day." Pagdadabog ko habang pasakay na ako sa sasakyan.
         
At nang makapasok na ako, "Kyla!" Niyakap naman ako ni Aina na katabi ko na ngayon. Malaki ang sasakyan ni Bae kaya kasyang kasya kami ng magbabarkada dito. May space pa nga eh. Sinadya talaga ni Bae na ito ang ipabili nung 18th birthday nya last year para daw sama sama kami. Sweet noh?
         
"Good morning Aina! And thanks Bae dahil dinaanan mo ako dito kahit na medyo malayo. Hihi." Inayos ko ang bag sa tabi ko.
         
"No big deal." Sabi niya habang nagd-drive.
         
"Asan si Mico at si Jacob?" Pagtatanong ni Aina habang naglalagay ng light make up. Ngaragan at its finest.
         
"Nauna na sa Ateneo. Si Mico ewan ko kung bakit ang aga, eh 12pm pa naman first class nun. Si Jacob nag last minute sa pag complete ng grades nya last sem." Ani ni Evan habang iniinom ang coffee na dala nya sa tumbler.
         
"Oh well. Ganyan naman talaga si Jacob. Laging ngarag."
         
"Btw Kyla. Ano pala nangyari sa victory party nyo nung Saturday night?" Mahinang sabi ni Aina pero dahil apat lang kami ay narinig din ng dalawa.
         
"Uh, it was okay but some kind of monster ruined it kaya umuwi na lang ako because you know that I would totally make a scene."
         
"Monster? Hahaha! Sino naman yun?" Sagot ni Bae at nagtawanan sila. C'mon, just laugh.
         
"I don't know. But one thing I'm sure of, taga Ateneo din sya dahil sa shirt niya pero pinagtataka ko kung bakit di ko pa sya nakita."
         
"Ohh. I think I know where this is going." Pangisi ngising sabi ni Evan. They know about my wrong doings. Di naman sa kinukunsinti nila ako. Pero I think they trust me kaya hinahayaan lang ako. And alam nilang kaya ko ang sarili ko.
         
"This is the first time Aina! Nakakainis siya." Pagmamaktol ko habang nakadungaw sa bintana.
         
"Whooo! For the first time someone ignored the beauty and hotness of the one and only Kyla Romualdez."  Ani ni Evan at nag high five ang dalawa sa harap.
         
"Shut up, wil you?! Kanina ka pa!"
         
"Okay, okay! Stop na. Lagi na lang kayong nagsasagutan." Buti naman at inawat kami ni Aina.
         
"Andito na tayo sa Que Pasa. Dali na. May 40 minutes ka pa Kyla." We decided na dito kumain dahil bukod sa malapit lang sa school ay masarap talaga ang pagkain dito.
         
Masaya kaming nagkwentuhan habang kumakain at naghihingian sa order ng bawat isa. Katabi ko si Evan at nasa harap naman sila Aina at Bae.
         
Napatigil si Evan at Baeron nang biglang may apat na estudyante ng Ateneo ang dumaan suot ang school uniform at ang sa tingin kong nakakuha ng pansin nila ay ang mga skirt nila na nagmumukha ng panty.
         
Sumipol agad si Evan sa tabi ko at agad ko naman itong siniko. "You know what Evs, isa sa mga ayaw ng mga babae ay yung sinisipulan sila. I know the feeling." Sabi ko ng seryoso kay Evan.
         
Kahit na gustong gusto ko ang attention ng mga lalaki sakin ay meron pa din namang limitation. Alam ko kung binabastos na ako, at ayoko nun. Gusto ko ako ang nambabastos sakanila. Oh, walang tatawa kasi seryoso ako.
         
"And you know what Kang, hindi naman mababastos ang babae kung hindi kabastos bastos ang itsura nila. Tulad niyo ni Aina, kailan ko ba kayo binastos?" Sa tingin ko ay nag agree si Bae sa sinabi niya kaya nag high five ang dalawa. Pangalawa na yan.
          
"Hay nako! Boys will be boys talaga" Napahawak na lang sa noo si Aina sa paniniwala ni Evan.

MICO's POV

Huminga ako ng malalim bago tumuloy sa eskinita kung saan madadaanan ang iba't ibang klase ng tao sa ganitong estado. Aaminin ko, medyo natatakot ako dahil baka pag interesan ako dahil lang sa uniporme ko na sinasabing nag-aaral ako sa mamahaling eskwelahan.
         
Nakahinga rin ako ng maluwag nang bumungad na sa akin ang medyo malawak ngunit magkakadikit na barong barong. Naglakad lakad pa ako hanggang sa makita ko na ang hinahanap kong bahay. Umupo muna ako sa tindahan na nasa tapat nito.
         
"Noy, pandesal oh." Alok sa akin ng isang matandang lalake habang hawak ang isang plastic na may lamang tatlong pirasong pandesal at kape.
         
"Salamat ho. Katatapos ko lang." Nginitian ko ang matanda at bumalik ulit sa pagtitig sa bahay na nasa tapat ko. Gawa sa bamboo at kahoy ang bahay kung saan ang ilang parte ay sira sira na. Maliit lang ito kung titignan, siguro mga apat hanggang limang tao ang magsisiksikan sa loob.
         
Lumipas pa ang ilang minuto at lumabas na din ang hinihintay ko mula sa bahay na nasa kanina ko pang tinitignan.
         
Napatayo agad ako habang tinitignan siya at hindi ko na mapigilan ang pag ngiti ko. Pagkalabas niya ay nag sunuran pa ang mga ilang bata na nasa pito karami, mga kapatid niya yata. Di ko maisip kung paano sila nagkasya sa loob.
         
Di ko namalayan na nasa tapat ko na pala siya, si Mary. "Uy sorry ah? Nag-igib pa kasi ako tapos bumili pa ako pang almusal sa mga kapatid ko. Wala kasi si Mama." Ngiting ngiti siya habang sinusuklay ang basa pa niyang buhok.
         
"Wala yun. Okay lang." Nginitian ko siya at kinuha ang bag niya para bitbitin ko. "Tara na, baka mahuli ka pa sa klase mo. 5 minutes na lang bago mag 8."
          
Napatingin siya sa relo niya at biglang nataranta. "Ay iyo? Mahuhuri na ako kani!" [Talaga? Mahuhuli na talaga ako nito!]
         
I wouldn't mind the differences between us kung ganito naman kasaya ang maidudulot sa 'kin.

They Don't Know About UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon