[6] Confusion

6 1 0
                                    

It's been 2 days since that incident happen. I can't believe what's happening. Pataasan ba 'to ng pride?
         
"Kang, dahan dahan lang. May class ka pa bukas."
         
"I don't fckin' care Evan. This is the only escape I can think of kaya wag na wag mo akong pipigilan." I know I sound rude. But sorry, not sorry.
         
"Wow, okay then."
         
Kasama ko si Evan, Baeron & Jacob. Nandito kami ngayon sa dorm ni Baeron. Wala silang bahay dito, sa Nabua meron kung san ang hometown nila pero ang parents nya ay nasa Manila, parehong Head CPA Lawyer ang parents niya sa Ayala Group of Companies. Di na rin kami nagtataka kung bakit todo kayod si Bae sa pag-aaral.
         
"Alam mo kung ganyang away pa lang ang tagal niyo na bago magbati, then break up." Sabi ni Jacob pagkatapos niyang inumin ang nasa shot glass. Emperador Light kami ngayon, medyo cheap alam ko pero biglaan lang kasi, eh since walang ibang liquor na avail kaya eto na lang. I don't really have the strength to go to bars or clubs. I just want to chill pero mukhang di yata nila kayang ibigay sakin yon dahil naii-stress ako.
         
"What?! No! I won't.. I cannot. Hindi ko kaya."
         
"Hindi naman sa bad influence Kang kaso these past few days ang tamlay mo. Every night ka na umiinom. Absent ka pa ng absent. Patapos na ang sem tapos baka ma-fail ka pa dahil sa absences mo." Sabi ni Bae habang may katext sa phone niya.
         
"You're not my Dad, so stop lecturing me."
         
"You can't stop us Kang. And sa totoo lang di kami boto sa Brent kid na yun. Biro mo, 1 year mahigit na kayo pero pag niyayaya mo siyang i-meet ang parents mo kahit thru Skype lang ayaw nya? Tska imagine how many times kami nagyaya makipaghang out sakanya. Guess what Kyla, he rejected all of that. May ilang beses na pumayag siya pero gumagawa siya ng excuse para di siya makapunta. Do you know what that means?" Sabi ni Evan ng dire-diretso. Di na lang ako nakaimik.
          
Turn ko na para uminom kaya kinuha ko ang shot glass ko na punong puno at nilagok iyon. Ptangina.
        
"Ayaw nyang maging attached sa aming mga importante sayo. He doesn't care. It means hindi siya seryoso. Because if he's dead serious, he will make an effort. Di ka man lang ba nagtataka?" Reality struck me. Natamaan ako sa mga sinabi ni Evan pero  hindi ko hinayaang makita nilang nag-agree ako sa sinasabi niya.
         
"There are reasons behind those, Evan. Don't jump into conclusions. Kung andito lang kayo para i-brainwash ako then sorry pero di kayo magtatagumpay. I'll go."
         
Tumayo ako at kinuha ang mga gamit ko. Tatayo na sana si Bae para siguro ihatid ako pero inunahan ko na. "Leave me alone. I can handle myself."
         
Nang nakalabas na ako ng building di na napigilan ng mga mata ko na lumuha. Fck. Paano kung totoo sinabi nila? I can't accept that. Di naman kami aabot ng 3 years kung hindi talaga siya seryoso sakin.
         
Sa sobrang pagkahilo ko napaupo na lang ako at umiyak ng umiyak. Contemplating about what's happening to me. Simpleng away pa lang, wasak na wasak na ako. Paano pa kaya pag iniwan niya na ako? Di ko kaya. Tngina.
         
"Miss, okay ka lang?"

***

AINA's POV

"Girl, tama ba 'tong ginagawa ko? Hindi nag match yung answer ko sa checking. Whyyyy huhu" sabi ng kaklase ko na si Bebs.
         
"Syempre mali, duh! You don't have to ask." Nandito kami ngayon sa Starbucks Magsaysay kasama ko si Bebs and Jeyo, my classmates. Di sila kasama sa squad since this sem lang kami naging close. Dito kami nagrereview for the upcoming Finals. Ngarag na ngarag na kami dito sa Business Math na to. Ugh.
         
"Sorry. Bobo lang sa Math." At inirapan ako ni Bebs.
         
"Kayong dalawa, manahimik nga kayo. Tska dahan dahan sa paghigop ng drinks niyo. Para may excuse na magtagal pa tayo." Sabi ni Jeyo habang busy sa pag solve ng exercise sheet.
         
"Tange. Pwede naman mag order pa ng food." Ayan yung mga techniques namin pag sa labas kami nagre-review.
          
Maya maya pa ay medyo naging seryoso na ang atmosphere namin. Pero may nakaagaw ng atensyon ko. Si Brent! Tatawagin ko na sana sya nang may humabol sakanya. Inakbayan nya agad ang kasama niya at ang babae naman ay pinulupot ang mga braso nya sa bewang ni Brent.
          
What the fuck?! Di ako susugod if that's what you think. Ang ginawa ko? Kinuhanan ko ang pagmo-moment ng dalawa using my phone. Walang mapapala ang pagsugod sakanila dahil pagdating ng confrontation, sigurado magdedeny lang itong si de la Vega.
          
Di ako nakapagconcentrate buong study session. Napaisip ako..

Paano ko sasabihin kay Kyla?

They Don't Know About UsWhere stories live. Discover now