[12] Unwanted List

4 0 0
                                    

Sa pagpasok ko ay di ko agad nakita si Adam kaya nilapitan ko agad ang babae sa counter.  "Excuse, nandito ba si Adam Versoza?" Agad niyang itinuro ang table na nasa medyo tagong lugar.

Nakasuot lang ako ngayon ng isang Ringer Crop top, Highwaist jeans and a pair of white converse.

Nadatnan ko siya habang tingin ng tingin sa relo, maya maya pa ay pumasok na din ako para samahan siya.

"Kyla" Napatayo siya sa inuupuan at hinila ang upuan na nasa harap niya para makaupo ako, what a gentleman. "Akala ko hindi mo na ako sisiputin."

"Marunong akong tumupad sa usapan." Sagot ko sakanya habang tinitignan siya diretso sa mata. Itong Anthosia Cafe ay mayroong cozy ambiance, parang Starbucks ang environment except limited lang ang taong pinapapasok sa loob kaya hindi crowded, at kung wala ng available seats ay may malawak na space sa labas.

"What do you want to order?" Sabi niya sabay abot sa akin ng menu at nginitian ako.

"Ikaw bahala. Order for me at tignan natin kung pareho tayo ng taste." I crossed my arms and raised my eyebrows.

"Sure, yun lang pala." At ngumiti siya na tila parang kumpyansado sa sarili. Maya maya pa ay tinawag nya na ang waiter at napansin kong tinuturo niya lang ang mga in-order at hindi sinasabi ng malakas. Sus, parang di ko malalaman mamaya. "By the way, how's the exams?"

Pinagsalikop ko ang dalawang kamay ko at tinignan ang french tipped nails ko, "Stressful but I'm pretty sure I'm going to pass."

"Of course, Miss Popular wouldn't be Miss Popular without the combination of beauty and brains, right?" There he goes again with the way he looks at me. Para bang tumatagos yung mga tingin niya. Kinikilabutan ako sa mga titig niyang iyon.

Nagkibit balikat na lang ako sa ideyang sinabi niya sa akin, "Kung yun ang sa tingin mo, edi sige."

Di nagtagal, dumating na din yung in-order namin, "Pizza, huh? And this is.."

"Raspberry Shake with a shot of vodka."

I took a sip of what he call Raspberry Shake, "Planning to get me drunk?"

Kita ko ang pagkagulat niya na agad namang pinalitan ng marahang pag ngisi,  "Patawa ka talaga Kyla. Masyado kang honest and that's what I like about you. Hindi naman nakakalasing yan, magkakaroon ka lang ng tama but not enough to make you drunk. And maraming nakapagsabi na hindi ka daw basta basta nalalasing."

"Really? Alam mo wag ka masyadong magpahalata na masyado kang madaming alam tungkol saken. Napagkakamalan na kitang stalker." Napahawak siya sa batok at tumawa kaming dalawa dahil sa sinabi ko.

Naging light lang ang mood namin, unlike the past conversations masyado akong uptight sakanya at parang binabalewala ko lang siya. Sinasadya ko ang mga yon dahil ayaw kong isipin na gusto ko ang ginagawa niya pero habang tumatagal, di ko namamalayan na nagiging kumportable na ako.

Sa gitna ng pag-uusap namin ay biglang tumawag si Brent, "Adam, excuse me muna."

Nang nakalayo ay agad kong sinagot ang tawag niya, "Hello?"

"Babe, I miss you so much. Asan ka? Andito ako sa labas ng bahay niyo."

Nataranta ako bigla sa sinabi niya, but I don't have anything to worry about, right? I mean, this is just a friendly date. Nothing more.. nothing more. "Nandito ako sa Legazpi ngayon. Uhh kasi.. may binili ako and uhm.. gusto ko muna mag unwind since katatapos lang ng finals."

Grabeng palusot yun, kung ako ang sinabihan niya nun ay magtataka na ako. Ano ba kasing pumasok sa utak ko at yun ang naging reason ko? The distance from Naga to Legazpi is almost 3 hours at nagtravel ako ng 3 hours dahil may bibilhin ako? My god, I don't know that I can be this stupid.

"And I'm not included with your plans now? Parang dati lang ako yung gusto mong kasama pag pupunta ng Legazpi." And with that he left a sigh, "It's okay, pero tomorrow I'm heading to Manila. Dun muna ako kila Mom and Dad magstay but I'll be back for enrollment."

"Oh.. Sige, enjoy. Sorry ah? Promise, I'll make it up to you as soon as you arrive. Skype dates, okay?" Napahawak ako sa kabilang braso ko dahil sa biglaang pagihip ng hangin.

"Of course Babe. I'll hang up. I love you."

"I love you too. Bye."

As soon as I ended the call, I headed back to Adam. Why the did I fckin' lie? Naiinis na ako sa sarili ko eh. Dati pag aalis siya iiyak pa ako at magmamakaawang wag na ituloy pero kanina nakuha ko pang magsabi na 'enjoy'? Really Kyla, really?

"You look spaced out, kain ka na lalamig na yung pagkain mo"

I jumped back to reality with what he said, "Ah, haha! Oo nga, sorry."

Nagstay pa kami doon ng mahigit isang oras, walang sawang kwentuhan ang naganap. Parang pakiramdam ko matagal na kaming magkakilala.

Nang makalabas kami ay agad niya akong niyayang ihatid, "Ihatid na kita sa inyo."

"No thanks, I can handle myself." Pagtanggi ko sakanya.

Tumaas naman ang kilay niya at sinabing, "That's an order Romualdez."

"Who says that I can't reject your order?" And I crossed my arms as I face him.

"Okay, sorry." Sapat taas ng dalawa nyang kamay sa ere. "I surrender"

At doon nagtawanan nanaman kami pero napansin ko sa gilid ng mata ko ang isang grupo ng mga babaeng pinagtitinginan kami at pinaguusapan.

"Adam, I think you should go. May mga Atenistang chismosa dito." Sabay titig ko sa grupo ng babae at napatingin naman si Adam sakanila.

"Oo nga, are you sure kaya mo na?" Tinaasan ko siya ng kilay bilang sagot, alam niya na yon.

Nang nakaalis na siya ay agad kong kinuha ang kaha ng Marlboro Black sa bag ko. Sisindihan ko na sana ito nang may biglang nagsalita sa gilid ko.

"Another one added to my list called, 'Reasons Why Kyla Romualdez is a Big Turn Off'"

They Don't Know About UsWhere stories live. Discover now