[7] Hidden Desire

3 1 0
                                    

Fck. Ang dami ko na ngang iniisip. Dumagdag pa 'tong itsura ko. Mukha akong sabog. Nakakadepress. Lalo na pag naaalala ko yung kagabi. Nakakahiya! Sa dinami-daming tao na pwedeng makakita sa akin, siya pa?!

Napatingin na lang ako sa lalaking lumapit sa akin. Ayaw ko sanang tignan at baka makilala pa ako, ipagkalat pa ang pagiging miserable ko pero dahil sa curiousity ko tinignan ko ang kumausap sa akin.
         
"Kyla?" Sht. Yung monster sa bar. Siya 'to!
         
"Anong tinitingin tingin mo?! Nahihilo lang ako dahil napadami ako ng inom!" Siyempre inunahan ko na siya. Pag umalis na lang bigla at ipagkalat ang nakita niya.
         
"Kyla Romualdez? Umiiyak dahil nahihilo? Nah. Hahaha! Kala ko na-rape ka." At tumawa ang monster. Mayabang na tawa. Leche.
         
"It's not even funny, you.. you monster!" I shouted at him. Buti na lang at dis oras na ng gabi at walang ibang nakarinig.
         
"Whatever you say, Romualdez." Sabi nya habang nakapamulsa ang dalawang kamay. Iniwanan na niya ako at dumiretso sa dorm building na tinutuluyan ni Bae.
          
Dito din kaya sya? Ugh. I don't care!

Napatigil ako sa pagmuni muni nang may nagtext sakin.

          Evan :
          Hi Kang. Sorry about last night. Concerned lang naman kami sayo. I hope naintindihan mo kami. We love you. Wag mo sanang isipin na kinokontra ka namin, ok? And btw, pumasok ka na. Please? :) Text mo na lang si Baeron kung gusto mong magpahatid.

That's sweet. Ngayon ko lang na-realize na medyo naging rude ako kagabi.

          Me :
          I should be the one to say sorry Evan. Ako itong naging btchy. Yup, papasok na ako and wag mo na ako ipahatid kay Baeron. I can handle myself. Thanks for making me smile this day. :)

Smile, Kyla. Kung magsorry si Brent, edi okay! Kung hindi naman, kahit masakit at kahit di ko kaya, kakayanin ko na lang.
         
30 minutes before time nang nakarating ako ng AdNU. Nakikita ko pa lang ang school alam niyo yung parang gusto ko na umuwi? But for the sake of my future, papasok na lang ako. Habang papunta ako sa room ko sa Dolan Building, maraming tao ang bumabati sa akin. Nakakapagod maging sikat.
         
Dumiretso agad ako sa room ng next subject ko at nagulat ako nang naabutan ko.. siya.
         
Nakatayo siya sa harap, may dala-dalang box of donuts at sa kabilang kamay naman ay madaming fries. Napangiti ako sa loob loob ko. He really knows what I want. Hindi talaga ako nadadaan sa roses and chocolates na yan. Lamon kung lamon.
         
Di ko napansin na papalapit na siya sakin. Wala pang tao kaya kaming dalawa lang dito. May mga napapatingin pero hinahayaan na lang kami.
         
"For you?" And he raised both of his hands showing what he brought for me. So cute. I just want to pinch him on the cheeks pero kailangan magpakipot din.
         
"Para saan?" I said with a serious tone and with a btchy face.
         
"For being an asshole. For acting that way the last time we talked. For not texting you. For not being there when you need me." Nilagay niya yung mga dala niya sa malapit na lamesa. At hinawakan ang magkabilang pisngi ko. "I just needed some space, babe. Medyo nabigla kasi ako sa accusations mo sakin. Ganun na ba ang tingin mo sakin? Tanga ko na lang kung ipagpalit kita." He said those while staring into my eyes.
         
"Really, huh? You know what, de la Vega? Fck you." He laughed. His laugh. God knows how much I missed this.
         
"You bad girl." And he kissed me. Peck lang. We're still here at school baka dalhin kami sa Guidance, Catholic school pa naman.
          
I rolled my eyes. "Blah blah blah. Okay, you're forgiven"
         
"Thank you. Thank you so much." And he kissed me again. Nakakarami na 'to ah.
         
"Pasalamat ka at may dala kang donuts and fries." But the truth is, kahit wala syang dala I would still forgive him over and over again.
         
"Yeah. I know you can't resist those." He winked at me.
         
"Sige na, you should go. Malayo pa ang building ng next class mo, right?" Medyo lumayo na ako sakanya dahil malapit na mag time. Malapit na mag time meaning dadami na ang tao. Pag maraming tao, maraming makakakita. At pag maraming makakita, baka matsismis nanaman.
         
"Okay. Later?"
         
"Yeah, sure." How I wish I could fast forward the time.
         
"I love you. And.. I missed you so much."
         
"I love you too, you asshole."

***

EVAN's POV

          Kang :
          I should be the one to say sorry Evan. Ako itong naging btchy. Yup, papasok na ako. And wag mo na ako ipahatid kay Baeron. I can handle myself. Thanks for making me smile this day. :)

          Thanks for making me smile this day.
          Thanks for making me smile the day.
          Thanks for making me smile this day.

"Fck. No, no, no." Paikot ikot ako sa kwarto habang pilit kinukumbinsi ang sarili ko na wala lang 'to.
         
"Evan!" Tngna!
         
"Tngna, ano ba!" Binuksan ko ang pintuan ng kwarto ko. Si Mico ang bumungad sa akin, tila gulat na gulat sa inasal ko.
         
"Umagang umaga, ang init ng ulo mo." Sabi niya ng nakasimangot.
          
Kasalanan ko din naman kaya napakamot tuloy ako sa ulo ko. "Pasensya na. Ano bang problema?" Umupo ulit ako sa kama at di ko namalayang hinawakan ko nanaman ang phone ko.
         
"Gago ka rin eh noh? Ako yata dapat magtanong kung anong problema. Hihingi lang ako ng bond paper kasi alam kong marami ka dyan."
         
"Kuha ka na lang." Replyan ko ba si Kyla? O wag na? Kung magreply ako baka isipin niya gusto kong humaba usapan namin baka mailang pa yun sakin tapos umiwas pa.
         
"Sampu kailangan ko. Okay lang? Baka mamaya isumbat mo pa sakin." May mga panahon talagang hiniling ko na sana di kami magkaibigan ni Kyla. Eh di sana masa madali para sakin na umamin sa kanya. Hindi tulad ng ganito, napaka complicated.
         
"Hoy. Ano, okay lang ba? Mala-late na ako pag di pa ako umalis ngayon." Pero wala namang masama kung umamin ako diba? Lalo na ngayon na medyo nagkakalabuan sila ni Brent.
         
"Tngna naman Evan!" Padabog na sinigawan ako ng kapatid ko na si Mico.
         
"Tngna mo rin! Diba sabi ko kumuha ka na lang?!" Napatayo ako sa pagkakaupo ko.
         
"Wag na. Bibili na lang ako." Sinabi niya yun habang naglalakad paalis ng kwarto ko at padabog na sinarado ang pinto.

D*mn. Ganito ba talaga kalakas ang epekto mo sakin Kyla?

They Don't Know About UsWhere stories live. Discover now