"H--Hi, come. Jay is inside waiting for you. Sana nagtext ka bago ka pumunta. Edi sana hindi mo ko nakita," sabi niya. Mahina na ang boses niya nang sabihin niya ang huling mga salita. Ramdam ko ang sakit doon.

"Its ok Ken. Mas maiging nandito ka, may sasanihin din ako sa iyo mamaya," nag-iwas ako ng tingin.

"Kuya, sino ang dumating?" tanong ni Jay.

"Its me Jay," sagot ko. Ngumiti ako nang maglandas ang tingin namin. Namumutla ang buong mukha niya. Nakaramdam ako ng awa para sa kaniya.

"Maiwan ko na muna kayo. I'll wait outside," sabi ni Ken. Sabay labas niya ng kwarto.

Lumapit ako sa hospital bed na hinihigaan ni Jay. Bahagya siyang naupo, tinulungan ko naman siya. Hinawakan niya ang kanang kamay ko at hinalikan ang likod ng palad ko.

"I'm so sorry, Ella. I dont know how will I start to explain myself. I know I am selfish. Sorry sa mga nagawa ko. Epekto nang sobrang pagmamahal para sa'yo. Sorry kung nasira ko ang relasyon niyo ni Kuya. I mean ni Ken. I will accept if you're going to be mad at me. Sampalin mo ako, suntukin mo ako, para mawala lahat ng sakit na naramdaman mo. I know hindi mawawala lahat ng sorry o ng pisikal na pananakit ang nararamdaman mo. Gusto ko lang sabihin na walang kasalanan si Kuya rito. Ako ang ang nag-provoke sa kaniya na gawin ito. Pero, Ella lahat ng ipinaramdam at ipinakita ko sa'yo lahat iyon ay totoo. Kaya sana huwag mong pagdudahan ang pagmamahal ko para sa'yo. Balikan mo si Kuya. Iyon na lang ang tanging hiling ko. Bago man ako mamatay alam kong maitatama ko ang mga maling nagawa ko." Nakita ko ang luhang tumulo mula sa mata niya.

Hindi ko na rin napigilan ang luha sa mga mata ko.

"You're forgiven Jay. Nangyari na ang mga nangyari. Nasaktan na tayo pare-pareho. Hindi naman kasi madaling mawala yung sakit. Huwag ka ng masiyadong mag-isip. Makakasama yan sa kalagayan mo. Nagpunta ako rito para magpaalam. I passed the school program examination. I'm one of the luckiest student na makakapag-aral sa America. I went here to say goodbye. Pinagpapasalamat ko na naging bahagi ka ng buhay ko. And I know that all the things you did to me is comes from your heart. I want you to know that my feelings for your brother is still the same. Walang nagbago, yun nga lang mas nadagdagan ang sakit, mas nangingibabaw. I want to get this opportunity para humilom lahat ng sugat na nasa puso ko. Time will tell if kami nga talaga ng kuya mo para sa isa't isa. Time is the best healer for all the wounds that made from the past. Bigyan mo ako ng panahon para mapag-isipan ang lahat. Ayokong balikan ang kuya mo dahil hiniling mo. Gusto ko bumalik sa buhay niya kung talagang sinasabi ba ng puso ko na kaya ko na ulit siyang tanggapin." Nakita ko naman ang ngiti sa labi niya.

"So, Kailan ang alis mo? Hindi kita maihahatid kita mo naman na mahina na ang katawan ko," sabi niya. Nakita ko ang lungkot sa mata niya. Niyakap ko siya. Nang sa gayon kahit sa yakap ko lang, maramdaman niyang marami ang nagmamahal sa kaniya.

"Sa susunod na linggo na ang alis ko. Hindi mo na kailangan pang ihatid ako. Magpagaling ka rito. Dapat pagbalik ko magaling ka na," pagbibiro ko. Kahit alam kong malabo ng mangyari ang sinasabi ko. Ngumiti lang siya sa sinabi ko.

"I wish all the best for you aking binibini. Mag-iingat ka roon lalo na at wala kaming prince charming at night in shining armor mo para ipagtanggol ka. Alam ko naman na kaya mo iyon. You're a strong woman." Tumango na lang ako sa sinabi niya.

"So, this is goodbye. Mag-iingat ako para sa'yo." Niyakap ko ulit siya. "No, this is not a goodbye, this is thank you. Thank you for coming into my life and giving me joy. Thank you for loving me. Thank you for the memories that I will cherish forever," kumalas ako sa pagkakayakap sa kaniya at lumabas ng kwarto.

**

Nakita ko si Ken sa malapit na upuan na hindi mapakali na pabalik-balik na naglalakad habang kagat-kagat ang mga kuko ng daliri niya.

"Hey, still same habbit huh? Sabi ko sa'yo tigilan mo ang pagkagat sa kuko mo di ba? Ano bang nangyari at nagkakaganyan ka?" tanong ko. Kasabay noon ang pag-iwas niya ng tingin.

"Its because of you. You didn't answer all my calls last night. Hindi ko alam kung ano nangyari sa'yo kahapon pagkatapos mo mag-walk out. Hindi ko rin alam kung pupuntahan ba kita sa apartment mo o hindi. Kapag iniisip ko yung sinabi mo kahapon naapektuhan lahat ng gagawin ko." Maluha-luha niyang sabi.

"Ken, maliwanag ang sinabi ko di' ba? We need to take a different pathways, give ourselves space. And we should give ourselves a freedom. Hindi naman siguro malabo ang pagkakasabi ko hindi ba? I want to clear all the things between us. I don't want to leave na hindi man lang ako nagpapaalam ng maayos. It already happened to me, yung maiwan nang wala man lang explanation. Anybody need an explanation. Sorry, kung umalis agad ako kahapon. I can't handle the pain everytime I see you. It's like always reminding me how you hurt me. All the things you've done to me."

"But, Ella, naipaliwanag ko na naman 'di ba? Why you need to get this hard for the both of us? Please stay with me. And I promise I will not do a stupid things again. Just please stay with me. Gawin mo akong alipin, o kahit na anong gusto mo gagawin ko. Huwag ka lang mawala." Hinawakan niya ang dalawa kong kamay. Kinuha ko naman iyon sa kaniya.

"Sorry, Ken, it hurts me alot. Maybe you need to earn your lesson. I came here to say goodbye. I will go to America. I will continue my study there. My wounds needs to heal. Maybe kapag gumaling na ang sugat, pwede na akong bumalik
Pero hindi ko maipapangakong sa'yo pa rin ang puso ko. Masiyado ng masakit kaya... tama na ito. Lalayo ako dahil ito ang gusto ko. I want to go to the place that I can fixed myself. Yung ako lang mismo sa sarili ko ang gagamot sa sugat. Don't try go next to me. Mas lalo lang akong magagalit sa'yo at lalayo sa'yo. So, please, stay here and continue your life. Kung tayo talaga para sa isa't isa, our chosen path will meet again. And if that will happen, I will assure you ako na ang mismong yayakap pabalik sa'yo," sabi ko.

Hindi ko na hinintay pa ang sasabihin niya. Tumalikod na ako at nagsimulang maglakad palayo sa kaniya. Napatigil ako ng muli siyang magsalita.

"Ella wait... I will never give up on you. This is not the end for us. Its difficult to wait but more worse to regret. I will wait for the time that our path will meet again." Bumilis ang tibok ng puso ko sa sinabi niya.

Pumikit ako at itinuloy ang paglalakad ko palayo.

"Goodbye is my another way of saying, I'll always love you," isinatinig ko sa aking sarili.

Naramdaman ko ang pagpatak ng luha ko sa aking pisngi. Pinunasan ko iyon at tuluyan ng lumayo.

*****

End of Chapter 9

A/N: One more chapter left then epilogue na.

Thank you for reading.

-ate Mayang :)

Starting over again [Under Major Editting]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon