Chapter Forty Six

140K 2.6K 145
                                    

Chapter Forty Six


DAPAT maging masaya siya para sa bestfriend niya, dapat magdiwang siya kasi magkakaapo na uli ang kanyang mga magulang madadagdagan na naman ang pamilya niya. Nakangiti lang naman siya kanina habang nakikinig sa sinabing balita ng doctor, alam niyang nag-aalala din si Jazzmine sa kanya pero sinabi niyang okay lang siya. Na wala namang problema sa kanya dahil may anak na siya kaya lang ganito pala iyong feeling kapag nag-iisa ka nalang at biglang nagsink in ang masamang balita sa kanya.

She long for it, she wished and hoped for it. Alam niyang gusto na rin ni Eon iyon, gusto na ng buong pamilya ni Eon at maging ng kanyang pamilya pero hindi lahat ng hihilingin mo ay ibinibigay sa iyo.

"This is very rare Ms. De Castro," napatingin siya kay Dra. Ventura. "Your first birth was through C-section and you've experienced surgical adhesions."

Kumunot ang noo niya sa sinabi ng doktora sa harap niya. "Anong ibig mong sabihin niyan?"

"Cesarean sections might be one of the safest viable birthing option however may draw backs din siya. Isa sa mga iyon ay ang surgical adhesions. These are bands of scar tissue that form insde your abdomen or pelvis after the surgery. Habang nagpapagaling ang katawan mo sa surgery, this scar tissue connects organs together causing them to stick to one another. And your adhesions form between the ovaries or fallopian tuble, it may be impossible for the sperm to enter and fertilize an egg."

"Ibig niyo pong sabihin hindi na ako magkakaanak?" tanong niya dito.

Biglang natahimik ang doktora habang nakatitig sa kanya. "I want you to prepare yourself for the consequences Ms. De Castro."

"Wala bang gamot na pwedeng inumin diyan? O kaya naman ay surgery?" tanong ni Jazzmine sa doctor. Dapat ay magsaya ito dahil sa kanilang dalawa ay ito ang buntis pero nakikihati na rin ito sa problema niya. Ayaw niyang bigyang problema ang kaibigan niya dahil buntis nga ito baka mapahamak pa ito ang dinadala nito dahil sa kanya.

"Pwede naman we can undergo laparoscopy o kaya naman laparotomy but it may reform after they have been removed. Pwedeng ulit-ulitin ang surgery but the chance of getting pregnant is again lesser than normal. Kung mabuntis ka man if it ever happens that the egg can enter the fallopian tuble at mafertilize ng sperm this may not adequate to make its way to the uterus at malaki ang chance na magkaroon ng ectopic pregnancy which could result in a life threatening situation. You can bring your fiancé here Ms. De Castro to talk about this surgery."

Bigla siyang nanginig ng marinig ang salitang surgery. The last time she remembered when the doctors performed her that surgery ay halos mamatay na siya, sobrang dami ng dugong nawala sa kanya ng manganak na siya and all she could remember is the pain when she woke up. Ayaw na niyang maranasan uli iyon, not now when she isn't even sure na pagkatapos ng surgery ay pwede pa siyang magkaanak.

"I don't think that's necessary Doc, okay na ako sa kambal ko. Gusto ko lang masure kung buntis ba ako o hindi dahil delayed ako ngayon."

Ngumiti ang doctor sa kanya pero alam niyang nakikisimpatya din ito sa kanya. "I am very sorry-."

"No, it's okay. Salamat ng marami doktora."

"Walang anuman kung anuman ang magiging desisyon mo ay huwag kang matakot na bumalik dito."

Tumango siya. "I will." Nagpaalam na siya sa doktora. Habang nasa labas sila ng clinic ay nakangiti lang siya.

Twin's Tricks (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon