Chapter Thirty Two

187K 3.4K 159
                                    

Chapter Thirty Two



KUNG kasalanan ang titigan ng malagkit ang isang tao magtatago siya para hindi siya mahuli ng mga pulis para lang titigan ito ng matagal. Nasa palengke sila at sinasamahan niya si Leeyah, ngayong nakapagtapat na siya ng kanyang nararamdaman ay magaan na ang loob niya pero hindi pa rin siya panatag dahil tila walang narinig ang dalaga... technically speaking dalaga pa si Aleeyah at dapat siya ang puputol ng status na iyon kapag pumayag na ito.

Tahimik lang ito habang namimili sila, alam niyang hindi madaling tanggapin ang pagtatapat niya sa kalsada pa at sa harap ng maraming tao. Pero hindi siya nagsisisi, tinatanggap niya na sa kanyang sarili na mahihirapan siyang muling paibigin si Aleeyah. After all may kasalanan siya nagpapasalamat na nga lang siya at hindi siya tinatrato nito ng masama. Aleeyah is a very good woman.

Papauwi na sana sila ng bumaba talaga ito para tulungan ang isang nasirang sasakyan. The same Aleeyah she used to know, kahit nga yata nasa fourth floor ito kapag may nakita itong sasakyan na tumirik ay bababa at bababa ito para tumulong. Kahit na nakagown ito ay tutulong at tutulong talaga ito, wala itong pakialam sa grasa na pwedeng dumikit sa katawan nito.

"Paki-start." Untag nito sa kanya kaya napapikit siya dahil ginising siya nito sa napakagandang panaginip niya. "Eon, paki-start." Seryosong utos nito sa kanya kaya agad siyang kumilos. She started the car's engine and it starts na para bang hindi ito nanggaling sa anumang sira. That's Aleeyah, kapag makina ay kayang-kaya nitong ayusin she's a genius when it comes to this.

"Naku miss salamat talaga ng marami hindi ko alam kung paano ka pasasalamatan." Pasasalamat ng may-ari ng sasakyan. Kanina pa niya napapansin na pasulyap-sulyap sa kanya ang babae hindi man lang iyon napansin ni Aleeyah na masyadong abala sa inaasikaso nitong kotse. Iyong babaeng may-ari sobrang iksi ng short hindi man lang nahiya kay Aleeyah na sobrang ganda pa rin kahit na balot na balot. "And to you too." The owner of the car smile sweetly at him, hindi niya ito pinansin. Kung hindi dahil sa utos ni Aleeyah ay hindi naman siya tutulong. Hindi siya ganoon kabait.

"Magpasalamat ka sa asawa ko." Aniya, halatang nadismaya ang babae sa sinabi niya hindi naman narinig ni Aleeyah ang kanyang sinabi dahil abala ito sa pagsara ng hood ng kotse at paglilinis ng may grasang kamay nito. Umirap lang sa kanya ang babae at pumunta kay Aleeyah upang magpasalamat. Agad siyang lumapit kay Leeyah upang tulungan itong magpunas ng grasa sa kamay nito mabuti nalang at hindi siya nito sinaway kaya alam niyang mas lalong nainis ang babaeng may-ari ng sasakyan.

"Salamat sa tulong mo ha hindi ko alam ang gagawin ko kung hindi mo ako tinulungan."

Ngumiti lang si Aleeyah. "Kailagan naman talagang tulungan ang nangangailangan, sige ingat ka miss sa pagmamaneho."

"You're welcome." Sumakay na sa kotse ang babae habang siya ay napanguso.

"Gusto mong sabitan ko iyang nguso mo ng kaldero?" mataray na tanong nito.

"She's flirting with me wala ka man lang ginawa."

Tumaas lang ang kilay nito. "Ang lalaking malandi kaunting kalabit lang ng isang babaeng malandi bumibigay na agad."

"Hindi ako malandi." Tumaas lang ulit ang kilay nito. "I changed, matagal na. Malinis na ang konsensya ko gusto mo pa nga samahan mo ako sa simbahan mangungumpisal ako ng nakamicrophone sa harap mo at ni father."

"Uwi na tayo."

"Aleeyah believe me."

"Okay."

Twin's Tricks (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon