Prologue

427K 6.6K 296
                                    

Prologue:

May mga bagay talaga na gusto mo man na makuha, ginawa mo na ang lahat ay hindi pa rin mapapasa-iyo. Hindi naman siya umaasa dahil wala namang ginawang bagay ang lalaki upang umasa siya pero gaga kasi ang puso niya dahil natuto pa rin siyang umasa.

Umasa na sana isang araw...


Siya naman ang tingnan nito.

Na maisip nito na nandiyan lang siya sa tabi nito.

Sana siya naman ang isipin nito.

Sana siya naman ang maging sentro ng mundo ng lalaking mahal niya.

Sana siya naman ang mahalin nito.

Sana siya naman.

Kahit sandali lang.


Kaya lang, dumaan na ang maraming taon hindi man lang ito nakamove on sa unang babaeng minahal nito. Kahit na may ibang kasintahan na ang babaeng iyon ay minamahal pa rin nito.


Naaawa siya dito, nasasaktan siyang makita na malungkot at nasasaktan din ito dahil sa hindi ito kayang mahalin ng babaeng kulang nalang ay sambahin nito. Kaya lang kung nasasaktan ito mas nasasaktan din siya. Pakiramdam niya ay bitbit niya ang sakit na dinadala nito, kaya nga nanatili siya bilang kaibigan.


Isang simpleng kaibigan na madalas nitong inaaway kapag nasasaktan ito... isa siyang power and pain absorber.

Isang kaibigan, kung kaibigan man talaga siya nitong ituring. Dahil hindi niya iyon maramdaman, siya nga lang yata ang nag-iisip na kaibigan niya ito. Dahil sa paningin nito isa lang siyang empleyado, empleyadong sinasahuran nito, empleyadong pwede nitong paalisin kung gusto nito.

Ang sakit.

Sobrang sakit.

Bakit ganito?

Naibigay ko na ang lahat bakit ayaw pa rin niya?

Bakit kailangan pa siyang masaktan ng husto, mawarak ang dignidad bago pa niya marealized na kahit kailan hindi sila pwedeng maging sila?

Isang gabing pagkakamali... isang pirasong papel na may katumbas na halaga... ganoon lang ba talaga siya sa paningin nito? Isang pagkakamali? Isang maling nangyari... sapat na ba iyon para ipagtabuyan siya nito?


She will never forgive him, hindi siya gaganti... pero hindi niya kailanman ibabalik ang tangang babaeng minsan ay nagpakatanga at nagpakabaliw dito. Not even when their children are meddling with their affairs. 

Kalimutan na ang dapat kalimutan.

Move on na kung move on.

Pero hindi siya nito kailanman maibabalik sa putik na pinagsadlakan nito sa kanya. Never. Never again.



<<3 <<3 <<3

a/n: I'll start writing this one after ZBS4, hindi masyadong mahaba ang mga chapters nito, hindi siguro aabot ng katulad ng WOAF, tingnan lang natin, hindi ako magsasalita ng tapos pero sure akong hindi everyday ang update. Wooot2x... priority ko pa rin ang ZBS series. Kailangan ng extra focus sa series na iyon lalo pa at may babalik na. Kung sino iyon, sekretong malupit muna.

Twin's Tricks (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon