Chapter Two

279K 5.2K 271
                                    

Chapter Two

"BAKIT siya pa?" napapitlag siya ng biglang ibato ni Eon ang boteng hawak nito, nasa isang bar sila ng mga oras na iyon. Heto na naman siya inaalalayan ang pusong nasaktan ng lalaking mahal niya. Kung nasasaktan ito dahil sa pagiging broken hearted nito ano nalang kaya ang tawag sa nararamdaman niya. Ayaw naman niya na nandito siya habang tinitingnan ito na nasasaktan at sinasaktan siya kaya lang bilang isang kaibigan at empleyado nito na kapag sa oras ng kagipitan ay palaging siya ang unang tinatawagan ay heto siya, isang text lang o kaya naman ay isang tawag lang hindi na siya makatanggi.

Mahal niya eh.

Tanga siya eh.

"Tama na iyan Eon." Inagaw niya ang isang bote ng beer na mabilis nitong inubos. "Malalasing ka na naman niyan."

"Huwag mo akong pakialaman Aleeyah! Hindi mo alam ang nararamdaman ko dahil kahit kailan hindi ka pa nagmahal." Hinagpis nito. Gusto sana niyang sabihin na kung nararamdaman man lang ang pag-uusapan relate na relate siya. Sa sobrang relate niya ay ang sarap niyang ibaon sa ilalim ng lupa.

"Umuwi ka na Eon lasing ka na."

"Ayoko! Ayokong umuwi maaalala ko lang si Xyler. Maaalala ko lang kung gaano ko siya kamahal."

Napabuntong-hininga siya sa nakitang lungkot sa mga mata nito, kailangan niyang gawin iyon upang hindi siya maiyak. Ilang beses na ba niyang sinabi na gusto na niyang umalis sa poder nito dahil kapag nakikita niya ito ay naiiyak lang siya. Ilang beses na ba siyang nagpapanggap na okay lang siya pero kapag nag-aayos na siya ng sasakyan at nasa ilalim ay hinahayaan niyang manlabo ang kanyang mga mata sa mga luhang ayaw na sana niyang sayangin para dito.

"Sinabi ko naman sa iyo na sabihin mo ang nararamdaman mo sa kanya." Aniya dito at kumuha na rin ng beer at saka uminom na rin. She wants to forget her own pain too, masyado ng masakit ang nararamdaman niya sa puso niya.

"Bakit ko pa sasabihin kung alam kong wala na akong pag-asawa. Palagi ako ang last choice, kahit na kina kuya at Ainsley kahit na ako ang pangalawa I am always the last option." Patuloy nito.

Gusto sana niyang sabihin na sa kanya hindi ito kailannman magiging last option, dahil handa niyang iwanan ang lahat ng ginagawa niya para lang dito.

"Just move on already Eon darating din naman ang babaeng para sa iyo. Don't settle for someone who doesn't even know what you feels. May tamang babae para sa iyo iyong ikaw naman ang first priority niya."

Mapakla itong tumawa at saka tumingin sa kanya. She really hates it when he looks at her and caught her eyes, bakit? Dahil sinasabi nito sa kanya na kapag ito ang kaharap niya ay talon a siya, palagi siyang natatrap sa mga mata nito.

"Sino naman ang babaeng iyon? ikaw?" malakas itong tumawa na para bang napakaimposible ng ideyang siya nga ang babaeng iyon. mabilis siyang humalukipkip upang kahit paano ay bantayan ang sarili niya. Iniisip lang niya na lasing na ito kaya kung anu-ano na ang pinagsasabi nito. "You aren't Xyler, Aleeyah. Hindi ka siya at hindi siya ikaw kaya impossibleng mahalin kita."

Ayaw sana niyang pansinin ang mga sinasabi nito pero hindi niya kaya dahil tumagos iyon sa puso niya. tumagos iyon sa kalamnan niya, alam niyang napakaimposibleng magawa siya nitong mahalin dahil hindi nga siya ang dream girl nito.

Sino lang ba siya? Isa siyang hamak na babae na kahit pambili lang ng damit na gusto niya ay hindi niya magawa dahil mas gugustuhin niyang unahin ang pangangailangan ng kanyang pamilya. Wala na nga siyang oras na mag-ayos at saka sanay na sanay na ang balat niya sa dumi at grasa mula sa mga sasakyan.

Twin's Tricks (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon