Chapter 12: Burn Baby! Burn!

ابدأ من البداية
                                    

"Lumitaw na nga si Black Out sa lipunan at ipinarating ang kanyang mensahe para sa mga bid at mga bidder. Marami pa rin ang mga tao sa loob ng PICC na nagkakagulo dahil sa paglabas..."

"This is a clear message to all the bids and bidders, will it change the course of history of mankind? Or is it just a sign for all that blood will be shed this night?"

Ang mga reporter sa labas ng PICC ay patuloy sa pagbabalita. Sa likuran nila ay makikita ang nasusunog at nawasak nang lumang gusali sa loob ng malaking compound. Ang iba naman ay ipinapakitang sugatan, madudungis ang mga mukha at lumuluha. Hindi magkamayaw ang mga pulis sa pagpapatrolya sa paligid ng PICC. Dala ang kanilang mga baril ay ginagalugad nila ang lugar upang hanapin si Black Out. Gamit ng iba ang ilang mga drone upang makita ang iba pang kasulok-sulukan ng nasusunog na gusali. May iba pang sugatan sa loob na kailangan nilang ilabas. Tila nakakulong ang mga ito sa nagngangalit na apoy.

_________________________

"Sir. May nangyari po, nagpakita na ulit siya..." wika ng isang matipunong lalaki na nakasuot ng coat. Humarap siya kay Nico Rivera, ang presidente ng Pilipinas.Sa pagkakataong iyon ay nakabenda pa ang kanyang kamay. Dahan-dahan namang humarap ang presidente sa kinaroroonan nito.

"Si Black Out?!" bulyaw niya.

"Ano pang hinihintay niyo?! Ipadala niyo na ang military bilis!" galit na sambit ni Nico Rivera.

"Pero hindi pa po sigurado ang lahat kung naroon nga siya."

"Anong gusto mong mangyari? Na kapag lumitaw na talaga siya ay saka lang tayo magpapadala ng puwersa?! Gawin mo ang iniuutos ko! Wala akong pakialam kung mamatay siya basta dalhin niyo siya at iharap sa akin!" bulyaw ng presidente. Hindi naman nakapalag pa ang lalaking iyon.

"O-opo..." wika na lamang niya. Nang palabas na siya ng kuwartong iyon ay saka naman pumasok ang kanyang sekretarya.

"Sir.Nagsimula na pong kumilos ang mga bid sa buong bansa..." balita niya.

"A-ano?" wika naman ng presidente.Agad namang kinuha ng kanyang sekretarya ang remote ng hologram TV.

Binuksan niya iyon at doon ay makikita ang pag-aaklas ng mga bid. Sinisira nila ang anumang bagaysa kanilang madaanan. Pinipintahan ang mga pader gamit ang ilang spray paint ng ilang mga mensahe ng pakikipaglaban para sa kalayaan, pagpapatigil ng bentahan ng mga walang muwang na paslit sa black market at ang pagpapabagsak sa MEMO Corporation. May mga ilan pang nagpinta ng mukha ni Black Out. Kulay itim na gas mask ang kanilang ipininta sa mga pader at kulay pula naman ang kanyang mga mata. Nagsunog naman ng watawat ng Pilipinas ang iba kasabay ng pagsunog ng imahe ng Malakanyang.Inilipat ng sekretarya ng presidente ang channel at ganoon din ang ipinapakita dito. Naagsimula na silang magsunog ng ilang mga kabahayan at mga hover vehicles. Sa daan ay pinutol nila ang ilang mga stoplight at ginawang pangharang sa kalye upang hindi makalapit ang mga pulis. Ang iba naman ay ibinaliktad ang ilang mga hover car at ipinangharang din sa kalye at sinunog. Gumawa naman ng Molotov bomb ang iba gamit ang ilang babasaging mga bote at gas.

"Ibigay ang code red signal! Ipadala niyo na ang military at ang iba pa...bilis!" utos naman ng presidente.Yumuko naman ng bahagya ang sekretarya ng presidente at lumabas ng kwartong iyon. Naiwang nakatulala sa hologram TV si Nico rivera, tila hindi makapaniwala sa kanyang nasasaksihan.

________________________________

"Nagsimula na pala. Ang bilis naman...hahaha," bulong ng misteryosong lalaki na nakasuot ng top hat at nagmamatyag sa paligid. Pinanonood niya ang balita gamit ang kanyang hologram stick. Ipinihit niyang muli ang kanyang ulo sa kinaroroonan ni Dylan at ng kanyang mga kasama. Hindi sila makaalis sa lugar na iyon dahil sa pagsisiksikan ng mga tao. Muli namang napatingin si Dylan sa kanya. Naningkit ang kanyang mga mata at sa pagkakataong iyon ay parang alam na niya na siya ang may kagagawan ng lahat.

Project: Black Out (Philippines: Year 2300 Prequel) #Wattys2016 #Trailblazersحيث تعيش القصص. اكتشف الآن