"S-si Kia..." kandarapa akong lumapit kay Kia. "B-buhay ang baby ko... buhay si Kia..."

"Diyos ko, Ruby..." natutop ni Mama ang sariling bibig. "A-ano ba iyang pinagsasasabi mo diyan, ha?!"

Humarang si Amang sa pagitan namin ng bata at niyapos nya ako. "A-anak, tama na... patay na ang anak mo..."

"H-hindi..." napahagulhol na ako. "H-hindi patay ang anak ko... buhay si Kia... siya ang baby ko! Ayan siya, buhay siya! Si Kia ang baby ko... baby ko..." Para akong sira na paulit-ulit.

"A-ate..." napaiyak na rin sa Danica dahil sa kalagayan ko.

"R-Ruby, anak..." pato si Mama ay umawat na rin sa akin sa paglapait ko kay Kia.

Pilit ko mang gustuhing mayakap ang aking anak pero pinipigilan nila ako. Ang akala nila siguro ay nahihibang lang ako. "B-bitawan nyo ako... gusto kong mayakap ang baby ko..."

"R-Ruby, tama na..." nakayapos na rin sa akin si Mama. Humahagulhol na rin sya.

Kulang na lang ay buhatin ako ni Amang para mailayo. Natigilan lang sila nang magsalita si Kia. "Mommy..."

Napalingon silang lahat sa bata.

Nag-ulap ang mga mata ni Kia. Humikbi ang cute na mapupulang mga labi. "Mommy ko..." umiiyak sya! Umiiyak ang baby ko!

Nagkaroon ako ng pagkakataon. Mabilis kong nilampasan sina Amang at Mama. Sinamantala ko ang pagkatulala nila dahil sa mga pangyayari.

Patakbo kong nilapitan ang aking anak at lumuhod ako nang magkalapit kami. Pagkatapos ay mahigpit ko syang niyakap. Ngayon ko lang mayayakap nang ganito ang anak ko matapos ang ilang taon na akala ko ay hindi ko na siya mayayakap pa. Matapos ang ilang taon na wala ako sa tabi niya.

"Anak ko!!!" hiyaw ko. Kasabay din nito ang malakas na paghagulhol ko.

"M-mommy!" atungal din ni Kia. Mahigpit din syang nakayakap sa akin.

Kumalas ako sa kanya at pinunasan ang kanyang mga luha. "H-hindi na, anak... hinding-hindi na mawawala si mommy... hinding-hindi na..."

Tumango ang anak ko sa gitna ng kanyang pagluha. "Make sure, Mom."

Napaluhod si Mama at dinaluhan kami. Niyakap nya kaming mag-ina. "P-panginoon ko po..."

Hindi pa rin makapaniwala si Amang. Hanggang sa dumating si Kyo na hinihingal.

Bumitaw sa akin si Kia at nanakbo patungo sa kanyang ama. "Daddy, alam na ni Mommy... wag mo na siyang papaalisin!"

Kyo nodded. "Yes, hindi ko na hahayaang mawala ang mommy mo."

Nanlaki ang mga mata ni Mama. "I-ikaw?" Nakatingin sya kay Kyo. "I-ikaw ang ama ng anak ni Ruby?!"

Napabuntong-hininga si Kyo bago marahang tumango.

Napanganga ang lahat.

Samantalang si Mama ay hinimatay at natumba sa sahig.

...


"K-Kyo..." namalat ang aking tinig nang makita ko si sya na nakatayo sa aking harapan. May dala syang malaking itim na bag.

Kasalukuyan akong nasa hospital ng mga sandaling iyon. Binabantayan ko si Mama dahil naka-confine ito. May mga exams pa kasi si Mama na dapat pagdaanan. Nagkaroon kasi sya ng komplikasyon sa puso at kamuntik na syang atakihin noong isang linggo matapos nyang himatayin. And it's been a week ko na ring hindi na nakita si Kyo maliban ngayon.

"Where's Kia?" he asked.

Lumapit ako sa kanya bago ko nilingon si Kia na natutulog katabi ni Mama sa hospital bed.

Love Me HarderWhere stories live. Discover now