16: Friend?

250K 4.3K 115
                                    

Nahuli ako ni Melanie noong sinusulat ko 'yung pangalan ni Deane dito sa journal ko. Akala niya may crush ako sa letchugas na 'yun at inasar pa tuloy ako. Para patunayan na rants lang naman ang mga nakalagay rito, wala akong nagawa kundi ipabasa sa kanya ang mga sinulat ko.

Ayun, natawa siya. Tapos nag-sorry. Tapos sabi niya friends na raw kami. Hindi niya lang sinabi, pinilit niya akong maging friends kami dahil kung hindi raw, ipagkakalat pa rin niya 'yung mga nabasa niya.

Ngayon ko lang na-confirm na may sayad talaga siya sa utak. Sa dami ng mga kaibigan niya, sa akin pa talaga niya gustong dumikit. At Mel na lang daw ang itawag ko sa kanya.

Hay! Tingin ko naman joke lang 'yung sinabi niyang ipagkakalat niya 'yung mga sinulat ko. Tingin ko naman na okay lang na magtiwala ako sa kanya.

Lovelife? Ano 'Yun? ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon