116: Six Months

125K 2.2K 90
                                    


Magma-migrate na sa Canada si Deane after graduation. That's six months from now. At hindi man lang niya sinabi!

Hindi rin naman ako naniniwala na baka nakakalimutan niya lang ipaalam sa amin. Naman! Makakalimutan mo ba ang ganung bagay? At tsaka napakadaldal kaya niya! Minsan nga may masabi na lang! Kaya bakit ang tungkol doon, hindi niya na lang agad sabihin sa amin!

DEANE: Guys! Birthday nga pala ni Ate Jean bukas ng Sabado. Gusto niyang imbitahan kayo, magpi-picnic sana kami.

KASPER: Game ako dyan!

ARA, MINA, ROSE: Kami rin!

KASPER: Saan niyo ba balak gaganapin?

DEANE: Sa South Grisham Park lang sa loob ng village namin. (Tumingin sa akin) 'Wag kang mawawala, Yecats. Aabangan ka 'nun ni Ate.

AKO: (Tumitig lang sa kanya)

DEANE: (Kumaway sa harap ng mukha ko) Yecats?

AKO: (Natauhan bigla)

DEANE: Sasama ka ha?

AKO: (Tumango na lang)

Naiinis ako! Sarap niyang batukan! Wala. Wala nga yata talaga siyang balak sabihin sa amin ang tungkol sa Canada. Kasi kung hindi ngayon, kailan pa? Nakakainis talaga! Pero mas nalulungkot din ako. Six months na lang! Bilang na lang ang mga araw na magkakasama kami.



Lovelife? Ano 'Yun? ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon