115: Piece Of Advice

131K 2.4K 200
                                    


Mag-isa akong nagre-review sa library kanina dahil may long quiz kami sa last subject namin. Susunod din naman ang mga kaibigan ko pagkatapos nilang mag-merienda. Bawal kasi pagkain dito.

Iniwan ko lang sandali ang mga gamit ko sa desk para may kunin na isang libro pero pagbalik ko, may ibang tao nang nakaupo sa pwesto ko. Parang may halimaw na gustong mabuhay sa katawan ko nang maabutan kong binabasa ni Amanda ang journal ko!

Sinugod ko siya, hinablot ko ang journal ko at sumigaw, "PAKIALAMERA KA!!!"

Napatingin sa amin ang librarian at mga estudyante sa paligid. Humingi ng tawad sa kanila si Amanda pero sa akin hindi. Pagkatapos pa nun,nakuha pa niyang utusan ako, "Sumunod ka."

Confirmed! Puno ng kalyo ang mukha niya sa sobrang kapal na!

Sa may dulo ng hallway kami nag-usap. Walang ibang tao. Kami lang. Yakap ko pa rin ang journal ko at nang mapatingin siya ulit rito, ngumisi lang. Sarap isampal sa mukha niya 'tong journal ko!

"Talaga bang wala kang balak ipagtapat ang feelings mo sa kanya?"

Mas lalo akong nagpuyos sa inis! Nanggigil ako lalo! Sa dami ng mababasa niya, 'yung last entry ko pa!

"Binasa mo 'yung journal ko kaya ba't nagtatanong ka pa?"

"Gusto ko lang malaman ang sagot mula mismo sa 'yo."

"Hindi tayo close para sabihin ko sa 'yo." Tinalikuran ko na siya. Ayaw ko nang sayangin pa ang oras ko sa kanya. At aalis na sana ako kaso...

"A piece of advice, tama ngang 'wag mo na lang ipagtapat sa kanya ang nararamdaman mo para hindi ka na masaktan."

Wow! May 'piece of advice' siya para hindi raw ako masaktan! Ang laking WOW talaga!

"I bet hindi mo pa alam kaya ako na ang nagsasabi sa 'yo. Iiwanan ka rin niya kaya 'wag ka nang umasa." At mas lumapit pa siya sa akin para sabihin ang isang sekreto, "After graduation, lilipat na si Deane at Ate Jean sa Canada . Sasamahan na nila ang parents nila at doon na siya mag-aaral."

Noong time na 'yun, hindi ako nakapag-react. Hindi niya ako hinayaang makapag-react. Natapos ang pag-uusap namin at  buong araw gumulo sa isip ko ang mga sinabi niya.


Lovelife? Ano 'Yun? ✔Donde viven las historias. Descúbrelo ahora