107: Liam Torres

138K 2.5K 263
                                    


CONTINUATION...

Wala akong nagawa kanina. Akala ko handa na ako pero hindi pa pala.

Nang magpakilala siya, umurong na ang dila ko. Nang mapansin pa ng lahat ang nangyayaring eksena, mas lalo akong parang na-estatwa sa kinatatayuan ko.

"Oh my gosh! Guys! Tignan niyo! Tignan niyo!"

"What? Si Liam si Sticky Guy?"

"Syet! Nagtatapat na ba siya!"

"Video-han niyo! Video-han niyo!"

"Ikaw na, Ms. Mute—ay! Stacey pala!"

"Go Liam! Manliligaw na 'yan!"

Hindi nakatulong ang panunukso ng audience. Fan na fan sila ni Sticky Guy kaya maririnig mo ang pagchi-cheer nila. Hindi ko napigilan na ikumpara ang eksena sa Kilig Show na isinagawa namin para kina Kasper at Ara. Kinilig ako noong araw na iyon dahil sa nasaksihan kong pagtatapat. 'Di ko inakala na iba pala ang magiging pakiramdam kapag sa akin na nagtapat.

LIAM: Stacey, pwede ka bang makausap ng tayo lang?

Hindi ulit ako nakaimik. Pinagpapawisan ako ng malamig. Tsaka nanginginig ang kamay ko. Kinakabahan ako. Hindi ko alam kung anong gagawin. Ano bang dapat gawin?

LIAM: Stacey...

Tumakbo ako. 'Yung mabilis. Sobrang bilis. At pagbalik ko sa tambayan namin, nagulat sila. Wala pa rin silang kaalam-alam.

DEANE: Ay! Bumili siya ng potato chips! Nang-iinggit!

Pabirong hinablot ni Deane 'yung potato chips na nadala ko. Napansin na nila 'yung sticky note na nakadikit doon. Nang mabasa nila ang nakasulat, sabay-sabay silang napatingin sa akin.

ARA, MINA & ROSE: Liam Torres?

KASPER: Siya ba si Sticky Guy?

DEANE: (Humawak sa balikat ko) Okay ka lang?

Hindi. Hindi ako okay. Lalo pa nang malaman kong nakasunod pa rin siya.

LIAM: Stacey!

Napatago ako agad sa likod ni Deane. Kumapit ako sa uniform niya at yumuko para hindi kami magkatinginan ni Liam.

ARA: OMG!

MINA: This is...

ROSE: Awkward.

LIAM: Akala ko ba bibigyan mo ako ng chance na makausap kita? Sinabi sa akin ni Deane—

DEANE: Liam... (Sandaling natahimik) Hindi pa pala siya handa.

LIAM: Pero—

KASPER: 'Wag mo na munang pilitin, pare. Hayaan mo, kakausapin muna namin siya.

Sandali ulit natahimik ang paligid. Mayamaya, nagsilapit na rin sa akin si Ara para sabihin na naglakad na paalis si Liam.

Hindi na rin muna nila ako kinulit o tinanong ng kung anu-anong bagay tungkol sa nangyari. Alam ko rin naman na malalaman nila 'yun mula sa mga ikukwento ng ibang mga nakasaksi. At ang gusto ko na lang ngayon, matapos na ang araw na ito at makauwi na ako sa amin.



Lovelife? Ano 'Yun? ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon