6: Nag-aral o Naglandi?

369K 5.9K 332
                                    

Nakakatawa 'yung mga classmates ko, lalo na 'yung mga couples na sabay pa raw nag-aral para sa exams! Nag-aral nga ba o naglandi lang? AHA! Nag-aral ng paglalandi!!! Eh kasi naman, kung talagang nag-aral sila, bakit nakipag-kopyahan pa rin noong mismong exam?

May katabi rin akong couple na sumubok mangopya saakin. Una akong sinundot ni boy tapos pinandilatan ako ni girl na pakopyahin 'yung jowa niya para makakopya din siya. Tinalikuran ko sila at naramdaman kong binato ako ng takip ng ballpen ni girl. Kaunti na lang at magsusumbong na talaga ako kanina sa adviser namin.

Anyway, recess ngayon at ang sama pa rin ng tingin saakin 'nung dalawa. Hindi ko na lang sila pinansin. At magre-review na ulit ako. I have a good feeling na makaka-perfect score ako sa test dahil hindi tulad nila, aral talaga ang ginagawa ko.

Lovelife? Ano 'Yun? ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon