Chapter 4

29 3 0
                                    

Kenji's POV

Nandito ako ngayon sa bahay na nakakulong sa kwarto.

Nagfa-facebook lang ako.

Nagbabakasakaling mag online si Pat.

Gusto ko siyang kamustahin eh.

After kasi nung nagpaalam ako sa mga girls di na ako nakabalik sa clinic.

Ganto iyong nangyare.

Flash Back

"Excuse me ladies may kakausapin lang ako sa phone." Paalam ko sa tatlong babae at lumabas ako.

Baka kasi ako ang mamula kapag tinutukso si pat.

I forgot may aasikasuhin pa pala ako. Yung mga nakaluhod baka tumayo.

Tumakbo ako papunta sa gate ng school at nakita ko pa rin na naka luhod ang mga ito.

Lumapit ako sa nagbabantay at bumulong. "May tumayo ba dito sa tatlong ito?"

"Wala po sir." Sagot niya. Tumango na lang ako at umalis na siya.

"Sa susunod na saktan niyo pa ang girlfriend ko. Hindi lang iyan ang gagawin ko sa inyo." Napanganga na lang sila sa sinabi ko.

Dapat lang.

"Pwede nang tumayo." I said in a soft voice at tumayo na sila.

Lumapit saakin si Karen at niyakap ako.

"Nakakainis ka bat mo ako pinahiya. I will report you to the guidance." Tungeks pala ito eh. Edi mapapahamak din siya dahil sa ginawa niya kay Pat.

Kumawala ako sa pagkakayakap niya.

Tumakbo ako papuntang clinic at sana nandoon pa sila pat.

Kumatok ako.

May nurse na nagbukas.

"Umm. Magpapagamot po?" Tanong nung nurse.

Umiling ako. "Hinahanap ko po si Pat, Patricia Mae Santos. Anjaan pa po ba siya?" Tanong ko.

"Ay nakaalis na po sir." Sagot ni ate nurse.

"Sinabi niya po ba sa inyo kung saan po siya nagpunta?" Curious.

"Hindi po sir." Sagot uli ni ate nurse.

"Ahh sige thank you na lang." Saan kaya nagpunta iyon?

He's The OneWhere stories live. Discover now