"Kyo, makinig ka sa aking mabuti. H-hindi na natin maibabalik iyong dati. Hindi na pala tayo pwede..."

Bahagya syang natulala. Mayamaya pa'y nagbuhat muli sya ng timba.

"A-anong ginagawa mo?" Takang tanong ko.

"Mag-iigib."

"Tama na sabi!"

Marahas siyang lumingon sa akin. "Hindi ako titigil, Ruby. Hindi ako mapapagod."

"Pero..."

Bumaling sya sa palakol na nakasandal sa puno. Lumapit sya roon at dinampot nya iyon.

"Kung kailangan ko pang magsibak ng kahoy, magsisibak pa ako. Kung kulang pa iyong tubig na iniigib ko ay mag-iigib pa ako. O kung gusto mo ipagsisibak at ipag-iigib ko na rin ang buong baranggay niyo. O kaya ang buong Cebu pagsisilbihan ko na rin!"

"H-hindi mo ba talaga naiintindihan? Wala na, Kyo! Wala ng pag-asa!"

Tumigas ang mukha niya, kasabay ng pagalaw ng kanyang panga. "Tell me you don't love me."

"I don't love you!"

Bumagsak ang balikat nya pero panandalian lang iyon. "Then I will make you love me again."

"H-ha?"

"Gagawa ako ng paraan para mahalin mo ako ulit."

"Pero ayaw ko!"

"Magugustuhan mo rin. I will make sure na magugustuhan mo rin."

"So paano mo gagawin, huh?"

Napaisip sya. "I'll think about it but there must be a way."

Hanggang sa unti-unti na akong nanlambot. "K-Kyo, bakit? Ano ang dahilan mo at gusto mong - "

"Because I love you, damn it!"

Namilog ang mga mata ko. Hindi ko akalaing tatagos sa pagkatao ang salitang iyon.

"I-I love you..." namaos sya. "And I love you harder this time..."

"K-Kyo..." tiningala ko sya. "H-hindi sapat iyong pagmamahal lang... mahirap buuin iyong nasira na... Alam mo bang pag nakikita kita, naaalala ko iyong masasakit. Iyong masasakit na gusto ko na sanang kalimutan. Intindihin mo naman sana ako, hindi importante kung mahal kita o mahal mo ako! Ang problema ay hindi ko na kayang maging buo kapag kasama kita! Pinapaalala lang kasi ng presensiya mo ang mga nawala sa buhay ko!"

Nakatungo lamang si Kyo habang hawak ang palakol.

"Kyo, nangyari na iyong nangyari, eh. Ilang taon ang nawala sa akin, ilang taon akong nawalay sa pamilya ko. Ang dami ko ng pinagdaanang masasakit. Ang dami ko ng tiniis. Lahat ng pinagdaanan at pinagdusahan ko ay may kinalaman ka! Narinig mo ba? Ikaw ang dahilan!"

"I will make things up."

Umiling ako sa gitna ng aking pagluha. "Nasaktan na ako... nawala ang anak ko... gusto ko na lang maging malaya sa'yo. Gusto ko ng makalimot. Iyon ang kulang sa atin, Kyo... closure. Para makapagsimula na tayo sa kanya-kanya nating mga buhay. Tama na ang pagpapahirap natin sa isa't-isa."

"No..."

"Yes, Kyo." Mapait kong sabi.

"I won't give up, Ruby... I won't..." matigas niyang pagtanggi.

Pinilit ko namang tatagan ang sarili ko kahit pa hindi ko na yata kayang saktan ang lalaking ito. Pero kailangan na talaga naming tapusin ito. "W-wala ng dahilan, Kyo..."

"There's a reason." Seryosong saad niya.

"Ano? Dahil mahal mo ako?" umiling muli ako. "Hindi na sapat kahit nagmamahalan tayo. Dahil habang nakikita kita, maaalala ko lang lahat."

"No..."

"Eh, ano?"

"Dahil..." saglit syang natigilan. "May anak tayo."

"H-ha?"

"Buhay ang anak natin, Ruby." Ikinulong nya ako sa kanyang mga bisig at saka hinalikan sa ulo.

"A-anong sinasabi mo?" Ang bilis ng tahip ng dibdib ko.

He lifted my chin for me to meet his gaze. "Si Kia ang anak natin..."

Oh God...

Ngumiti si Kyo. "Buhay ang baby natin. Narinig mo ba, Ruby? Buhay ang baby natin. At gusto kong bigyan siya ng buong pamilya."

JAMILLEFUMAH

@JFstories

Black Omega Society second generation spoilers will be announced on JFstories Twitter. See you on my next stories!

Love Me HarderWhere stories live. Discover now