"Matatakutin pala si Kyo?" Biglang nagsalita si Amang.

Gulat akong napalingon sa likod ko.

"Amang." May hawak syang tandang na manok habang nakatanaw kay Kyo.

"Nagpapasama kasi sya sa akin tuwing gabi para mag-igib."

Naalala ko tuloy nang minsan kaming manood sa sine. Horror iyong movie kaya sya natakot sa palabas.

Nagpatuloy si Amang. "Mukhang hindi sanay ang lalaking iyan magsibak. Pagmasdan mo ang mga palad nya at puro sugat."

Napahawak ako sa dibdib ko nang biglang may kumabog sa loob niyon. Nakikisimpatya ang puso ko sa paghihirap ni Kyo.

Biglang sumeryoso si Amang. "Alam mo Ruby, noong nawala ka, sa bahay tumira si Kyo."

Nanlaki ang mga mata ko. "Ano po?"

Nanatili ang paningin ni Amang kay Kyo. "Naroon lang sya sa labas ng bahay at naghihintay. Umaasang isang araw ay babalik ka."

Hindi ko alam iyon, ah! Bigla na lang nag-ulap ang aking paningin. Totoo ba ang sinasabi ni Amang? Naghintay sa akin si Kyo?

"Hindi ko alam kung ilang buwan syang ganoon. Kung hindi ko pa sya paalisin noon ay hindi sya aalis. Sya rin kasi ang sinisisi ko sa pagkawala mo."

"Amang..."

"Dalawang taon, Ruby." Pumiyok si Amang. "Kung gaano katagal kami nangulila sa'yo ay marahil higit sya. Dalawang lugar lang naman kasi ang pinupuntahan nya noon. Kung hindi dito ay doon sa airport... naghihintay sa'yo..."

Diyos ko!

Tuluyan ng naglandas ang mga luha ko.

"Kaya Ruby, kung may pag-aalinlangan ka pa sa kanya ay harapin mo. Sabihin mo sa kanya ang nilalaman nitong puso mo." Itinuro nya itong dibdib ko.

"P-pero Amang... nasasaktan pa rin po kasi ako..." napahagulhol na ako. "Ano po ba ang dapat kong gawin?"

"Pagmasdan mo sya, Ruby."

Ginawa ko naman ang sinabi nya.

"Sabihin mo sa akin kung ano ang nakikita mo?"

Napahikbi ako. "Isang lalaking... mahal daw ako... isang lalaking nanakit noon sa aking damdamin. Isang lalaking mahal ko pa rin pero... napakahirap mahalin."

Napapikit si Amang.

"Amang ang nakikita ko sa kanya ay isang lalaking napakahirap pa ring abutin. Kahit nasa akin na ang lahat ngayon, hindi ko pa rin siya kayang pantayan. At higit sa lahat, sa tuwing nakikita ko siya na kasama ang anak niya, nasasaktan ako. Kasi buhay ang anak niya... may pamilya sya at hindi ako kabilang doon... wala akong puwang sa kanila ni Kia. Masasaktan lang ako kapag nagpatuloy ako..."

Humawak si Amang sa balikat. "Nasagot na ang tanong mo, Ruby. Alam mo na ang dapat mong gawin, 'wag mo na siyang paasahin."

...

"KYO, tama na yan." Utos ko kay Kyo.

Pawisan sya ng mga sandaling ito dahil nasa kalagitnaan sya ng pag-iigib. Huminto sya sa pagbubuhat at humarap sa akin.

"You mean, we're cool?"

Umiling ako. "Kyo, hindi kasi ganun..." gumaralgal ang tinig ko.

Kunot noo siyang tumitig sa mga mata ko. "What do you mean?"

Tumulo ang mga luha ko. "K-Kyo, tama na... please, tama na..."

"I don't get it." Umiling siya at lumalim ang pagkakatitig sa akin.

Love Me HarderWhere stories live. Discover now