Chapter 26 - Welcome Back

Magsimula sa umpisa
                                    



Halos isang linggo na rin ang nakakalipas nang makita ko ang nakakayanig na eksenang iyon. Kung saan nakita ko ang isa sa mga hinahangaan kong tao na nakatayo sa umaagos na sariwang dugo na nagmumula sa mga katawang ng dalawa sa pinakapinagkakatiwalaan ni mom noong nabubuhay pa siya. Hindi ko nga alam kung paano ko nagawang makagalaw noong mga panahong iyon. Ang alam ko lang, prenteng pinanood ko lang si Uncle Sean na magsinungaling sa harap nina dad at ng iba pa naming kasamahan. At ako? Wala akong nagawa. Sa buong araw na iyon, nasabihan lang ako ni dad na manatili kasama ang mga kapatid ko. Tinikom ko ang bibig ko dahil ayoko ring magsalita ng walang sapat na kaalaman sa nangyari. Ni kina Finn at Valor, hindi ko muna nagawang sabihin sa kanila ang nakita bagkus pinagbawalan ko na lang sila na huwag magsasalita ng kahit ano sa mga narinig nila. 



"Alexei, don't worry about the scene so much. I know it's kind of upsetting for you to see me kill two of your mom's precious and loyal reapers but I only did it to defend myself. Those two became delusional on their accusations about me being suspicious and all and they ended up raising their weapons against me. I didn't do anything wrong. I'm also not suspicious. Alam mo namang kahit kailan, hindi ako gagawa ng ikasasama niyong magkakapatid di ba? Alright, I'm sorry. But can't you trust me more? You know that I'll never do something that won't grant me any benefit and advantage, right? Mukhang kailangan kong lumuhod at humingi ng tawad sa harap ng puntod ni Alexandria nito ah." 



Iyon ang mga salitang sinabi niya sa akin nang hingin ko ang paliwanag niya. Pero iisa lang ang pumasok sa isip ko noong mga oras na iyon. Pero hindi ba't hindi rin gagawa ng ikasasama namin sina ninong? They are mom's reapers after all. Kaso hindi ko rin masasabi. May mga makailan na nabalita mula sa second headquarters ng mga Cromello na may ilang tauhan na nag-iiba ng paniniwala at pananalig na siyang nagdudulot ng masamang banta sa buhay ng mga nakatataas sa kanila. Hindi kaya naging ganoon rin sina Ninong Keith at Ninong Kane? Kumbinsido naman ako na talagang prinotektahan lang ni Uncle Sean ang sarili niya. Nang masuri ko kasi ang buong kwarto niya noon ay napagtanto ko na balot na balot ng mga sandata ang dalawa naming ninong. Sa footage din na kinuha ni Uncle Sean mula sa monitoring room na ngayon ay burado na, sila ninong ang kusang sumadya na pumunta sa kwarto ni uncle. Isang matibay din na ebidensya na talaga may pagnanasa nga silang patayin si uncle. Geez, ano bang nangyari sa mga ninong kong iyon? 



Kasalukuyan, nakalibing na sila ngayon sa isang pribadong sementeryo na dulot ni Uncle Xander. Ang nakatalang ikinamatay nila ay pagprotekta kay Uncle Sean mula sa mga nakapuslit na assassins mula sa labas. Hindi ko na alam kung ano na nangyari sa progreso ng nangyari matapos ng nakita ko but it unusually ended up quietly. 



"Hey, kuya! Ano pala ang binigay sa'yo regalo ni dad? Pinatawag ka niya kanina di ba? Di ba?" biglang tanong naman sa akin ng kapatid ko. Tsk. Finn sure loves to ask questions. "It's a box that mom previously owns." sagot ko. 



"Eh? Box? 'Yun lang?" kasunod na tanong niya at kahit na hindi ko siya tingnan ay siguradong may mahabang nguso siya ngayon. "For mom to own that box designed with gems and gold and for dad to entrust that thing to me. There should be something important inside it, don't you think?" panlaban ko naman sa tila pang-iinsulto niya sa nakuha kong regalo. 



"Oh well, you do have a point. After all, there still a lot of mysteries going around our parents' families." he said with a fair voice. 



"What do you mean by that?" tanong ko dahil tila parang may bakas ng pagkamisteryoso o ibang kahulugan ang mga salitang iniwan ng kapatid ko sa nauna niyang pahayag. Minsan hindi ko rin talaga makuha ang logic ng kapatid kong ito. Para rin kasi siyang si Uncle Sean pero magkaiba ang paraan ng pagkakomplikado ng pag-iisip nila. 



Nang hindi na siya sumagot pa ay hinayaan ko na lang na hindi mapunan ng sagot ang sarili kong tanong. Kalaunan naman ay nakarating na rin kami sa tapat ng eskwelahan. Abang ginising na rin namin si Valor para agad na makababa at makapamasyal sa loob. Dahil kilala naman ako ng mga guwardiya rito ay madali lang kaming nakapasok. 



"Is this school still open for business? Wala na akong iba balita sa school na ito aside sa dito nga grumaduate sina mom and dad." Finn asked while holding Valor's tiny hand. Kasalukuyan naming mararaanan ang playground na nasa bungad lang ng entrance. Agad namang na-excite si Valor at makulit na bumitaw sa hawak ng kuya niya at nagtungo papalapit sa playground. 



Aish. Kids will always gonna be kids. Sinamaan ko na lang ng tingin si Finn at saka namin hinabol ang makulit naming kapatid. Nang maabutan na namin siya ay masyadong ng okupado ang utak niya ng palaruan na ito kaya hinayaan na lang muna namin siyang maglaro sandali bago pa libutin ang buong school. 



"Ayon kay Aunt Janice, ongoing pa rin ang pagpapatakbo sa eskwelahan na ito. Eversince they graduated from here, they abolished the system going on for selecting the ten heads of the school. This whole place also experienced a great renovation that took for almost two years after our parents married." pagpapaliwanag ko sa kay Finn. 



"Two years? Bakit naman umabot ng ganoong katagal? Yeah, this place is huge but it doesn't really too much renovation from it's former look right?" my brother said as if he's sulking. 



"Oh. That's not true. Actually, this place is hiding a lot of things." wika ng isang hindi pamilyar na boses mula sa likod namin. Nabato naman kaming dalawa ni Finn at abang tinawag namin si Valor na lumapit sa amin. Pero tulad ng inaasahan, nagbingibingihan ang batang iyon kaya naman marahan naming inilingon ang mga ulo namin upang tingnan kung sino ang taong nagsalita. 











"Hello, young masters. I'm Mhorfell Academy's principal and the Veynn Mafia's heiress, Charlene Veynn. Will you allow me to tour you around the academy?" and then she flashed a smile innocently in front of us. 




****

A/N: Yes! Charlene is back! The kid who made Spade and Alex as one-day parents! Hahaha! Please enjoy this new update! Gonna update on the first week of January, I guess. Happy New Year, people! I wish you all joy and good health with your families! Thank you for all the readers of mine! May God bless you all! :)






Mhorfell Academy and The Onyx Blood Disease (Published under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon