"She's Back In His Life"

Start from the beginning
                                    

He opens the drawer, at ikinuha si Savannah Scarlett ng isang panty. Bumalik siya sa pinto.

"Here!" sabi niya nang muling kumatok sa pinto.

"Thank you, Sir." Nakangiting tugon ni Savannah Scarlett saka dahan-dahang iniawang ang pinto. Only enough for her right palm to show, waiting for her undies and sanitary napkins. Nagkadaop pa ang mga palad nila ni Lucho nang abutin ang undies niya mula rito. Bigla siyang napapikit-mata saka kinilig nang husto.

"Savannah, my hand please!" ani Lucho.

"Sorry na, akala ko sanitary napkins na eh." Aniya saka naman nito iniabot sa kanya ang isang supot na puno yata ng ilang brands ng mga sanitary napkins meron sa Pilipinas. Nagtaka pa ang dalaga, dahil ang laking supot naman yata no'n. "Sir, pinakyaw niyo naman yata ang lahat ng brands ng Pilipinas!"

"I don't know which brand you're using, okay? Ayoko rin sa empleyada kanina na andaming tanong sa akin. Just take it if you need it. I need to go." Sabi ni Lucho saka mabilis na ring umalis mula sa guest room. Di naman mapigilan ni Savannah Scarlett ang mapangiti, kahit papaano ay na-appreciate niya ang pagiging generous ni Lucho sa kabila ng strict personality nito.

Kakalapag lamang ng eroplanong sinakyan ni Zerrah Angela sa Ninoy Aquino International Airport. Sinundo siya ng kanyang pinsang bakla na si Toni. She's so beautiful! Mula sa kanyang perpektong hugis ng maliit niyang mukha, na binagayan ng napakatangos niyang ilong, mapang-akit na mga mata, magandang labi, makikintab na mga ngipin at yung katawan niyang slim ang figure na animo'y isang live barbie doll. She's tall and witty.

"Angela! Welcome back to the Philippines!" ani Toni na sobrang saya at sinalubong niya ng isang malaki at mahigpit na yakap ang napakaganda niyang pinsan. Kung naging lalaki lang sana si Toni, tiyak na gwapong-gwapo din ito, kaso bakla kaya maganda naman. "You look more beautiful than ever!"

"Thanks, Toni." Masayang tugon ni Zerrah Angela sa kanyang pinsan. Habang inilalagay ng driver ang mga bagahe niya ay pumasok na rin sila sa loob ng sasakyan. "It's been five years ago. Can you believe how time flies so fast?"

"Yes, darling! Five years ago and look at you! Walang pagbabago, mas bumata at mas gumanda lalo." Tugon ni Toni na maging siya'y hangang-hanga sa dalaga.

"I've told you so, time flies so fast. It feels like I just left yesterday and I'm back today." Sabi nito saka isinandal ang batok sa headrest ng kotse sa backseat kung saan sila nakaupo ni Toni. "How is he?"

"Si Lucho?" Toni asks.

"May iba pa ba?"

"Matagal na rin siyang wala sa El Tierro de Villahermosa." Tugon ni Toni.

"What?" she asks, unbelievably. "Where is he?"

"Bakit di mo alamin mula sa mga pinsan niya?" suhestiyon ng bakla.

"Great idea." Tugon ni Zerrah Angela. "Let's get down from the car. We need to take a flight to Palawan, now."

"Angela, dear! Okay ka lang? Yang slim figure mo na 'yan, talaga bang walang kapaguran?" di makapaniwalang wika ni Toni sa kanyang pinsan.

"Ngayon lang ako pinayagang magbakasyon ng manager ko. Gusto kong sulitin ito. At si Lucho ang dahilan kung bakit pinili kong magpunta dito sa Pilipinas." Sabi ni Zerrah Angela saka hinila pababa ng kotse niya si Toni. Wala namang nagawa si Toni kundi anv mapasunod sa pinsan niya. "Manong, pakibaba hong muli ng mga luggages ko at pakidala na lang sa departure area."

"Opo, ma'am." Tugon ng pawisang driver. Napailing naman si Toni sa kanyang pinsan.
Mukhang kaybilis ng mga pangyayari, agad naman silang nakakuha ng plane tickets tungo sa Puerto Prinsesa, Palawan. Nakapag-checked-in na agad sila sa loob ng airport. Waiting for the time na pwede na silang mag-board.

"LUCHO: THE SUBSERVIENT"Where stories live. Discover now