Chapter 13: Confusion

111 1 0
                                    

Parang madilim pa rin sa loob, dahil ang mga kurtina sa kuwartong iyon ang nagbibigay ng madilim na paligid. Malamig at napakahalimuyak ng kuwartong iyon.mahimbing pa rin ang pagkakatulog nilang dalawa dahil sa kanilang masasayang araw kagabi. Nakatakip ng kumot ang kanilang hubad na katawan, nakahawak ang dalaga sa dibdib ni Phyllis at nakahawak naman ito sa kanyang sensitive na balikat. Biglang gumalaw ang dalaga at naalimpungatan ito, nagulat siya at napasigaw nang nakahawak ang kanyang mga kamay sa dibdib ng binata. Dali dali siyang bumangon at tinakpan ng kumot ang kanyang hubad na katawan.Biglang naalimpungatan si Phyllis sa nagawang pagsigaw ng dalaga, dahan dahan siyang bumangon na nakahawak sa kanyang noo.

“Ang ingay mo naman” sagot ni Phyllis na halatang inaantok pa rin

“Bakit ako nakahubad?! At ikaw rin!” at bigla itong tumuro sa kanya

“May nangyari ba sa tin”?! tanong ulit ni jane na parang humahabol ang hininga.

Tumingin sa kanya si Phyllis nang malalim. Hinawakan nito ang kanyang kamay at dali dali niyang inilapit ang mukha nito sa kanya upang halikan ito.  Dahil sa ginawa niya ay  biglang naalala ni jane ang lahat.

“Naalala mo na? Ha?” ngiti nito sa kanya

“Hanggang ngayon para ka pa ring bata” tawa pa nito

Nakayuko lang si Jane at namumula ang pisngi niya. Hinawakan siya ni Phyllis sa ulo nito at biglang  bumangon upang maligo.

“Tumayo ka na diyan at maligo ka  na rin” sabi ni Phyllis sa kanya at bigla nang pumasok sa loob ng banyo.

Bigla nang humarap si Jane at naalala niya ang sinabi nito kagabi na mahal siya nito. Hindi siya makapaniwala nang marinig niya iyon.

“I...love...you...and...you...are...mine” mahinang sabi nito sa dalaga

Tinapik tapik niya ang kanyang mukha at inalis iyon sa kanyang isipan. Ngunit kahit  anong gawin niya ay hindi niya magawa. Kaya lang naman niya ginawa ang bagay na iyon dahil gusto niyang mabigyan  ng kaligayahan si Phyllis, ngunit sa hindi niya inaasahang pagkakataon ay napaibig sa kanya ang binata. Siya kaya? May nararamdaman rin ba siya dito sa kabila ng mga pinagdaanan nila? Hindi niya pa rin maintindihan kung bakit nagkakaganito. Bigla na siyang tumayo at tinakip ng kumot ang katawan niya. Nakita rin niya ang mga nakakalat na damit sa sahig, naalala niya na si Phyllis ang may pakana nito. Hindi niya mapigilan ang nararamdaman dahil ang lakas ng tibok ng kanyang dibdib. May pagtingin na rin ba ito sa binata?

Bigla na rin siyang pumasok sa banyo at malaki ang loob niyon. Meron itong kurtina na pagpasok mo ay puwede ka nang maligo. Nakita niya si Phyllis na lumabas sa kabilang kurtina at napatingin siya rito. Nakasaplot siya ng pambaba at nakita niya ang kakisigan ng lalaking ito. Basa ang katawan at tumutulo pa ito sa kanyang dibdib. Napatingin si Phyllis sa dalaga.

“Oh, nandito ka na pala, sige maligo ka na” napangiti siya kay jane

Tulala lang si jane at nakabuka ang kanyang bibig sa nakikita.Nagtaka si Phyllis sa inasal nito at dahan dahang lumapit sa kanya

“Nakita mo na rin siguro ang katawan ko no”? tawa niya rito

Biglang natauhan si Jane at namula ang kanyang mga pisngi.

“Tumigil ka nga”!!  asar niya rito at nagkaroon ng pagkakataon na paluin siya sa braso

“Aray, masakit iyon ah”!! pagbibiro ni Phyllis

“Papasok na ako” biglang sagot ni Jane at dali daling pumasok sa  pangalawang sulok ng banyo. Nakita niya niyang meron itong bath tub at isang shower. Kung papipiliin siya ay bath tub na lang siya maliligo. Hinubad na niya ang saplot at dahan dahang pumasok sa bath tub. Nagsimula siyang umupo at nilubog ang katawan sa tubig. Gustong gusto niya ang pakiramdam sa ilalim ng tubig dahil feeling niya nasa pool siya. Naglalaro siya ng parang bata sa loob ng tub, pinaglalaruan ang mga bubbles na  nagpapasaya sa kanya. Nagsabon na siya ng katawan at nagsimula ang magbanlaw gamit ang shower. Pagkatapos noon, lumabas na siya ng banyo at nagsimula nang lumabas.

Paglabas niya ay sinalubong siya ni Phyllis na may hawak hawak na damit.

“O eto ang bago mong damit, binilhan kita”. At ibinigay niya ito sa dalaga

Nagulat si Jane sa kanya, pati na rin sa bagong damit na maganda. Bigla siyang napaiyak at niyakap niya si Phyllis. Nagulat ang binata sa ginawa ng dalaga.

‘Oh, bakit mo naman ako niyakap”? tanong ni Phyllis na biglang napaurong.

“Salamat dahil... binilhan mo ako ng isusuot ko ngayon. Ngayon lang ako nakatanggap ng ganitong damit na bago”. Sagot ni jane na mahigpit ang pagkakayakap kay Phyllis

Nagulat si Phyllis sa sinabi ng dalaga. Bigla siyang napangiti at niyakap niya rin ito ng mahigpit

 “Hindi kita pababayaan, Jane” sabi ni phyllis sa kanya

“Huh” biglang nagulat si jane sa mga sinabi nito

Marami na rin ang nangyari sa kanila ngunit hindi pa rin nagbabago ang pagmamahal ni Phyllis sa kanya. Kahit na parang nagbago siya hindi niya hahayaang mawala ang pinakamamahal sa tabi niya. Mahal niya ito at sigurado ring mahal din siya ni Jane. Kung may gusto man siyang baguhin sa sarili niya ay magagawa niya ang bagay na iyon alang alang kay Jane. Sa magulo niyang buhay, parang pinagbigyan pa rin siya ng tadhana na magbago dahil sa babaeng  ito.

“Jane...Jane... para kang pinadala ng langit sa akin...” sa isip isip ni Phyllis

Prostitute's loveWhere stories live. Discover now