Chapter 1: Jane finds a job

460 3 1
                                    

      

“Hay! Ano kaya ang gagawin ko, Lyka wala akong mahanap na trabaho para makapag aral ako”… parang  nagsusumamong  sabi ni Jane.

“Wag kang mag alala Jane, may naisip ako kung saan ka pwede magtrabaho”. Pahayag ni Lyka

“Saan basta kahit ano”. Biglang sagot ni Jane

“Pero…hindi marangal na trabaho iyon ehh kasi nagtatrabaho ako doon dati, pero dapat lahat ng sinasabi nila susundin mo”. Sagot naman ni Lyka na may lungkot sa mukha

“Ehh ano iyon, basta kahit ano susundin ko”. Sagot ni Jane

“Jane, isa iyong Casino Bar, yung sikat ngayon sa buong lugar na ito, alam mo lahat ng lalaki roon babayaran ka ng malaki para masunod mo sila…alam mo naranasan ko na ginalaw na ako ng maraming lalaki”.  at Biglang humagulgol si Lyka.

Natakot si Jane nang marinig niya ang tungkol dito

“Sorry Lyka alam ko napakabuti mong tao. Hindi mo naman intensiyon iyon diba”? At bigla nyang niyakap nang mahigpit ang kaibigan.

Wala nang magagawa ngayon si Jane dahil alam niya punuan na ngayon ang mga humahanap ng trabaho. “There is no choice, but I have to do it” sa isip niya. Hindi niya alam kung ano ang mangyayari sa magiging buhay nya ngayon. Alam niyang hindi marangal ang pinapasukan niyang trabaho subalit wala na siyang magagawa. Nakapasok na siya ngayon at tanggap na siya. Parang ang bilis talaga ng proseso, titingnan ka lang kung maganda ka…pasok ka na.

“Napakaganda mo pala ms. Puwedeng puwede”. At hinimas himas sya sa braso ng isang lalaki sa bar

“Tigilan mo nga ako!!!” sambit ni Jane “Pumasok ako bilang isang waitress at hindi para lumandi sa iyo!!”

“Aba, aba naman palaban ka pala Ms”.. ngisi ng lalaki sa kanya

“Hmm!!! Talagang palaban ako. Nag aaral pa naman ako kung paano mangarate”

“Huh!!” natakot ang lalaki at biglang tumakbo palayo

“Hahaha!!!” tawa ni Jane

Ngayon ay haharapin na niya ang mundong pinasukan niya ngayon. Imbes na matakot sya ay nilakasan niya ang kanyang loob. Naalala niya ang kaniyang magulang, walang trabaho at hindi rin nakapag aral. Napaiyak sya at sana, sa ganitong paraan ay maintindihan sana siya na napakahirap lamang ng buhay nila.

Nakabihis na siya ng pang waitress. Isang napakaikling damit at halos makita na ang kanyang dibdib sa sobrang ikli nito at pati na rin ang pambaba, hanggang hita ito.

“Huh!! Bakit ganito ang damit natin? Diba waitress lang ang trabaho natin?” tanong niya sa isa nya ring ka waitress.

“Hoy, alam mo hindi ka lang waitress dapat matuto ka rin kung paano ang lumandi, hahaha”. Tawa niya habang humihithit ng sigarilyo

“Pero hindi ko gagawin iyon”. Inosenteng sabi niya rito

“Hmm!!! Tingnan natin kung ano ang gagawin sa iyo”?! sagot naman ng babae sa kanya

“Hihipuin, paglalaruan, hahalikan”… dagdag niya habang naglalakad ito palayo

“Hmmm”!!! Seryoso ang mukaha ni Jane. Hindi siya makapaniwala, alam niya kung ano ang mangyayari sa kanya. Alam niya sa sarili niyang hindi siya isang malandi. Nandito siya para magtrabaho

“Kung gagawin ko naman iyon, alam ko naman na hindi ko intensiyong gawin ito” Sabi niya sa sarili niya

Nakaharap na siya sa kurtinang pinto ng kanyang papasukan. Tumigil siya sandal at nagdasal sa Diyos. “Sana man lang maintindihan ako ng Diyos kung bakit ako pumasok dito” halos maluha luhang sinabi niya. Napansin niya na may salamin pala sa gilid niya. Tumingin sya rito at nakareplek sa kanya ang itsurang mala anghel na ganda, napakaputi at napakakinis ng balt. Nagulat siya at hinawakan ang kanyang mukha.

“Maganda pala ako” ngiti niya.

Prostitute's loveWhere stories live. Discover now