Chapter 11: Welcome to Baguio City

163 1 1
                                    

Marahil ay nasa Bus pa rin sila hanggang ngayon. Mag uumaga na at  maya maya na lang ay malapit na silang makarating sa Baguio. Ramdam na ramdam na ang malamig na hangin dito,kaya naman binansagan itong  “Summer Capital of the Philippines”. Napakaganda nito at makikita rin nila ang paikot ikot na daan dito tulad ng zigzag na nakakaaliw pagmasdan. Ang mga bintana naman sa bus ay nag momoist dahil sa lamig. Nakita rin nila ang mga bulubundukinsa lugar na ito. Ngayon ay haharapin na ni Jane at Phyllis ang magiging buhay nila rito. Kailangan na rin nilang mamuhay ng tulad ng mga tao sa lugar na ito. Marami man silang naging mapait na karanasanay ito na rin ang susi upang mabago pa ang buhay nila. Magagalit kaya si Phyllis kapag nalaman niyang si Jane ang may kagagawan nito? Ah, basta haharapin nila ang aumang agsubok na darating sa buhay nila.

Jane at Phyllis... ang kapalaran ay sadyang mapagbiro para sa kanila.

Nakarating na ang Bus sa istasyon. Bumaba na ang mga pasahero,dala dala ang kanilang mabigat na bagahe. Parang siksikang bumaba ang mga pasahero ,ang tour guide naman ay pinapayuhan ang lahat na bumaba nang maayos upang makaiwas sa disgrasya. Nakasunod naman sila. Sina Jane at Phyllis ay matagumpay na bumaba ng bus at sa wakas ay nakaramdam rin sila ng maluwang.

Dumiretso sila sa isang grocery store malapit sa istasyon para bumili ulit ng makakain.Kumain muna sila rito bago sila umalis. Hindi man nila alam kung saan sila tutungo,pero may naisip si Phyllis kung saan sila makikituloy. Siguro nga ay mananatili sa isang hotel nang panandalian lamang nang hanggang isang gabi lamang. Sumakay  na sila ng taxi papunta sa isang hotel. Pagod na pagod si Jane,parang hinang hina siya at namamanhid na ang kanyang mga paa. Hinahapo siya hanggang sa sumandal na siya sa dibdib ni Phyllis

“Huh”... napansin niya si Jane na nakasandal sa kanya. Hinawakan niya ito sa kanyang noo at naramdaman niyang mainit siya. Hinawakan niya rin ito sa kaniyang pisngi at mainit iyon. Nilalagnat si Jane at agad niya itong ikinagulat

“Jane,Jane, anong nangyari sa iyo”! gulat na tanong ni Phyllis at takot na takot

Hinahapo si Jane at hindi siya makapagsalita

“Jane, nilalagnat ka”... nag aalalang sabi nito

“Dadalhin kita sa ospital...ma...” at hindi niya maituloy ang kanyang sasabihin

“Wag na...ok lang ako, hindi namn ako masyadong nasaktan,wag na...please” mahinang sagot ni Jane at nakapikit ang kanyang mga mata

“Sure ka? Ehh tingnan mo nga oh, baka kung ano pa ang mangyari sa iyo niyan” nag aalalang sagot ni Phyllis

“Ok lang ako,pramis,siguro nga dahil lang talaga ito sa pagod natin” sagot naman ni Jane

“O sige, kung iyan ang gusto mo” niyakap niya at hinalikan sa noo si Jane.

Prostitute's loveWhere stories live. Discover now