Chapter 6: My childhood friend

211 2 0
                                    

Naghahanda na siya sa anumang planong kaniyang gagawin. Halos araw at gabi niya itong pinagbulay bulayan kung paano mapapabagsak ang lugar na iyon. Legal ba ang pagtatayo niyon o hindi. Hindi na niya alam kung ano ang gagawin niya… ah basta gagawa siya ng paraan.

Pinuntahan niya si Lyka at tinanong niya kung anong naging karanasan niya sa lugar na iyon. Agad namang sinabi ng kaibigan ang katotohanan na talagang marahas ang mga taong nagtatrabaho sa lugar na iyon. Marami na ring hindi kanais nais ang nagyari at halos maiyak iyak siya habang sinasabi niya ang lahat. Halos maiyak na rin si Jane at naawa siya sa kaniya. Niyakap niya ito bilang pagtanggap sa anuman ang nangyari sa kanila

“Wag kang mag alala, hindi na mangyayari ito sa atin Pangako…” maiyak iyak na sinabi ni jane

Humagulgol pa rin ang kaibigan niya at hindi pa rin makalimutan ang mga naging karanasan sa lugar na iyon. Yumakap siya ng mahigpit kay Jane na parang takot na takot. Nanginginig ang buong katawan niya at habang nararamdaman ni Jane ang takot sa kanya ay agad niya rin itong niyakap ng mahigpit.

“May balak akong pabagsakin ang bar na iyon” naghihiganting sabi niya

Biglang napatigil si Lyka sa narinig at ikinagulat niya ito

“Ha? Ano? Pababagsakin mo iyon,paano? Tanong  naman ni Lyka habang pinupunasan ang luha sa mga mata niya

“May pinaplano ako”. Sagot agad ni Jane at humarap kay Lyka

“Ikaw ang magiging testigo ko” nakangiting dagdag pa nito

“Ako”? sagot naman kaagad ni Lyka at parang nagugulumihanan siya

“Tama,oo, ikaw nga Lyka”!! natutuwang sagot ni Jane

Ipinaliwanag ni Jane na kailangan rin nilang ireport ito sa pulisya dahil wala itong nalalaman sa mga nangyayari sa kanilang lugar. Magbibigay sila ng ebidensiya bilang patunay na ang bar na iyon ay hindi karapat dapat na itayo sa kanilang lugar. Siguro naman ay maniniwala sila sa mga ilalabas na pruweba.

Kukuha si Jane ng mga larawan tungkol sa lugar na iyon at gagawa rin siya ng video upang ipakita sa pulisya

Nais niyang bumalik ulit sa Casino bar upang gawin ang plano niya at pagkatapos niyon ay aakitin niya ang manager para makuha ang mga impormasyon. Umalis siya at isinama niya ang kaibigan

“Lyka, kapag nandoon na tayo, manatili ka na lang sa labas ha? Para hindi ka nila mapansin,okey ba iyon”? seryosong sabi ni Jane sa kaibigan

“O sige, sige…” sagot naman kaagad ni Lyka na parang takot na takot.

“Wag kang mag alala, ito na ang pinakahuling gagawin natin ok?” at binigyang niya ito ng ngiti

“Sige, may tiwala namn ako sa iyo eh…hmmm…” parang nakangiti na ring sumagot si Lyka sa kanya

Naglakad na sila papunta sa lugar na iyon. Habang nasa daan, nakita sila ni Paulo, ang kababata ni Jane. Dali daling lumapit sa kanila si Paulo upang kamustahin man lang sila. Ngunit si Jane ay walang pansin sa kababata habang lumapit ito.

“Lyka, tara na…” at bigla na siyang lumingon

“Jane, Jane sandali lang” pinigilan niya ito at hinawakan ang kamay niya

Biglang napatigil si Jane. Tumahimik lamang siya at ipinikit ang kanyang mata sabay nagbuntong hininga hanggang humarap na siya kay Paulo

“Jane…” nag alalang sabi ni Paulo at niyakap niya ng mahigpit ang dalaga

Nagulat si Jane sa ginawa niya at pati na rin si Lyka

“Miss na miss na kita Jane”

“Ah, miss na rin kita Paulo” agad niya itong binigyan ng ngiti

Hindi pa rin makalimutan ni Jane ang naging nakaraan niya noong mga bata pa sila ng kaniyang kababata.Masaya siya noon nang makilala niya ito dahil naging isa rin niya itong tanggulan nang binubully sya dati. Masaya siya dahil marami na rin silang pinagsamahan ng kaniyang kababata. Parang kapatid na rin ang turing niya dito dahil na rin sa siya ang nagbibigay solusyon sa mga problema. Tuwing dismissal nila sa school ay sabay pa silang umuwi at kumakain sa labas kasama rin si Lyka. Natutuwa siya dahil nagkaroon siya ng ganitong tao sa buhay niya. Ngunit nang hindi niya inaasahan ay mapuputol na ang pinagsamahan nila nang lilipad na si Paulo papuntang Amerika dahil na rin sa desisyon ng kanyang mga magulang na doon na lamng mag aral ng HS at kolehiyo.

“Paulo, wag mo kong iiwan please…baka wala ng magtatanggol sa akin kapag binubully ako” umiiyak ang batang si Jane

“I’m sorry Jane, hindi ko kayang mawala ka ngunit…” naputol ang kaniyang pagsasalita dahil hinila na siya ng kanyang mama papasok sa kotse

“Halika na Paulo, pabayaan mo na siya” galit na sabi ng kaniyang mama.

“Pero mama, magpapaalam muna ako!!!” hanggang  sa natanggal na ang kamay niya na hawak hawak ni Jane

Binuhat siya ng kanyang mama papasok sa kotse at pinaandar na iyon upang makaalis na sila.

“Paulo,Paulo!!!” habang hinahabol ni Jane ang tumatakbong kotse.

Tumingin sa bintana ang kababata niya at iniabot ang kamay niya rito.

Pinipilit ni Jane ang kaniyang sarili na maabot man lang ang kamay ni Paulo kahit na isang beses man lang. Ngunit onti na lang ang agwat niyon ay hindi na niya itong kayang abutin dahil humarurot na ang tumatakbong sasakyan palayo kay Jane.

Umiiyak ang batang si Jane habang tumitingin sa kanya si Paulo  sa bintana ng kotse hanggang sa mawala na ito na parang bula

“Kamusta ka na Jane? Ano nang nangyari sa iyo”? agad na tanong ni Paulo sa kanya

“Mabuti naman ang kalagayan ko”. Parang nag alinlangang sagot ni Jane

“Okey ka lang ba Jane parang tingin ko hindi ka masaya na nandito ako” nag alalang tanong ulit ni Paulo

“Ah… hindi Paulo, masaya ako ngayon na nadito ka kahit na ngayon lang tayo nagkita ulit. Kamusta naman ang buhay mo sa Amerika?” natutuwang sabi ni Jane at tanggap na ang nagyari sa kanila ni Paulo.

“Ah, okey lang naman ako doon. Nakakalungkot lang talaga dahil hindi ko kayo nakasaman ni Lyka” at bigla siyang lumingon sa kinatatayuan ni Lyka

“Salamat Paulo, isa kang tunay na kaibigan”. Bigla niya ulit itong niyakap

“Kamusta ka rin pala Lyka”? napatanong siya sa kaibigan

“Ah…eh…okey lang kami Paulo” at kinamot niya ang kanyang ulo

“Mabuti iyan”. At ngumiti ito sa kanila

“O, bakit nakapang alis kayo? Mukhang may pupuntahan kayo ha? Sama niyo naman ako” pagbibirong sagot ni Paulo.

“Ah…eh…wa…wala,wala lang ito,wala kaming pupuntahan diba Lyka, hehehehe” at tinapik nito ang balikat ng kaibigan

“Oo, tama ka”… sagot naman kaagad ni lyka na nakuha ang ibig sabihin

“Alam ko may pupuntahan kayo. Kaya wag na kayong magkaila pa sige na isama niyo na lang ako, kahit saan basta kasama ko kayo” nakangiting sabi ni Paulo sa kanila.

Prostitute's loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon