Chapter 12: In Manila

134 1 1
                                    

Tuloy pa rin ang pang iimbestiga nila Lyka at Paulo. Sinabi nila sa mga awtoridad na may nawawala pa rin sa Casino Bar at iyon ay walang iba kundi ang kanilang kaibigan na si Jane. Tulad nang pagkahuli  ng mga babae at lalaki sa bar na iyon, hindi na nila nakita na sumulpot si Jane. Nakita rin ng mga awtoridad na illegal ang bar na iyon at kailangang ipakulong ang mga kasapi at ang nagpatayo nito.

Kailangan ding imbestigahan ng mga awtoridad si Jane dahil alam nilang miyembro rin siya dito at kung bakit siya nakapasok sa ganitong organisasyon. Marami na rin silang natanggap na impormasyon tungkol sa kanya, dahil nalaman nilang nagtatrabaho rin siya sa lugar na iyon. Tumanggi ang dalawang magkaibigan sa kanila dahil ginawa ito ni Jane upang mapabagsak ang lugar na iyon ngunit kailangan pa rin nilang kausapin si Jane. Wala silang magawa kundi tanggapin ang katotohanan. Wala si Jane dito sa Maynila. Halos araw araw silang naghahanapan sa kanya. Tinawagan ngunit wala ring sagot. Paano kaya ito? O nagtatago siya dahil natatakot siya na baka hulihin din siya ng mga pulisya?

Gagawin nila ang lahat para mahanap si Jane at kung sakali mang makita nila ito ay kailangan nitong patibayin ang ebidensiya.

Maingay at magulo...halos ang mga tao rito ay nakatira lamang sa squatters area

Pagod na pagod nang umuwi sina Lyka at Paulo. Kailangan na naman nila itong sabihin sa magulang ni Jane. Parang mauubusan na ng pag asa at pighati’t lungkot ang nararamdaman nila. Pati ang mga kapatid nito na miss na miss na ang kanilang ate dahil lagi silang binibigyan nito ng pasalubong kapag umuuwi ito. At ngayong wala siya rito ay hirap na naman ang kanilang dinaranas.

“Wag po kayong mag alala, kami na muna po ang bahala sa inyo “ sabi ni Lyka na mahinahon ang pagsasalita

“Opo” singit naman kaagad ni Paulo

Parang hindi matiis ng mga magulang nito ang pagkawala ng kanilang anak na si Jane. Umiiyak sila at nakikiusap na hanapin nila si Jane. Hinahagod ni Lyka ang likod ng nanay upang mawala ang lungkot nito. Naramdaman rin nila Lyka at Paulo ang lungkot sa pagkawala ng kanilang kaibigan

“Jane, umuwi ka na...kung alam mo lang  kung gaano kami kalungkot nang mawala ka” lungkot na sabi ni Lyka na hinahagod pa rin ang likod ng nanay.

Prostitute's loveWhere stories live. Discover now