Chapter 9: Jane and Phyllis

153 1 0
                                    

Halos mahingal sila sa katatakbo dahil sa napakalayo na ng kanilang narating. Hindi sila puwedeng manatili ng panandalian lamang sa lugar na ito dahil baka mahuli sila ng mga pulisya. Kailangan nilang manatili sa isang lugar na walang makakahanap sa kanila. Nakita ni Phyllis ang bus station, hindi nila napansin na sa sobrang layo ng kanilang narating ay umabot sila rito. Maraming tao ang nandoon at magbabakasyon sa kanilang mga probinsiya. May naisip silang dalawa, sasakay sila ng bus papunta sa napakalayong lugar, kahit saan basta ligtas sila.

Nakasakay sila ng bus papuntang Baguio at naisip nila na makakapagsimula sila rito, siguradong bagong buhay naman ang haharapin nila

Matulin ang takbo ng bus, maalinsangan ang daang mainit at halos magbuga ng maiitim na usok ang tambutso ng bus sa bilis nito. Maraming pasahero sa loob nito, at halos ang iba ay nakatayo para lang makapunta sa kanilang nais puntahan. Sina  Jane at Phyllis ay masuwerteng nakaupo sa loob, ang mga babaeng pasahero naman ay panay ang tingin sa kanilang dalawa dahil sa kaakit akit na itsura nito. Silang dalawa naman ay nagkakangitian lang sa isa’t isa. Hindi lubos maisip ni Jane na mangyayari sa kanila ang ganitong pagkakataon. Siguro nga ay nabigla lamang siya nang dumating ang mga pulis sa lugar na iyon, dahil darating ang pagkakataon na masasabit siya rito. Paano kung pinaghahahanap pa sila ng pulisya at pano kung malaman ni Phyllis na siya ang may kagagawan ng pagbagsak ng bar na iyon? Gulong gulo na ang kanyang pag iisip at hindi niya alam ang kanyang gagawin. Hanggang sa napansin ni Phyllis ang itsura niya na nakatingin sa malayo at mukhang malungkot.

“Mukhang hindi maipinta iyang mukha mo ah? Dahil ba sa mga nag raid sa atin sa bar”? sambit ni Phyllis sa kanya at seryoso ang mukha

“Ahm…ay…siguro nga,oo,hmm-hindi ko alam”. Sagot ni Jane na parang takot na takot.

“Natatakot ka ba? Halika dito ka sa tabi ko” at inakbayan niya ito sa tabi niya.

“Wag kang mag alala, Jane siguradong ligtas na tayo.Ito na ang simula ng bagong pakikipagsapalaran” dagdag pa nito

Nakahiga na si Jane sa mga hita niya. Nag aalinlangan at parang nagi guilty sa nangyari. Parang pinagtakluban ng langit at lupa ang buhay niya at hindi man lang alam kung paano ito mareresolbahan. Sasabihin ba niya ito  kay Phyllis na siya ang may pakana ng pagbagsak ng lugar na iyon?Ay hindi, kailangan niya pa ring ilihim ito, kung hindi lalo lang magiging magulo.Hay! Paano iyan habang buhay siyang magi guilty ngayon. Sa isip isip niya. Hinaplos

haplos ni Phyllis ang buhok ni Jane habang nakahiga ito sa mga hita niya. Naisip ni Phyllis, kung makakasama niya habang buhay ang babaeng pinakamamahal niya ay magiging maayos at magiging masaya siya. Sa buong buhay niya, ngayon lang siya nakaramdam ng ganitong pagmamahal sa babaeng kinakasama niya. Ito na ba ang taong tatanggap at magmamahal sa kanya ng tunay kahit na marahas ang personalidad niya? Sana ay madinig na ang kanyang hiling na ito na ang pinakahihintay niya, na hindi niya kailanman pababayaan si Jane, ang taong magbabago sa kanyang buhay. Meron man silang alitan noon ay buo pa rin ang loob niyang makipagrelasyon sa kanya. Pagmamahal o sadyang pampainit lang ng katawan ang hanap niya?Ah hindi, nararamdaman niya na mahal na mahal niya ang babaeng kasama niya. Si Jane kaya?Tanggapin kaya siya nito at magbabago ang pagtingin nito sa kanya”?Ah basta, ngayon na nandito siya, hindi niya palalampasin ang bawat oras nilang dalawa.

Nakita ni Phyllis ang magagandang tanawin sa labas,napahanga siya nito at parang gusto niyang lumabas ng bus, ang mga berdeng puno,ang mga bulubundukin,ang nagniningning na kulay asul ng tubig  at ang makukulay na ilaw ay nabighani siya nito. Habang naglalaho ang lahat ng iyon at naging madilim ang daang tinatahak nila ay nabalot siya ng kalungkutan, dahil sa buhay niyang naging madilim, sa loob lagi ng isang bar na punong puno ng ilaw na patay sindi. Para siyang binuhusan ng malamig na tubig sa lahat ng iyon. Now he realize that his life is full of  dark memories.

Papalubog na ang araw, at hanggang ngayon ay nakahiga pa rin si Jane sa mga hita niya. Kahit ipikit niya ang kaniyang mata ay nasa panaginip pa rin niya ang lahat. Maraming bagay ang hindi niya lubos matanto. Siguro ay kailangan na lamang nila itong ipabukas na lamang.

Tahimik sa loob at ang tanging maririnig lang ay ang singaw ng aircon dahil sa ang lahat ng pasahero ay tulog na.

Prostitute's loveWhere stories live. Discover now