Umiling ako at napayuko. It was an honest respond. How can I force her to love me? Hindi ko siya oobligahin na mahalin din ako dahil lang sa mahal ko siya. Pero hihilingin ko iyon. Hihilingin ko at kung hindi mangyari ay tatanggapin ko pa rin. God, I wish I could just easily accept if ever it happens.

"Iyon ang pagkakakilala ko sa'yo. That's why you are very special to me, Andrew."

Nanginig ang kalamnan ko dahil sa kanyang pahayag. Napabaling akong muli sa kanya at kumikislap sa iba't ibang emosyon ang kanyang mga mata. Mas malinaw ang kaligayahan at may kaunting kalungkutan. Bakit? Bakit may lungkot pa rin sa mga mata niya?

Sumiksik siya sa aking leeg. Ang ulo niya ay ipinahinga niya roon habang ako ay naninigas sa simpleng paglalapat lang ng mga balat namin. Ramdam ko ang paghinga niya at ang panginginig ng braso niya. She's trembling again. But this isn't about my kiss anymore. This isn't about me anymore.

"H-hindi ko alam kung kaya kong sabihin 'yan pabalik sa'yo," nabasag muli ang boses niya. Wala siyang ginawa upang ituwid iyon. "But I know. I know that you are special to my heart. If I can just let you come inside my heart, Andrew, I will show you that you have a special place there. Kung sana ay pwede ko lang gawin iyon para mapatunayan ko sa'yo..."

Pinutol ko siya. "Naniniwala a-ako..." nauutal kong sabi. Kinagat ko ang aking labi. She still haven't decided yet if having a place in her heart for me means that she loves me or she just treats me as her most special friend.

Masaya akong mayroon pero parang piniga pa rin ang puso ko dahil hindi naman siya sigurado sa pangalan ng damdamin niya para sa akin. Why do I have a place in her heart then? I was special, yeah. But it could also mean that she's already in love with me too. She's just confuse. Or perhaps she's scared to accept what she feels for me. Dinaanan ko rin ang prosesong ito kaya alam ko na marahil ito ang nararamdaman niyang kaguluhan.

Naramdaman ko ang pagtango niya matapos ng ilang segundong katahimikan. Pinagpalit niya ang mga kamay naming dalawa. Siya naman ngayon ang gumuhit ng mga linya sa ibabaw niyon. My body trembled with her touch. Alam ko... nararamdaman kong mahal niya rin ako.

"I can't say it back lalo na at hindi ako sigurado. I don't know what this means..." Itinaas niya ang aking kamay na pinaglalaruan niya na parang iyon ang tinutukoy niya. Para bang may koneksyon kaming dalawa sa pamamagitan niyon na hindi niya maintindihan. "Ayoko 'yong hindi ako sigurado, Andrew. I want to be sure. I want to be sure when I say those words back to you," aniya.

I... clearly understand. Zandra is broken. She has issues that she still haven't resolved yet. Being in love isn't her priority. I would never be her first priority. But I am still contented even if I am on the last of her list of priorities. Ayos na sa akin iyon. At least, I am there.

At least, I know that she was considering it. Iniisip lang niya kung sigurado na siya. She somehow, indirecly, told me that she loves me too. Hindi nga lang tama ang mga salitang ginamit niya pero parang ganoon na rin ang kahulugan ng lahat ng iyon.

Nakatulog si Zandra sa aking balikat. Pinagmasdan ko ang bawat parte ng kanyang mukha. Like I was memorizing every line on her face. Her eyebrows, her thick eyelashes, her perfect nose, and her full red lips.

Niyakap ko siya sa gabing iyon ng mahigpit at malapit sa aking puso. Today, I told Zandra that I love her. I let her feel that I am in love with her. I kissed her. I touched her. I carried her in my arms. I hugged her tightly that I could almost feel her bones crashing. I trembled because she let me feel everything in return. Kahit na may kulang pa roon. Kahit na hindi pa niya sinasabing mahal niya rin ako ay ayos lang. It would be enough for me just for now.

Pero hindi ko pa rin mapigilang mag-isip.

Sunod sunod ang paghugot ko ng malalalim na hininga. What can I do now? Paano ko siya matutulungan para maniwala na siya na mahal din niya ako? Siguro ay maghihintay na lang talaga ako. Damn, I am so eager to wait even if it would take her days, months, years... Kahit kailan. Basta sa huli ay mapatunayan niya sa sarili na mahal nga niya ako. This isn't the end yet. She just gave me and herself a chance. Ang tanging magagawa ko lang ay maghintay. Maghihintay ako. Handa akong maghintay.

TaintedWhere stories live. Discover now