"You want me to sleep again in your room?" tanong ko kay Zandra pagkapasok namin ng aking apartment. Sinundo ko siya sa labas nang ihatid siya ng kanyang kuya na hanggang ngayon ay hindi ko pa rin nakikilala. I was already running down the lobby para lang maabutan ito pero nakaalis na.

Ngumisi si Zandra at saka umiling. "I think I can sleep well this time," aniya.

Tinikom ko ang aking bibig nang tumalikod siya para pumuntang bathroom. I saw her bag. Medyo malaki iyon at sa tingin ko ay sinunod na niya ang payo ko noon na magdala ng mga damit dito. I still don't know why she chooses to sleep here. Ayokong magtanong. Ayoko ring isipin niyang big deal sa akin iyon. Big deal kasi nagugustuhan ko iyon at ayaw iyong huminto. Damn, she could just live here with me if she wants!

Ang mga masasayang pangyayari sa mga nagdaang araw ang pinagtuunan ko ng pansin. I realized, after a few nights of thinking and figuring everything out, that I don't have the right to loathe the man who stole my girl's innocence. I don't even have the right to think bad things about him. Kung nasaan man siya ngayon, I'm sure he's already paying for every bad thing he had done to Zandra. Somewhere that will painfully punish him for what he had done to her. God has his own ways of punishment. Kung nasaan man ang taong gumawa nito kay Zandra, siguradong nagdurusa na siya sa pagsisisi.

All I have to do now is to take her of her. Make her happy. Protect her from more pain. Iyon na lang. Iyon na lang ang magagawa ko.

Ako naman ang naligo pagkatapos ni Zandra. I went out with only a towel on the lower part of my body. Nadatnan ko siya sa living room na nanonood ng t.v. Hindi niya ako pinansin nang dumaan ako para tumungong kwarto. Nagbihis ako roon ng t-shirt at shorts at lumabas din. Sa labas ay masusing sinusuklay na niya ang kanyang buhok.

"Can I?" tanong ko nang makalapit sa sofa kung nasaan siya.

Tumunganga muna siya sa aking nakalahad na kamay. Nag-angat siya ng tingin at tumaas ang kanyang kilay. Pinadaanan ko ng daliri ang medyo basa ko pang buhok.

"Magsusuklay ka rin?" tanong niya. "I don't think you still need to brush your hair, Andrew," aniyang nakangisi.

Umiling ako at ngumisi rin. "Can I brush your hair?" tanong ko ulit.

Umawang ang kanyang bibig. Nilahad ko ng husto ang kamay ko at titig siya sa brush nang iabot sa akin iyon. Napangisi pa akong lalo at tumindig ang aking balahibo dahil doon. Just this one simple thing about her is affecting me. It's so fascinating.

"Please... turn..." kinagat ko ang labi ko nang naunahan niyang gawin ang sasabihin ko. Nakatalikod na siya bago ko pa iyon matapos.

"It's still wet. Sinusuklay ko para matuyo," aniya.

Tumango ako kahit hindi niya nakikita. Sinuklay kong maigi ang kanyang buhok kagaya ng ginagawa niya kanina. I brushed it softly at sa bawat pagdausdos ng brush ay ang pagdausdos din ng aking daliri roon. I can hear her breathing fast. Could it be that she's affected with what I am doing too? I... hope so.

"Basa pa masyado," untag ko nang makaramdam ng tumutulong tubig mula sa kanyang buhok.

"I don't have my blower here kasi, e," sagot naman niya.

"Straight pala ito kapag basa," napangiti ako. It's not like I don't know that. Alam kong tumutuwid ang kulot na buhok kapag basa ito. Ang buhok ni Zandra ay maalon at bahagya lamang ang pagkakaulot kaya kapag basa ay tila natural ang pagkakatuwid nito.

"Do you want it straight?" tanong niya. Tumigil ako sa pagsusuklay nang itagilid niya ang ulo para masulyapan ako.

Tinaasan ko siya ng isang kilay. "Why? Ipapa-straight mo ba kung iyon ang gusto ko?" diretso kong tanong. May kumalabog sa aking puso.

TaintedWhere stories live. Discover now