Chapter 23 - Azalea

Magsimula sa umpisa
                                    



Napabuntong hininga pa nga siya at muling nagbigay dagdag impormasyon. "And regarding that incident with that kid of your friend ... well, you know, Azalea is quite naughty sometimes even if her age is already way too old for her appearance. The one who is behind the kidnapping is some crime group that has some grudge on your friend, I guess. Sakto naman na may iba pang ginawang krimen ang grupo na iyon sa iba naming kababayan sa lugar na ito kaya naman, lumabas ng walang paalam ang babaeng ito at pumunta sa lungga ng grupo na iyon. Bilang resulta, pinatay niya ang lahat ng tauhan sa kampo na iyon at iniligtas ang bata. Kung paano siya natuto makipaglaban? Tinuruan siya rito sa Polarion. Palihim kaming nagpaparami ng miyembro. Hindi dahil sa balak namin magsimula ng away sa Onyx Council. Bagkus, mas maganda na ang handa kami sa maaari nilang pagsugod muli kung sakaling malaman nila na may natitira pang buhay na miyembro ng Clan of Light kaysa naman sa magsisi kami sa huli." she said. 


Forty or forty five years ago? This beautiful lady who has a spitting image of Alex is about fifty-five or sixty something? What the heck?! But her appearance is still in a level of an early 30s woman. Paano niya napreserba ang ganyang klase ng itsura matapos ang ilang dekada? Hindi siya biktima ng OBD. May takot sa malaking apoy nang dahil sa malaking pagsabog. Forty to forty five years ago. Kamukha ni Alex ... muli kong tinitigan ang buong mukha niya. 



Hanggang sa ....



"Ah! Her eye-color is different!" nabulalas ko na lang. Ngayon ko lang napagtanto na ibang iba ang kulay ng mga mata niya sa pares ng mata ni Alexandria. Nakilala namin si Alex sa pagkakaroon ng mga matang nagkukulay gray kapag natatapatan ng sinag ng araw pero si Azalea, kulay berde ang mga mata niya. 



Kung sa parte pa lamang na iyon ay hindi na magkatugma, ibig sabihin ay hindi siya si Alexandria. Gayunpaman, paanong naging magkamukha sila? 




Natanggal naman ako sa pagbuo ng konsentrasyon nang magsimulang maglakad si Skyzzer papalapit kay Azalea nang may seryosong mukha at may magkasalubong na mga kilay. Sinubaybayan lang namin ang bawat galaw niya. At nang magawa na niyang maging kasing tapat ito ay sinuri niya ang bawat detalye ng mukha nito na para bang may kinukumpirma. 



Sina Janice nga ay mahina nang minumura si Sky dahil sa ginagawa niyang kalokohan pero wala. Sadyang napakatigas ng ulo ng lokong 'to. Si Azalea naman, hindi nagbibigay o nagpapakita ng kahit anong ekspresyon kung hindi ang prenteng tumingin lamang sa kaibigan namin. 



He is really hopeless.



Nagsisimula na kaming magsi-upuan muli at hinanda na namin ang postura namin para ipagpatuloy ang aming susunod na konbersasyon nang magsalita na lamang bigla si Sky. 



Na siyang ikinagulat naming lahat ...










"Auntie? Tita Xandra? Oh my God. It is you." 





****

A/N: Done with the pangalawang pasabog! May mga susunod pa kaya ihanda ang inyong mga sarili! Sinipag lang ako mag-update dahil may mga understanding readers na nagcomment ng mga comments na nakapag-cheer up sa akin ng sobra! Tapos saktong nabasa ko pa iyon after kong magbihis dahil kakarating ko lang mula sa school Waaaah salamat po talaga! Siyempre thank you pa rin po sa inyong lahat na nagbabasa ng TOC! Update para sa 'The Maid's Secret'? Wednesday, Thursday, or Friday siguro. Basta kahit alin diyan depende po sa time ko :)



P.S. Kung nagtatanong po kayo kung bakit mas inuna ko ang update ngayon para sa TOC kaysa sa TMS, iyon po ay dahil may nakahanda na po akong susunod na story. Saka hindi pa po ako handang i-post ang mga susunod na rebelasyon sa TMS~ Hahahaha 



Mhorfell Academy and The Onyx Blood Disease (Published under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon