Magpapakamatay ka ba?!!

Magsimula sa umpisa
                                    

"Huwag kang mag-alala Papa, makikilala mo sila sa friday."

Magsasalita pa sana si Papa ng biglang may nagdoorbell, agad na tumayo ako at binuksan ang pinto.

"Anung ginagawa mo dito?"

Tanong ko kay Giro pero tuloy-tuloy lang ito papasok sa bahay papunta sa dinning area. Sinundan ko naman sya ng masara ko na ang pinto.

"Good evening po Tita, Tito! Taman-tama lang ata ang dating ko"

Sabi nito sabay upo at kumuha ng makakain. Umupo narin ako sa upuan ko.

"Giro, akala ko mamaya kapa dadating?"-Mama

"Tinamad po kasi ako sa pagluluto sa condo kaya pumunta nalang ako dito"-Giro

"O sya, kumain ka ng marami ijo, yung kwarto mo nalinis na"-Papa

Napatigil ako sa pagkain at tinanong si Papa.

"Pa, dito sya matutulog?"

"Di anak, simula ngayon, dito muna titira yang pinsan mo"

Napatango-tango lang ako at tumingin kay Giro ng may bigla akong naalala.

"Mickey mouse huh?"

Agad na nabulunan ito kaya natawa ako bigla, dali-dali siyang uminum ng tubig at tiningnan ako ng masama

"Tumahimik ka"

Namumulang sabi niya na mas lalong ikinatawa ko.

"Anong tungkol sa Mickey Mouse na yan mga bata?"

Napalingon kami kina Mama at Papa. Agad na umiling ako.

"Wala po, pansin ko lang kasi, mahilig pala sa Mickey Mouse tong si Giro"

Tumango lang sina Mama at Papa at pinagpatuloy ang pagkain habang parang papatayin naman ako ni Giro sa tingin nya. Matapos kumain ay iniligpit na namin ang mga hugasan, si Mama ang naghugas habang nanunuod kami ng movie nina Papa. Ng matapos si Mama ay nakinuod din ito samin. Ganyan kasi kami after dinner or lunch parang bonding na din kasi namin yun.

"Pa, anung susuotin mo sa meeting?"

Biglang tanong ko kay Papa, baka kasi pumora pa ito ng bongga katulad ng ilang parents na akala mo eh sa isang party pupunta.

"Baka naka business suit or formal anak dahil pagkatapos ng meeting ko ng mga bandang 12 siguro eh aalis agad ako,bakit?"-Papa

"Wala naman pa, natanong lang"

"May meeting kayo? Kailan? Pweding sumama?"

Sunod-sunod na tanong ni Giro dahilan para mapatingin kaming 3 sa kanya.

"Oo, sa friday 1pm, at bakit sasama ka?"-ako

"Ah? Kasi gusto ko? Atsaka para naman malibot ko ang school mo, di pa ako nakakapasok dun eh"-Giro

"Baka may pasok ka ijo?"-Mama

"Nak wala po, half day lang kami every friday"

Napatango naman sina Mama atPapa. I smirk at him.

"Baka may gusto ka lang makita"

Bulong ko sa kanya, tiningnan niya lang uli ako ng masama. Napailing nalang ako at binalik ang atensyon ko sa pinapanood.

☞☞
Naghahanda na ako matulog ng may kumatok, ng buksan ko si Giro lang pala.

"Anong kailangan mo?"

Tiningnan niya ako ng seryoso.

"Yung nagpadala sa inyo ng threat, tama nga kayo, Ang grupo ng The Black Scrow nga yun, at ayun sa nakuha kong impormasyon. Kayo ang target nila kaya mag-ingat kayo"

Napapikit nalang ako at tumango.

"Huwag kang mag-alala-kung nag-aalala ka nga samin o sa kanya lang-kaya namin ang grupong yun"

Nakatanggap tuloy ako ng batok galing sa kanya.

"Basta! Mag-iingat kayo. Dilikado padin ang mga yun"

"Oo na nga diba?"

Natatawang sabi ko. Inis na tinalikuran nya lang ako. Sinara ko na ang pinto at natulog.

Kinabukasan ay maaga pa kaming umalis papuntang school, kasama si Giro, nauna akong hinatid. Ng makarating ako ay medyo kunti palang ang kaklase namin at wala pa sina Ayn kaya umakyat nalang kami sa rooftop. Dun muna ako mags-stay. Humiga ako sa may bleacher na nandun. Pinikit ko ang mata ko ng maya-maya ay narinig kong bumukas ang pinto ng rooftop, sinilip ko kung sino, ewan di ko kilala, pero may mga bandage yung mukha nya. Tuloy-tuloy lang ito papuntang railings, tapos parang nag-iisip, tahimik na pinapanood ko nalang sya. Di ata napansin ang existant ko. Nagulat nalang ako at napaupo ng ihakbang na niya ang paa nya, hala!! Tatalon ata. Sa sobrang kaba ko ay tumayo ako at hinila sya pabalik.

"Hoy!! Magpapakamatay ka ba?! Kung oo, pwes dun ka sa lugar na walang makakakita sa gagawin mo!!"

Inis na sabi ko ng harapin ko siya. Halatang nagulat ito pero maya-maya ay yumuko lang ito.

"S-sorry, sige lilipat nalang ako sa ibang rooftop"

Sabi nito sabay talikod sakin. Ewan ko din sa sarili ko pero bigla ko siyang hinarangan.

"Magpapakamatay ka ba?"

"Di ba halata?"

Nakayukong sagot nito. Eh? Anu naman Angel kung magpapakamatay yan? Anung paki mo eh di mo yan kilala. Nilagpasan niya ako kaya humarang uli ako.

"Ano bang kailangan mo?"

Medyo inis na sabi niya. Napatingin ako sa mga sugat sa mukha nya. San nya nakuha yan?

"Alam mo, kung magpapakamatay ka siguraduhin mong walang makakaalam at makakakita sa gagawin mo para walang may makokonsensya sa pagkamatay mo"

Tiningnan lang niya ako. Napaatras ako dahil, ewan, yung tingin nyang yun kasi, parang may iba. May nakikita akong tao sa mga tinging yun.

"Kaya nga lilipat ako ng rooftop para walang makakakita kaya padaanin mo na ako"

Mahinang sabi nito. Napakagat ako ng labi ko. Makikita mo talaga ang nararamdaman niya sa mga mata niya.

"S-sa tingin mo papayagan kita sa gagawin mo? Matapos mong sabihin sakin na magpapakamatay ka? Konsensya ko pa yun kung malaman kung patay ka na"

Nakayukong tumango lang ito. Sinilip ko ang mukha nito. At nagulat ako ng may nakita akong isang crystal na nahulog mula sa mata nya. Umiiyak ito.

"A-ah..ano..umupo ka muna dun"

Sabi ko sabay hatak sa kanya. Patulak na pinaupo ko siya, pero parang wala lang ito dahil naka yuko parin ito. Narinig kong suminghot ito.

"Bat gusto mong mamatay na?"

Inis na tanong ko sa kanya. Pinahid nito ang luha nya pero di ito sumagot. Umupo ako sa tabi niya at tumahimik nalang, hinayaan ko nalang siya. Pero maya-maya ay di na ako nakatiis. Tinapik ko ang balikat niya.

"Release it if you want I'm welling to listen"

Sabi ko. Pero parang wala lang ito narinig. Tahimik lang kami hanggang sa nagbell na. Tiningnan ko siya, ganun pa din. May bigla akong naalala habang patagal ng patagal ang pagtitig ko sa kanya. Napailing nalang ako. No, hindi ko na dapat isipin yun. Ayoko ng maalala yun. Bumuntong hininga ako at tumayo na. Para kasing wala naman siyang balak na sabihin ang dahilan ng pagda-drama niya. Nagsimula na akong maglakad, nang nasa pintuan na ako at nahawakan ko na ang siradura ay napalingon ako sa kanya na nakaupo parin sa bleacher. Napabuga ako ng hangin sabay kamot ng kilay ko. Di ko ata kayang iwan to.

Amazonas:Into The World of GangstersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon