"Hoy Gel, sino ba yang hinihintay mo?"-Jannes

"Oo nga, kanina ka pa palinga-linga"-Sam

"Wala, yung pinsan ko lang, nandito din daw kasi sya eh"

Sagot nito, napatango nalang kami. Habang naghihintay ay tinext ko muna si Mama na namasyal pa ako at huwag na akong antayin pa sa dinner.

"Oy Giro!!"

Napatingin kami kay Angel ng bigla itong sumigaw sabay taas pa ng kamay at kinaway ito. Tiningnan naman namin kung sino yung kinakawayan nya. Isang lalaking naka leather jacket ang dali-dali lumapit samin. Tiningnan ko naman ito mula ulo hanggang tuhod. Wala akong paki sa paa. Well, infairness, gwapo at maapel ito. 

"Who is he?"

Nakangiting tanong ni Jannes, nagpapacute yan. Napailing nalang si Angel.

"Pinsan ko pala si Giro, Giro, barkada ko, sina Jannes, Sam at Cice"

Pakilala samin ni Angel sa pinsan nya. Ngumiti din ito samin. Infairness uli, ganda ng ngiti niya.

"Nice finally meeting you Amazona's"

Ngumiti lang kami sa kanya sabay tango. Iba talaga pag sikat ka. Kilala kahit san mapunta. Humarap ito kay Angel at parang may pinag-uusapan sila. Nagulat ako ng sikuhin ako ni Jannes at Sam, pagitnaan daw ba ako.

"Gwapo noh?"

Parang kinikilig na bulong ni Jannes, nakangiting tumango nalang ako, sa totoong gwapo eh.

"May gf ba siya?"-Sam

"Ewan, bat sakin nyo tinatanong?"-ako

"Para ikaw ang magtanong"-Jannes

"Huh?"

Bago ko pa magets ang sinabi nila ay itinulak na nila ako dahilan sa muntikan ko ng pagdapa, buti at nahawakan ko sa braso si Giro. Nahihiyang bumitaw ako sa kanya.

"Ayos ka lang?"-Giro

"A-ano.. oo.sorry"

Hingi kong paumanhin pero tiningnan ko ng masama ang dalawa na nagpipigil ng tawa. Ngumiti lang ito at tumango.

"Wala pa ba sya?"

Inis na tanong ni Giro, napakunot naman ang noo ko. Sino ba ang hinihintay niya? Tatanong ko sana ng biglang lumapit samin ang dalawa.

"Ah Giro, ang totoo nyan may gusto si Cice na itanong sayo"

Dali-daling sabi ni Jannes, sasabat na sana ako- dahil hindi ko naman alam ang pinagsasabi nila- ng unahan ako ni Sam.

"May gf ka ba? O may nililigawan?"

Agad na napanganga ako sa sinabi nila. Mga walanjo to! Gumagawa ng istorya!

"Hoy! Anong pinagsasabi nyo?!"

Nakita ko namang napahampas si Angel sa noo niya pero sina Sam at Jannes naghihintay ng sagot. Napailing nalang ako, baliw talaga mga to. Ngumiti lang si Giro sabay iling.

"No is the answer to your two questions"

Nakita ko naman ang pagkinang ng mata ng dalawa. Napapadyak nalang ako at namaywang sabay iling.

"Nakakahiya kayong dalawa, alam nyo yun? Dinamay nyo pa ako sa trip nyo"

Inis na sabi ko sa kanila pero parang wala lang naman sa kanila. Tsk, umiiba talaga sila pag may gwapo sa paligid.

"Ano? Di pa ba yun lalabas?"-Giro

"Maghintay ka"-Angel

Napatingin uli kami kay Giro, sino ba kasi ang hinihintay niya?

"Sorry for waiting!"

Agad na napatingin kami sa papalapit samin, kakalabas lang ni Ayn na halos di na makita dahil sa dami ng kahon na buhat-buhat niya.

"Ayn!! Kakainin mo lahat nyan?!"

Gulat na tanong ko. Grabeh!! Ilang box ng chocolate cake yung dala nya!! Inilatag nito sa sahig ang mga box ng dahan-dahan na akala mo eh kung anung babasaging bagay ang nandyan.

"Pasensya na kung natagalan. Hirap kasing mamili kung alin ang masarap, eh, mukhang masarap naman silang lahat kaya binili ko na"

Sabi nito ng di tumitingin samin kundi sa cp nyang luma na. Yung last month na cp nya ang dala nya ngayon. Nasan na ang bago nyang phone? May tinatawag ito at maya-maya ay hinarap kami. Pero bago pa ito makapagsalita ay gulat na tiningnan nya si Giro.

"Ikaw na naman? Anung ginagawa mo dito?"-Ayn

Magkakilala sila? Tatanong ko pa sana ng biglang magsalita si Giro.

"Kung makapagsalita ka, akala mo sayo tong mall ah"-Giro

"Tsk. Tama na nga yan. Baka mamaya kung saan naman mapunta ang mga bangayan nyo"

Inis na sabi ni Angel. Nagulat ako -ako pa ang nagulat ha- ng may iniabot si Giro na cp kay Ayn.

"Katulad yan ng cp mo. Magkaiba lang dahil mickey mouse ang casing ng phone"-Giro

"Kyaaa!! I love Mickey! Thank you!"

Masayang sabi ni Ayn. Kahit naguguluhan ay pinabayaan ko nalang yun, kilala naman siguro nila ang isa't-isa. At iku-kwento naman siguro samin ni Ayn yan.

"Guys CR muna ako"

Paalam ko, tumango naman sila. Pero nakailang hakbang palang ako ng napahinto ako. Kusang huminto ang mga paa ko ng makita ang lalaki na nakaakbay sa isang babae habang naglalakad at nagtatawanan. Di pwedi to. Bigla akong nakaramdam ng sakit at galit. Uminit ang ulo ko sa nakita.

"Cice? May problema ba?"

Rinig kong tanong ni Ayn. Hindi ko sya pinansin at nakatingin parin sa kanila na ngayon ay papasok na sa isang restaurant. I close my fist, trying to calm myself dahil baka anu na naman ang magawa ko.

"Cice, ok ka lang?"-Angel

Naramdaman kong nasa tabi ko na ang apat. Tiningnan din nila kung saan ako tumitingin.

"Oh my gosh"

Halos sabay nilang sabi, bago pa sila makapagsalita uli, dali-dali akong naglakad papunta sa restaurant kung saan sila pumasok. Lakad takbo ang ginawa ko. Humanda sila sakin.

"Cice sandali!"

Humabol ang apat sakin pero wala akong paki, ang gusto ko lang ay maturuan ng leksyon ang babaeng yun. At walang makakapigil sakin. Wala. Kahit na sya pa.

Amazonas:Into The World of GangstersWhere stories live. Discover now