Protection

121 48 40
                                    

Chapter Four..



"C'mon doon ka na sa mesa namin, sumabay ka na samin." pangungulit sa akin ni Rachel dito na nga ako umupo sa pinakadulong parte ng cafeteria tapos nakita pa niya ako. "Dito na lang ako Rachel, I just wanted to be alone for awhile.." she sighed. "Okay, if that's what you want." kita kong malungkot na umalis siya sa harapan ko para bumalik doon sa pwesto na inuupuan ng grupo nila.

Puro babae lang sila doon. Wala 'yung apat na lalaki kaya pwede sana talaga akong sumabay sa kanila kaso sa susunod na lang. Kailangan ko kasi talaga ngayong mapag-isa. Namimiss ko si Grae. Isang araw pa lang akong nandito pero parang sobrang tagal ko na, ang dami na rin kasing nangyari ngayong araw. Naalala ko bigla 'yung panaginip ko. My dream just told me what's about to happen.. at nagkatotoo nga magkahiwalay na nga kami ngayon. Pero sa ibang paraan naman, at least hindi siya nakipaghiwalay sa akin.. katulad sa panaginip ko.

Life is just so unfair. Pinaghiwalay na nga kami ni Grae, ikinulong pa ako sa paaralan na 'to. Napabuntong-hininga na lang ako. Nawalan na ako ng ganang kumain. Tinitigan ko na lang 'yung pagkain ko ng biglang may humawak sa balikat ko.

"Do I know you?" I asked sarcasticly. The guy just give me a smirk, he looks like a maniac. Kinabahan ako bigla ng may tatlo pang lalaking lumapit sa amin. Hinawakan 'nung dalawa ang magkabilang braso ko. What the fudge! "We won't hurt you okay? Basta wag ka lang papalag." mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko ng hawakan niya ang pisngi ko. Gusto kong sampalin ang kamay niya kaso hawak nga nung dalawang lalaki 'yung kamay ko. "Maganda siya." singgit naman 'nung isa.

They're actually good looking. Wala pa ata akong nakitang pangit na estudyante sa school na ito pero hindi naman lahat madadala ng itsura kasi kahit mukhang mga disente 'tong mga 'to e alam kong kaya nila akong pagsamantalahan. Nagsisi tuloy ako bigla na dito sa tagong lugar ako umupo. Ugh! Nasa huli talaga lagi ang pagsisisi.

"Wala kayong mapapala sa akin. Kaya kung ako sa inyo humanap na lang kayo ng ibang guguluhin niyo." Itinaas nung lalaki 'yung mukha ko paharap sa kanya pagkasabi ko 'nun. "Maganda ka.. alam kong may mapapala kami sayo." nagtayuan ang lahat ng balahibo ko sa sinabi niya. God, please don't let this goons hurt me. Doble-doble na ang kaba ko lalo na ng marahas na hatakin na nila ako, sa likod ng cafeteria kami dumaan. Gusto kong sumigaw pero ramdam kong may nakatutok na patalim sa tagiliran ko kaya hindi ko magawa. I was even stopping my tears to fall. I'm already freakin' scared lalo na nung ngumisi 'yung lalaki sa akin. I'm now helpless.. really helpless.

Unti-unti ng pumatak ang mga luha ko, realizing how unlucky I really am. Gusto ko lang naman ng simpleng buhay pero bakit ganito ang nangyayari?

"May nakasunod ata sa atin." sabi nung lalaking may hawak ng patalim habang palinga-linga sa paligid. "Hindi kayo magtatagumpay sa kung ano mang plano niyo sa akin. Mga hayuk sa laman!!" ngumisi lang sila sa akin. Hindi ko akalain na may mga ganitong klase pala ng tao dito sa loob ng Emerie.

"Tayo lang ang nandito oh! Sa tingin mo may magtatanggol sayo?" sabi nung isa tsaka sila sabay-sabay na tumawa. Nagtagis ang bagang ko sa galit. Pag ako nakawala sa kanila t-tadyakan ko talaga sila isa-isa.

"Mukhang masaya ata kayo? Anong meron?" natigilan sa pagtawa ang lahat ng biglang may magsalita sa likod namin. Ugh! Great! Kilala ko 'yung boses niya. "Sheen!!" sigaw ko alam kong siya yun, kahit nakatalikod ako sa kanya. Bigla namang tinakpan ng isang lalaki ang bibig ko. "Wag kang maingay." bulong niya.

"Wag ka ng makialam dito McGregor, humanap ka na lang ng ibang babaeng mapaglalaruan mo."

"Paano kung ayoko?" mapang-asar na tanong ni Sheen "Sino ba 'yan?" dagdag pa niya.

"Wala ka ng pakialam!!"

"Mukhang kilala ko ata 'yang bitbit niyo e. Kung ako sa'yo Vladimir Fartenov bibitawan ko na 'yang babaeng 'yan."

Emerie HighWhere stories live. Discover now