Crazy Sister

221 49 47
                                    

Chapter One..



"My parent's are bugging me to study in Emerie High, like hello! Are they expecting me to say.. Yes, payag na ako I'll stay in Emerie if that's what you want. Enroll me as soon as possibleㅡ What the heck! What are you doing here?!" bigla na lang kasi sumulpot si ate Mari sa likod ko. Nakangiti siya.. para siyang baliw. No, scratch that! Baliw talaga siya.

"I'm so proud of you." hinawakan niya ang kamay ko habang kumikinang ang mga mata niya sabay takbo palabas ng kwarto ko. God! What's wrong with her? Nilagay ko na lang ulit sa tenga ko ang cellphone ko. Kausap ko kasi si Grae, boyfriend ko.

"Kinulit ka nanaman ng ate mo?" I let go of a sigh. "Ano pa nga ba? Minsan gusto ko na talagang ipatapon sa mental si ate e, nakakaloka siya!"

"Chill babe, makulit lang talaga si ate Mari.. in fact masaya nga siyang kasama e."

"Oo masaya naman.. hanggang sa mapipikon ka na lang. If you want let's exchange sisters for a day para malaman mo kung gaano ako na-i-stress sa kanya." natawa siya sa sinabi ko.

"That is actually a good idea, but we both know that ate Clair doesn't like to be with you kaya mas ma-i-stress ka lang pag nagpalit tayo."

Napabuntong-hininga nanaman ako. Isa pa 'yung ate niya, ewan ko ba 'dun kung bakit ayaw na ayaw niya sakin. Hindi ko naman siya inaano, issue talaga sa akin ang mga ate.

"Hey, you okay?" natigilan ako ng muli siyang magsalita. "Oo naman, okay lang ako."

"Don't worry in due time magiging okay 'din kayo ni ate Clair." sana nga. "I'll do everything para magustuhan ako ng ate mo Grae.. everything."

"I'll help you with that."

Isang taon na kaming mag-on ni Grae. Sikat siya sa school dahil member siya ng varsity team plus the fact na ang gwapo pa niya. Ewan ko nga kung anong nagustuhan niya sa isang ordinaryong babaeng katulad ko, kaya naman I must consider myself lucky dahil sa dami ng magagandang babae sa school sa akin siya napunta. I just hit the jackpot.

"Thanks for always being there for me babe." kung nandito lang talaga siya sa tabi ko ngayon yayakapin ko siya ng mahigpit. "Of course sino pa 'bang magdadamayan kundi tayong dalawa lang.. I love you." napangiti ako.

Isang taon na kami pero kinikilig parin ako sa kanya. Nandun parin 'yung magical feeling na hindi ko maipaliwanag.

"I love you too," nahiga ako sa kama ko habang malawak ang ngiti ko. Para kong ewan.. ang sarap lang mainlove.

"Sana enrollment na para makita na ulit kita.. kung pwede lang na umuwi na ako agad pabalik sa Pinas para makasama ka ginawa ko na babe.. kaso hindi pwede." ramdam ko 'yung lungkot sa boses niya. Kung hindi lang sana epal at kontrabida ang ate niya edi kasama ko sana siya ngayon. Edi ang saya-saya ko na sana. "One week na lang babe, miss na miss na kita."

"I miss you too.." napabuntong-hininga na lang ako ng bigla nanamang bumukas ang pintuan ng kwarto ko. Pumasok si ate Mari na may dalang isang baso ng gatas.

"Ala una na ng madaling araw Sarah.. inumin mo na 'to at matulog ka na." tumango na lang ako. Caring naman si ate Mari lagi niya akong dinadalhan ng gatas tuwing gabi, siya rin minsan ang nagbibigay ng mga bagay na kailangan ko.. pero mas madalas na baliw pa 'rin siya. Pagkalapag niya ng gatas sa bedside table ko e agad na lumabas na siya ng kwarto ko. Weird lang, kasi bago lumabas ng kwarto ko 'yun mang-aasar muna siya e pero ngayon hindi. Diretso labas na lang, napailing na lang ako.

"I hate to say this but tama ang ate mo babe.. kailangan na nating matulog." I heared him yawn from the other line. "Yes babe, goodnight na. Sweetdreams, I love you." natawa siya.

Emerie HighWhere stories live. Discover now