Chapter 22: The Mission

Magsimula sa umpisa
                                    

"Bakit kailangan mo pang magpayakap kay Akira?" asar na sabi niya. Nagseselos pala siya kaya napangiti ako. Ang sarap niyang asarin.

"Yakap lang naman. Saka friendly hug lang 'yon," pa-inosenteng wika ko. Lalo siyang naasar. He smirked and whispered, "You're really stupid. Siguro sa 'yo friendly hug, pero sa kanya ba friendly hug 'yon?" Nagtatakang tumingin ako sa kanya. Ano'ng ibig niyang sabihin?

Nagulat ako nang bigla niya akong hilahin at yakapin. Lumipad palayo sina Baby Xyra at Baby Clauss. Tila naglalaro ng habulan.

"Ako lang ang yayakap sa 'yo ng ganito, okay? Bawal kang yakapin ng kahit na sinong lalaki," bulong niya. Kahit boyfriend ko na siya, bumibilis pa rin ang tibok ng puso ko. Gusto kong matuwa at kiligin. Bakit kinikilig ako sa kasungitan niya? Baliw na siguro ako.

"Kahit si Dad, hindi pwede?" natatawang tanong ko.

"That's a different story. My girl is really stupid. Pero sa tingin ko, mas tanga ako dahil na-in-love ako sa isang tangang katulad mo," he smirked. Hindi ba niya kayang maging sweet na lang at tanggalin na ang panglalait? Biglang nag-ingay ang tiyan ko. Natatawang kumalas siya sa 'kin kaya namula ako. Ngayon ko lang naramdaman ang gutom. Ginulo niya ang buhok ko at hinila papunta sa canteen kasunod ang mga baby dragons namin.

May mangilan-ngilang estudyante ang nakatingin sa amin. Magyakapan ba naman kasi sa gitna ng hallway?

"Teka, akala ko ba pupunta tayo sa office ng headmaster?" tanong ko.

"Eat first," he commanded. Ang bossy niya talaga. Sinamahan niya ako sa pagbili ng pagkain. Siya pa nga ang nagbayad ng binili ko. Hindi siya bumili ng pagkain niya dahil nakakain na siya. Masaya pala kapag may boyfriend, libre sa pagkain. Napangiti ako.

"Ano'ng nginingiti-ngiti mo diyan?" supladong tanong ni Clauss. Nakasimangot siya. Umiling ako pero nakangiti pa rin. Umupo na kami sa isang table. Magkaharapan kami ni Clauss. Nailang ako dahil sa tingin niya sa akin. May balak ba siyang tunawin ako?

Tumungo ako. Susubo na sana ako pero ramdam ko pa rin ang titig niya. Hindi ko magawang sumubo. Tumingin ako sa kanya. Kumunot-noo ako sa kanya pero tinaasan niya ako ng kilay.

"Kumain ka na," utos ni Clauss.

"Pa'no ako kakain? Nanonood ka," I pouted. Natawa siya.

"Masama ba'ng panoorin ka?" nang-aasar niyang tanong.

"Nakakailang. Huwag mo na akong tingnan. Hindi ako matatapos sa pagkain kapag pinanood mo ako," sabi ko. Nagkibit-balikat siya. Kumalumbaba siya at nilaro si Baby Clauss. Kumakain din kasi si Baby Xyra. Itinuloy ko ang pagkain ko. Hindi na niya ako pinanood.

Pagkatapos kumain, dumiretso na kami sa headmaster's office. Kami na lang ang hinihintay. Iniwan namin sa labas ang mga baby dragons. Umupo kami sa bakanteng upuan.

"Dahil tapos na ang training, ibibigay ko na sa inyo ang misyon na hanapin ang heaven power user," seryosong wika ng headmaster.

"May clue na po ba kayo kung sino ang heaven power user?" tanong ni Akira. Tahimik kaming nakikinig. Napansin kong seryoso si Clauss. Ano kaya ang iniisip niya?

"We have a list of persons who have the potential to acquire the heaven's power," seryosong sagot ni Bryan. Iniabot niya ang list kay Akira. Binasa niya nang tahimik ang list. Napakunot-noo siya.

"Any problem?" takang tanong ni Bryan.

"Felicity Montaverde? Pamilyar sa akin ang pangalan," sabi ni Akira na tila nag-iisip. He snapped his fingers in the air like he remembered something important.

Wonderland Magical Academy: Touch of Fire (Cloak PopFiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon