Chapter Thirty Two: Moving On

Magsimula sa umpisa
                                    

"Wow! Flowers again?" Bulaslas ni Carla nang pumasok kami sa loob ng opisina.

Hindi na ako nagulat sa nadatnan sa table ko. Ito ang pangatlong beses na nakatanggap ako ng mga bulaklak sa magkakasunod na araw. Hindi ko alam kung sinong sender ang naglakas-loob na padalhan ako ng mga bulaklak. Pero ewan ko ba. Kung ibang babae lang siguro ako ay baka matuwa at kiligin ako.

"Bigatin 'yang secret admirer mo! Habang tumatagal ay pabonga ng pabonga ang pinadadalang bulaklak sa'yo." Sabi pa niya habang binabasa ko ang card na nakaipit roon.

"Anong nakasulat?" Pagkikiusyoso pa niya. 

"Nothing!" Matipid na sabi ko.

"Anong nothing? Pwede ba yun?"

Hinablot niya sa kamay ko ang card. 

"Meron kaya." Tapos ay ipinakita niya sa akin. "Ayan oh! To Baby Girl from Baby Boy. How sweet!"

Inirapan ko siya. "Anong sweet doon? Ang baduy kaya!"

"Hay naku Muriel! Paano ka magkaka-lovelife kung parati kang ganyan?" 

"Hindi ko kailangang magka-lovelife." Umupo na ako at in-on ang desktop ko.

"Alam mo nagdududa na ako sa'yo. Hindi kaya pusong-lalaki ka?" Nakaangat ang kilay niya na tumingin sa akin. "Hay naku! Huwag naman sana! Sayang ang ganda mo day!"

 "You're talking too much! Nakakasira ka ng araw, alam mo ba iyon?" 

She rolled her eyes. "Bahala ka na nga sa buhay mo!" At dumiretso na si Carla sa pwesto nito.

I smirked. Pagkamalan ba akong tomboy!

Wala sa loob na tinitigan ko ang mga bulaklak sa harapan ko. Now what? Paano ko na naman ba idi-dispose ito? Wala talaga akong hilig sa mga bulaklak. At hindi ko maintindihan kung bakit hindi ko ma-appreciate ang ganda nito.

Naagaw ang atensyon ko sa tumutunog na cellphone. Tumatawag na naman si Jared. Actually, panlimang tawag na niya iyon. Hindi ko lang masagot kanina dahil nasa biyahe ako papasok ng trabaho. 

Bakit kaya? 

Pero bago ko pa masagot tawag niya  ay bigla na lang nag-battery empty at automatic na nag-shut down ang cp ko. Waahhh! Nakalimutan kong i-charge kanina sa bahay. Nakakainis! Wala pa naman akong dalang charger.

Dalawang oras ang mabilis na lumipas. Hanggang ngayon ay drain pa rin ang battery ng cp ko. At sa kamalasan ay wala akong mahiraman ng charger na ka-compatible ng sa akin. No dice! Panigurado na hanggang sa mag-uwian ay hindi ko mapapakinabangan ang phone ko.

"Guys! Pinapatawag tayong lahat sa conference room." Biglang sumungaw ang ulo ni David sa pintuan ng kuwarto namin.

Invisible Girl  (Reprint under LIB) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon