Chapter Fifteen: Migs' Birthday

1.3K 28 12
                                    

Chapter Fifteen: Migs' Birthday

It's Miguel's birthday party today. Mas kilala siya bilang Migs. Sa isang hotel gaganapin ang birthday niya, of course ang bff kong si Trish na who happens to be his girlfriend ang nag-plan ng party for her boyfriend.

May choice pa ba ako? Syempre wala. I have to go to his party kahit na alam kong nandun siya. Nakakapagod na rin minsan yung iiwasan ko siya dahil ang liit lang ng mundo para samin.

Hay. Wish ko lang sana na magkausap na kami. -___-

Hinatid ako ni manong Rey hanggang sa labas ng hotel. Inescortan ako ng mga staff dun sa grand ballroom ng hotel.

Pagpasok ko lahat ng amigas nakatingin sakin. Parang may laman yung mga tingin nila sakin. Paglingon ko sa likod, halos kasabay ko lang pala siya na pumasok dito.

Lumapit agad si Migs samin. Nagmanly hug sila tapos nagbeso naman kami ni Migs. I gave my small gift to him tapos nun pumunta na ko sa mga amigas ko tapos siya naman nakipag-usap na sa BB.

This party seems lika a reunion for us. Though may kanya kanya silang ginagawa for now, magkakasama kami sa isang table. ^____^

"what's with that strange look girls?" hindi pa rin kasi nagiiba yung tingin nila sakin.

"sabay kasi kayo pumasok," -Cathy

"so?," bawal na ba kaming magkasabay pumasok ngayon?

"we saw how he looked at you Par," said Sophie. She flash a reassuring smile na ewan ko if what that means.

O....kay. That was it. Nanahimik ako pagtapos nilang sabihin yun. Kumain na kami. Ang konti lang ng kain ko cause I feel somethings wrong with me tonight.

Maybe because of the dress i'm wearing, or i'm just expecting something good will happen to me tonight.

Uminom na lang ako ng champagne. Nakipagkwentuhan sa mga girlfriends ko hanggang sa dumating na yung moment ng birthday celebrant.

Lahat kaming girls magkikiss sa cheeks ni Migs then isasayaw namin siya. Like eighteen roses kapag debut ng babae, sa kanya naman twenty one kisses for his debut. Ang unique ng naisip ni Trish.

Girlfriend ang unang sumayaw sa kanya. Trish kissed his cheeks, ang sweet nilang tingnan habang nagsasayaw. No wonder nagtagal sila ng ganyan kahit na away bati sila at palaging sinasabi ni Trish na ang panget ng boyfriend niya.

Naghiyawan ang mga bisita nang magkiss sila sa lips. Abot langit naman ang ngiti ni Migs dahil sa surprise kiss ni Trish sa kanya.

Kaming amigas na yung sumunod after Trish. Ako yung pinaka-last saming lima.

"ang sweet naman ng kiss na yan Par," ngumiti siya ng nakakaloko.

Pinatong ko na yung mga kamay ko sa balikat niya.

"Happy Birthday ulit Migs, enjoy your day,"

"same to you Par, I know mas mageenjoy ka ngayong gabi"

"huh? What do you mean?"

"ayoko magtagal na kasayaw ka, nakakatakot yung tingin satin ni Nicolai eh"

Tss. Ano naman kaya yun? Niyakap ko ulit si Migs bago kami maghiwalay. Bumalik na ko sa upuan ko para kunin yung pouch ko. Nagretouch ako sa cr then pagbalik ko biglang may nagyaya sakin na sumayaw sa dance floor. Open na kasi yung dance floor para sa lahat.

Humawak agad yung lalaki sa kamay ko. Sabay kaming pumunta sa dance floor. Hindi ko siya kilala pero mukhang kilala niya ko.

"schoolmates tayo sa SLU" he answered my hidden question.

Ngumiti lang ako sa kanya. He looked nice and I admit na cute siya. Magkatapatan na kami. Pinatong ko na yung kamay ko sa balikat niya tapos nung hahawakan na niya yung bewang ko, may bigla na lang nagsalita sa likuran niya.

"No one will touch my girl, except me"

With those words, bigla na lang siyang nawala sa paningin ko. Cute sana kaso duwag. Pero ano to? Siya talaga yung pumalit?

Oh my.

O///O

Humakbang ako ng isa paatras pero hinigpitan niya yung hawak niya sa bewang ko. Wala na kong kawala. Ni hindi ako makatingin ng diretso sa kanya. Pati yung kamay ko hindi komportable na nakapatong sa balikat niya.

Nanginginig yung mga tuhod ko. Hinanap ng mga mata ko kung nasan ang mga amigas ko at ayun, tuwang tuwa sila at nagawa pa kaming picturan.

"magusap tayo sa labas"

Tumigil na kami sa pagsayaw kahit na hindi pa tapos yung kanta. Hinawakan niya yung kamay ko at lumabas muna kami.

Blanko pa rin ako sa mga nangyayari. Nandito kami ngayon sa labas. Malamig na hangin ang nakikisalamuha sa amin. Magkatabi kaming naka-upo dito sa bench.

"i've been looking for every possible ways to talk to you and finally, the time has arrived"

Tulala na ata ako.

"are you okay, Franz?"

Nung sinabi niya yung pangalan ko, dun lang ata ako nagising.

Dalawa lang kami dito sa labas. Magkatabi pa kami. May konting space sa pagitan namin pero malapit pa rin kami sa isa't isa. Sinisimulan na kong dapuan ng kaba. Bumibilis na rin ang tibok ng puso ko.

"Franz, I know we've been through a lot with our relationship, pero bakit mo ko iniwan?"

Tahimik lang ako. Gusto kong i-explain sa kanya ang lahat pero natatakot ako. Natatakot na baka walang patunguhan ang pagpapaliwanag ko.

"why do you have to be Winner Beater?"

"do you have any idea how miserable my life is when you left me?"

Tumayo na siya.

"Holy Fvck! Answer me!"

Nagulat ako sa pagtaas ng boses niya. Nanlabo ang paningin ko. Nakita ko pang galit na galit siya sakin dahil sa hindi ko pagsagot sa kanya bago pa bumuhos ang mga luha ko.

Nangyari na nga yung kinatatakutan ko. Ang magalit siya sakin. Binuka ko ang bibig ko pero isang salita lang ang nasabi ko.

"sorry..." at dun na bumuhos ang luha ko.

Nakayuko lang ako. Hindi ko siya kayang tingnan.

Hinawakan niya ang kamay ko. Hinila niya ako patayo so that we were facing again.

Parang may pwersa na bumalot sa pagitan namin. Nakaramdam ako ng kuryente sa katawan ko. I've never felt that before.

And then there was this silence. A really weird silence.

Tumigil ako sa pagiyak. We stare each other as though we were seeing each other for the very first time. Parang tumigil ang pagikot ng mundo para sa amin.

Then he kissed me. Nicolai kissed me.

Tumulo nanaman ang luha ko. Naalala ko yung first kiss namin nun sa bar. Umiiyak rin ako nun at basa ang pisngi ko ng mga luha but then again he didn't mind my tears.

And as our lips pulled apart my eyelids opened slowly to see him staring at me, looking as though he was going to say something.

Pero wala siyang sinabi. He just wiped my tears away using his magical hands. I was releived by that. Nabawasan yung takot na naramdaman ko kanina.

Then I felt his warm body entwined with mine. Those power hug vanished everything.

"I really miss you Franz, can we forget what happened on our past and start again?"

Oh.My.God

Hindi ko talaga inasahan na sasabihin niya ito. Tatanggi pa ba ako? Syempre hindi na.

"Yes"

And I saw his smile na once in a blue moon mo lang makikita then we kissed again.

A/N: sorry sorry for the long wait. Sa wakas at okay na sila!!! Wait, okay na nga ba talaga? Yay!

Comments are highly appreciated! :*

You Drive Me Crazy All Over Again [BOOK TWO]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon