Chapter Five: Movie Date

1.6K 21 5
                                    

Chapter Five: Movie Date

 Seryoso ba siya sa sinasabi niya? Ako? Liligawan niya? Joke lang naman yung binitawan ko kung liligawan niya ba ko eh pero ako yung nagulat sa sinagot niya sakin kaya natahimik ako.

Gwapo si Dylan, hot, suki ng gym yan eh. May six pack abs, matalino, in short maraming babae ang nagkakagusto jan lalo nung nasa France pa kami.

Kung nakakamatay lang ang tingin malamang matagal na kong wala dito. Madalas kasi kaming magkasama ni Dylan nun at lahat ng babae ay pinapatay ako sa mga tingin nila. -___-

Umuwi na kami pagka-ubos ng milk tea namin. Mag-isa akong kumain ng dinner dahil busog pa daw siya.

May nasabi kaya kong mali? Does he really serious about that? Or it was just my infatuation na nagtatampo siya sakin kaya hindi siya sumabay ng dinner?

"Good morning manang" bati ko kay manang trining na busy sa kitchen. late na ko nagising. Bumawi ako ng tulog.

"good morning din. Kain ka na anak,"

Umupo na ko sa upuan. Hinainan na ko ni manang ng plato at baso. Binuksan na niya yung mga nakatakip na pagkain.

"ang dami naman po nito manang, kumain na po ba si Dylan?" wala kasi bawas yung mga pagkain sa mesa.

 "ai naku yung batang yun, maaga gumising kanina tapos nag-kape lang."

Kape lang? Eh hindi nga siya kumain ng dinner kagabi eh. Milk tea lang laman ng tiyan nun.

Dinamihan ko na lang yung kain ko para naman di magtampo sakin si manang. Ayaw niya kasi na may nasasayang na pagkain.

Umakyat na ko sa taas pagtapos kong kumain. Dumiretso ako sa guest room namin kung saan natutulog si Dylan.

Kumatok muna ako.

"bukas yan" pagkasabi niya nun ay binuksan ko na yung pintuan. Nakasandal siya sa kama hawak yung ipad niya. Naglalaro ata.

Umupo ako sa dulo ng kama. Hindi man lang niya tiningnan kung sino yung pumasok.

 "Dylan ...."

 "oh?"

"Dylan ...." inulit ko ulit. Sa ipad pa rin kasi siya nakatingin. "galit ka ba sakin?"

"bakit naman ako magagalit sayo?"

"uhm, wala naman. Kain ka na dun ng breakast. Sabi kasi ni manang coffee lang daw ininom mo. Kagabi ka pa hindi kumakin"

"maya na"

"gusto mo manuod ng movie? Ang boring dito sa bahay eh"

"kaw na lang"

"eeehhhhh. Sige na. Nuod na tayo ng movie. Maraming magagandang movies ngayon"

Hindi na niya ko sinagot. Ilang minuto rin kaming tahimik hanggang sa tumabi ako sa kanya at hinila ko yung ipad niya palayo sa kanya.

"ano ba naglalaro ako"

"nuod na kasi tayo ng movie"

tinago ko sa gilid yung ipad pero naabot niya pa rin kaya tumayo na ko sa kama at tumayo na rin siya.

 "akin na sabi eh, madedead na ko"

 "pumayag ka muna?"

Hinila niya yung braso ko kaya sabay kaming napahiga sa kama. Nakapatong siya sakin. Nakuha na niya yung ipad mula sa kamay ko. He smiled and then when he leaned down our eyes were locked with each other. Rinig na rinig ko ang mabilis na tibok ng puso namin.

Pumikit ako saglit dahil nakakatunaw yung tingin niya. Tapos bumagon na agad ako. Tumabi siya sa gilid.

"magbibihis na ko"

"okay. See you later" sagot niya at dire-diretso na kong lumabas ng kwarto niya at tumakbo papasok sa kwarto ko.

Nakakahiya ka talaga kahit kelan Paris!!!!! Sa pagpupumilit mo ayun at sabay pa kaming nahulog sa kama with matching titigan pa. Waaah.

Binaling ko na lang ang kahihiyan sa pagligo at pagaayos ng sarili ko. Nag-short na lang ako tsaka tank top. Ang init kasi eh feeling ko summer na.

Paglabas ko andun na siya sa may kotse. Naka-white top lang siya tapos blue pants then naka-jacket. Ang init kaya!!! Ako yung naiinitan sa suot niya eh.

Tiningnan niya lang ako tapos binuksan na niya yung pinto ng kotse at pumasok na ko sa loob. Umikot na siya then umalis na kami ng bahay.

Undecided pa kami kung ano yung papanuorin namin. Horror ba, romance, comedy or action. Nauwi kami sa romance.

Puro lovers yung laman ng sinehan. What do we expect naman di ba? Kami lang ata yung hindi lovers sa loob. Yay. Haha.

Nagumpisa na yung movie. Kain kain lang ako ng popcorn. Ganun din siya. Nakakakilig naman yung mga scenes sa movie. Kapag may kissing scene, ginagaya siya ng mga lovers sa paligid namin. Nakakailang man pero ganun talaga. Madilim eh. Haha.

Ang lamig sa loob ng sinehan. Pinagsisihan ko tuloy na ganito pa yung sinuot ko. Cr tuloy ako ng cr dahil naiihi ako sa lamig.

Di na ko masyadong nakakapagconcentrate sa panunuod. Gusto kong pahinaan yung aircon kung pwede lang sana.

I crossed my arms na lang to ease the coldness. Then it slowly fades away when I felt a warm hand covering my back and shoulders.

Si Dylan. Nakaramdam ata na nilalamig na ko.

Hanggang sa makalabas na kami ng sinehan ay nilalamig pa rin ako. Magkakasakit pa ata ako nito.

"okay ka lang?" he asks me. Tumango ako. "saan mo gusto kumain?"

"kahit saan," sagot ko.

Bigla niyang hinubad yung suot niyang jacket at pinatong niya yun sa balikat ko.

"bakit kasi yan yung sinuot mo? Yan tuloy nalalamigan ka. Baka mamaya magkasakit ka pa niyan eh"

tinulungan pa niya kong suotin yung jacket niya.

"thank you" gentleman as ever. Kaya maraming may gusto na maging boyfriend ka eh dahil sa ugali mong yan.

Naghanap na kami ng pwedeng kainan. Siya na yung nag-order.

"galit ka pa rin ba sakin?"

"hindi ah. Bakit mo naman nasabi yun?"

 "wala. Feeling ko lang galit ka sakin"

"tss" pinigilan niya yung tawa niya.

 Binato ko siya ng isang butil ng kanin.

"masama magtapon ng pagkain"

"I know. Ikaw kasi eh!"

Ngumiti siya "ano nanaman bang ginawa ko?"

Natameme nanaman ako. Yung ganyang tingin niya kasi ang nagpapatahimik sakin.

"wala! Kumain na nga tayo" yumuko na ko. Narinig ko siyang tumawa ng mahina. Napangiti na lang ako.

Time out muna tayo sa Dylan-Paris moments. Ang next chapter ay tungkol naman kay Nicolai! Haha. :D

You Drive Me Crazy All Over Again [BOOK TWO]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon