Chapter Nine: Cross Fingers

1.5K 27 8
                                    

Chapter Nine: Cross Fingers

"secretary???? hahahaha"

sige kuya Spane tawa pa! >____

lugmok akong dumating sa bahay. nakita ko sila sa may garden kaya pumunta agad ako doon at kinuwento ko sa kanila lahat yung nangyari sakin kanina.

at yan nagawa pa nila kong pagtawanan lalo na nitong si kuya Spane na halos di na makahinga sa kakatawa.

"buti na lang pala busy ako sa photoshoot ko kanina nung tumawag ka"

psh! feeling gwapo! err sabagay, gumwapo naman talaga siya sa messy na curly hair niya ngayon kaya lang ang yabang!

"kuya! do something!" singhal ko kay kuya Rome. si loko tawa lang ng tawa. ang sarap tuloy ibato ng mac book niya sa swimming pool!

"easy ka lang sistah. hahahaha. grabe di ko akalain na ikaw? magiging secretary???----" tumawa na nanamn siya ng bongga. leche talaga. ang laki ng tinulong niya para lalong sirain ang araw ko.

feel na feel ko pa naman yung grand entrace ko sa building namin tapos ang ending secretary lang pala ako? I really hate that fact!!!!

"kuya Italy!!!!! pag di ka talaga gumawa ng paraan ...." ano nga bang magandang panakot? ay tama! ang talino ko talaga! "pag di ka talaga gumawa ng paraan, isusumbong kita kay daddy para multuhin ka niya!" I crossed my fingers.

"eto na nga di ba, tatawag na ko sa office" nagdial na siya sa iphone niya at may kinausap na.

lumingon ako kay kuya Spane "isa ka pa! isusumbong din kita kay daddy!" sabi ko sa kanya. tumigil naman siya agad sa pagtawa.

mabuti naman at duwag tong mga to kay daddy.

"okay .... inform me as soon as possible ... okay .... bye" tinabi na niya sa gilid yung phone niya at tumingin siya sakin "we're doing everything to fix this. but for now, you have to work for them"

anong for them? baka for him? tch.

"major investor natin ang company nila" he added.

sh*t oo nga pala. pag naginarte naman ako baka back to zero ulit yung company namin. baka ako pa ang multuhin ni daddy. yikes!

"for how long naman ako magiging secretary dun kuya?" crossed fingers ulit. sana hanggang bukas na lang ako dun. please?!

"I don't know" he shrug "basta inaayos na namin ang lahat para mabalik ka sa totoo mong pwesto"

as president of our company. dagdag ko sa isip ko.

bumukas yung pintuan. dumating si Dylan ng nakayuko. hawak hawak niya yung jacket niya.

"Dylan!" sigaw ko. paakyat na dapat siya ng hagdanan. lumingon siya samin. lugmok din siya katulad ko pero he managed to smile at us kahit na halata sa mukha niya na malungkot siya.

ano kayang nangyari? nagkita kaya sila ng long lost friend niya? parang hindi eh.

sinundan ko siya sa taas. umupo muna ko sa sofa. inantay ko siyang lumabas ng kwarto niya.

"Dylan," tumayo na ko at lumapit sa kanya. ngumiti siya sakin. how can he managed to smile despite of his sadness? kakaiba talaga tong si Dylan.

"anong nangyare? nagkita ba kayo?" umiling siya.

"bakit?"

"ibang tao pala yung na.contact ko" mahina niyang sagot.

nagflashback tuloy yung itsura niya kanina. ang saya pa naman niya tapos maling tao pala yung nakausap niya.

You Drive Me Crazy All Over Again [BOOK TWO]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon