Chapter Eleven: Good News or Bad News?

1.3K 26 7
                                    

Chapter Eleven: Good News or Bad News?

 "bring me another cup of milk tea"

Hala! Sure ba siyang gusto pa niya ng isa?

 "now"

 "o.....okay sir"

 Lumabas na ko ng office niya dala ang dalawang cup.

Naubos niya yun? Eh sobrang alat nun eh. Nako lagyan ko ulit kaya ng maraming asin etong panibagong milk tea niya?

Wahahaha. Magandang idea ito. ^____^

**

"Paris, I have a good news for you" salubong sakin ni kuya Rome pagdating ko sa bahay.

 Kyaaa! Ano naman kaya yun? Na.excite ako bigla. Good vibes pa naman ako ngayong araw na ito.

 "what is it kuya?" umupo ako sa tabi niya.

 "nakausap ko na ang board members at sinabi nila na pwede ka ng bumalik sa original position mo as president of our company kahit kelan mo gusto"

 Natigilan ako sa magandang balita ni kuya.

Bakit hindi ako makaramdam ng saya? Sa wakas at hindi na ko ang magiging secretary niya. Masaya nga ba ako na I will no longer see him every day?

This is a bad news for me!

"talaga?" mahinang sabi ko

 "yeah sis. Bukas na bukas din hindi na ikaw ang secretary niya"

No!!!!! Ayoko!!!!

Waaahhhh! Nagiba bigla yung nararamdaman ko. Nasanay na siguro ako na nakikita ko siya palagi. Paano na kaya bukas?

 "give me one week kuya"

"uhm okay. A week before you come back in our company"

 Aish! One week? May maganda kayang mangyayari sa one week na yon? Bakit one week lang ang sinabi ko? Ang tanga ko naman! Dapat one year yun eh. >___<

**

Start na ng countdown ko bago ko lisanin ang pwesto kong ito.

Ang drama ko naman! Amp!

"Hi. Nandiyan na ba si Nicolai?"

 "yes ma'am" pagangat ko ng ulo ko, siya ang bumungad sakin.

"Paris?" ngumiti siya

 "Fei," gosh! Ang ganda niya! Taob ang beauty ko. Buti na lang at medyo nag-curl ako ng hair kanina kundi nako, taob na taob talaga ako.

 "Hi nic," she kissed his cheeks. Napatingin naman sakin si Nicolai. Iniwas ko agad yung tingin ko sa kanila.

 "cancel all my meetings today" sabi niya bago sila pumasok sa loob ng office niya.

Wala na atang mas sasakit pa ang makita kong live na hinalikan siya ni Fei sa cheeks.

So what naman kung kiniss niya si Nicolai sa cheeks? Friendly kiss naman yun ah. Nakakainis naman tong nararamdaman ko oh!

I dialled kuya Rome's number.

"kuya ayoko na"

 "what do you mean ayaw mo na?"

"kuya ang sakit na"

 "huh?"

I hang up. No one will understand what I feel right now. jealous maybe? Yeah. Nagseselos nga ako. Hanggang ngayon may feelings pa din ako sa kanya. Hindi naman nawala yun eh. Ang sakit lang kasi parang ako na lang ang nakakaramdam ng ganito.

Mukhang siya naka-move on na. Masaya na siya sa piling ni Fei. Magsama nga silang dalawa!

Umalis ako sa table ko at umakyat ako sa roof top ng building.

Gusto kong makalanghap ng sariwang hangin. Ayokong may makakita sakin na umiiyak.

Pinunasan ko ang luhang tumutulo sa pisngi ko.

"nandito ka lang pala, kanina pa kita hinahanap"

 Lumingon ako at nakita ko siya.

"Nicolai," tumulo nanaman yung luha ko.

Hallucination ko lang ba ito? Hanggang dito ba naman? Lumayo na nga ko para hindi na ko maiyak pa eh.

"why are you crying?" lumapit siya sakin. He tilts my chin up so that I can face him.

Ayokong makita niyang umiiyak ako. Ayokong makita niya na iniiyakan ko siya.

 "wa....wala to. Bakit ka nandito?" pinunasan ko agad yung luha ko

 "I was looking for you. Bigla kang nawala sa table mo paglabas namin." bigla niya akong niyakap

O___O

"akala ko iniwan mo ulit ako" hinigpitan pa niya ang pagyakap sakin

Pinikit ko ang mga mata ko. Hallucination lang to. I keep telling that to myself.

Until I felt his lips into mine.

 His soft kisses tingles my whole body. Hinawakan niya ang likod ng ulo ko for support. I wrap my arms around his neck as I give a response on his kisses.

 We kiss for I don't know how long. Nung nagkalayo ang mga labi namin tsaka lang namin naramdaman ang hingal. We both pant dahil sa intensity ng kiss na iyon.

Tumitig siya sakin. Bumilis ang tibok ng puso ko. Tinulak ko siya.

Mali ito. Nadala lang ako sa damdamin ko. May Fei na siya. Maling mali na hinalikan ko rin siya.

Bumalik na ko sa baba. Iniwan ko na siyang magisa doon.

Maya-maya lang din ay bumaba na rin siya. Pinasunod niya ko sa office niya. He acts so cool like as if nothing happened dun sa taas kanina.

Inutusan niya agad ako. Sinunod ko din naman yung utos niya. Hindi na ko nagtanong pa tungkol sa kiss na iyon pero ginugulo talaga ako ng mga nangyari kanina.

Pumasok ako sa office niya. Nagulat siya ng makita ako.

 "anong ibig sabihin nun?"

 "ng alin?" aba! Nakalimot na agad siya? Magaling!

 "yung ......" argh! I can't say it!

"yung?"

"yung ......" di ko talaga siya masabi so I pouted my lips na lang. Dalawang beses para ma-emphasize yung kiss.

Tumawa siya. May nakakatawa ba sa ginawa ko? Siya kaya yung unang humalik sakin!

Ugh! Sabi na eh. Part to ng plan niya. Plan niya para inisin ako at guluhin ang utak ko nang sa ganon siya lang ang laman nito at siya lang ang iniisip ko.

Tumalikod na ko at lumabas na ng office niya.

 He's driving me crazy all over again!

A/N: binanggit na ni Paris yung title! Haha. Kelan naman kaya yun sasabihin ni Nicolai? At sasabihin niya kaya iyon?! Kanino naman kaya? :)))

You Drive Me Crazy All Over Again [BOOK TWO]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon