Chapter Six: His life after race

1.6K 26 3
                                    

Dedicated to raffymae. :))))) thanks much for all the support! :*

Chapter Six: His life after race

Von's POV

"I'm giving up my throne as the Road Master of the Kings of Speed Club"

I turned off the t.v. Yun pala ang malaking anunsyong inabangan ng lahat. Anong pumasok sa utak nitong kapatid ko at nag-resign na siya bilang isang car racer? Tss.

Siguro guilty pa rin siya sa nangyari sa kanila sa Paris. Kung tutuusin naman talaga wala siyang kasalanan dun. Kung meron mang nagkasala sa kanila yun ay ang kumag na leader ng Road Killers.

P*ta. Kung alam ko lang na ipapahamak niya ng ganito yung sitwasyon edi sana nagawan ko na ng paraan bago pa mangyari ang lahat ng mga ito. Mabubulok talaga siya sa kulungan dahil sa ginawa niyang yan.

Simula nung nakulong siya, wala ng nangyari sa club namin. Yung mga kasamahan ko dati sa racing nagsipuntahan na sa ibang bansa.

At ako nagfocus na ko sa pagaaral lalo pa ngayon na ang sabi ni papa Chen baka daw sakin niya i-pa.handle ang kompanya niya. Di pa naman sigurado yan dahil sa mata ng batas illegitimate child pa rin ako.

 Ginagawan na ng paraan ni papa para maging Sy na rin ang apelido ko.

 Kung ako focus sa pagaaral, kabaliktaran naman nito yung kay Nicolai. Pagtapos niyang magresign sa racing, wala na siyang ibang inatupag kundi ang uminom at makipag-basag ulo sa lahat ng taong mapagtripan niya at kung sino man ang kumontra sa kanya.

 Pati ako di nakaligtas sa kanya. Madalas naman talaga kami mag-away eh dahil hindi pa rin niya tanggap na magkapatid kami. Pinaparaya ko na lang siya dahil ako ang matanda sa kanya ng ilang buwan.

Bad shot siya palagi kay papa at isa yun sa maraming dahilan ng pagrerebelde niya. Buti na lang at pinanganak siyang matalino. Hindi pa rin naman siya nawawala sa Dean's least kahit na once or twice a month lang siya pumasok sa school. Iba talaga kapag may kapangyarihan ka, di ka nila basta basta mapapatalsik ng ganun lang.

Kami yung napapagod sa mga ginagawa niya. Alam naming miserable siya pero sana hindi niya sinisira yung buhay niya nang dahil lang dun.

Hanggang sa dumating si Fei. Galing siya ng China nun after one year tsaka siya bumalik dito sa pilipinas. Siya yung bukod tanging tao na nagpatino sa kapatid ko. Umayos na siya sa pagaaral, minsan na lang siya uminom at tinigil na niya ang pakikipag-basag ulo. Malaki talaga ang tulong na nagawa ni Fei para umayos na ang kapatid ko.

After ng graduation namin nagbakasyon muna sila sa China may importanteng tao daw silang pupuntahan doon at pagbalik nila nagkaron na muli ng sigla sa buong buhay. Kung ano yun malalaman niyo rin sa takdang panahon.

Nabalitaan ko rin na nagbalik na rin sa bansa si Paris. Nagkita na daw sila ng mga kaibigan niya. Si Cathy ang nagbalita sakin nun. Ewan ko lang kung nagkita na sila ng kapatid ko.

Busy na rin kasi kami dahil sabay kaming pinakilala ni papa sa board of directors ng company. Isa sila sa pipili kung sino ba ang karapat dapat na maging presidente ng kompanya.

 Parehas kaming may gustong patunayan. Ako bilang anak sa labas na gustong patunayan na kaya kong hawakan ang kompanya kahit hindi purong dugo ang nasa katawan ko at si Nicolai na matagal ng gustong patunayan ang kanyang sarili kay papa na kakayanin niya ring patakbuhin ang kompanya.

Sa ngayon ay pinaghahandaan na namin ang pagiging major investor sa isang sikat na kompanya. Yan na ang naging buhay niya pagtapos ng racing. Kung maisipan man niyang bumalik ulit doon yan ang hindi ko masasagot. Nasa kanya pa rin kung magbabalik pa ba siya sa racing o hindi na.

**

Argh! Stressed much nanaman ako. Buong araw ako bniwisit ng batang yun!

"nakakainis talaga siya!!!! Grrr!!" pagrereklamo ko kay Dylan.

Kakarating ko lang sa bahay at nakita ko siyang nakaupo sa may garden namin kaya doon ako dumiretso. Tumingin siya sakin tapos ngumiti.

 Binagsak ko sa table yung bag ko at umupo ako sa tapat niya.

 "ang gaan ng loob ko sa batang yun" he smirk.

 "nangaasar ka ba? Kung sayo magaan sakin mabigat! Nako kung hindi lang talaga bata yun baka malamang matagal ko ng nasaktan yun!" naiinis talaga ko sa kanya. Sa kanya ko na lang ulit naramdaman to. =____=

"hahahahaha" he laughed out loud na siyang lalong nagpainis sakin.

Kumunot yung noo ko at sinimangutan ko siya "isa ka pa eh!" tumayo ako at pinaghahampas ko siya ng bag ko sa kanyang braso "kita ng BV ako dito tapos pagtatawanan mo pa ko?" >___<

"hahahaha" humarap siya sakin "eh kasi naman bata yun tapos papatulan mo pa? Edi para ka na ring bata nun"

 Huminga ako ng malalim. Oo nga no, may point siya. Am I acting like a child ba? Para namang ang tanda ko na para magisip bata ako ng ganito. Pero kahit na! Ako ang pinakabata sa pamilya namin kaya may karapatan pa din ako para maging childish! Wahaha.

"ah basta. Mas cute ako sa kanya!" yun na lang ang nasabi ko.

Napakamot siya sa ulo niya "sige sabi mo yan eh"

"tch. Halika na nga!" hinawakan ko yung kamay niya at hinila siya para tumayo na siya sa kinauupuan niya.

"teka, san tayo pupunta?"

 "kakain tayo ng ice cream nang lumamig naman yung ulo ko"

 ngumiti siya sakin hinila ko ulit yung kamay niya

 "dali na! Treat ko"

Tumayo na siya at kumapit ako sa braso niya at sabay kaming umalis ng bahay.

Votes and comments are highly appreciated. Sorry kung natagalan ang update. Babawi ako sa inyo! =))))

You Drive Me Crazy All Over Again [BOOK TWO]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon