Chapter Eight: Like a Boss

1.5K 27 5
                                    

Crazers wish is my command! di naman ako medyo busy busyhan sa school kaya eto at may ud ulit. :D salamat sa mga silent readers, voters at commentors! :)))

 Chapter Eight: Like a boss

Think like a man, act like a lady, work like a boss.

oha. iba talaga ang feeling kapag gumising ka sa umaga na boss ka na ng company niyo.

kung dati late ako laging nagigising, ngayon naunahan ko pa ang alarm clock. First time ito kaya nakanote na ito sa diary ko.

 Karamihan na rin sa laman ng closet ko ay puro corporate attires. Like a boss na talaga ako.

"wow! good morning ms. president"

hinampas ko ng bag ko si Dylan. ang aga mangasar eh.

 but wait, hindi ko pala siya dapar hinampas. Act like a lady nga di ba? at tsaka I have to train myself on this gestures lalo pa ngayon na president na ako ng company namin.

 sumabay si Dylan sakin pagpasok sa office. san naman kaya lakad niya ng ganito kaaga?

 "magkikita nga pala kami ng kaibigan ko" he answered my hidden thoughts.

O___O

"na.contact mo na siya?"

"yep" ^____^ Halata sa mukha niyang excited siya na makita ang kaibigan niya. ang tagal niya ring humanap ng way para ma.contact ito at ngayon ay magkikita na sila. I'm happy for him.

"kwentuhan mo ko mamaya ah" nandito na kasi kami sa labas ng building. binuksan na ni manong Rey yung pinto ng kotse.

"yes boss" sumaludo pa siya sakin.

"sira!" bumaba na ko ng kotse at umalis na sila.

"good morning mam" binuksan ng guard yung malaking glass door at pumasok na ko sa loob. feel na feel ko pa ang entrance ko sa lobby. with my four inches pumps, simple corporate dress and designer bag boss na talaga ang aura ko ngayon at sa susunod pang mga araw.

naka-abang agad ang secretary ko at kinuha ang chanel na satchel bag ko.

"thank you ^___^" she smiled back.

lahat ng taong madaanan ko bumabati sakin. ang sakit na nga ng panga ko kakangiti eh. ang hirap pala maging magandang boss.

pumasok na kami ng secretary ko sa loob ng elevator. kaming dalawa lang ang nandoon. parang ewan nga eh, sa bawat floor na madaanan namin, walang gustong sumabay samin. lahat pinapauna kami. di pa siguro sila comfortable na makasama ako sa loob ng elevator.

"ano nga ulit pangalan mo?" I ask her. nakalimutan ko kasi name niya eh.

"Ivy ma'am"

I gave her a tipid smile. tatandaan ko na talaga yung name niya. ang sakit na talaga ng panga ko.

*ting*

sabay sabay na bumati yung mga empleyadong kahilera ng office ko or shoulf I say my staff. They'll be working with me bukod pa sa company namin.

ang dami nila. sana lang makapisado ko mga names nila. Mahina pa naman memory ko when it comes to names. sa face na lang siguro ako magbabase.

and for the last time, ngumiti ulit ako kahit ang sakit sakit na. ayoko namang isipin nila na isa akong terror boss. sa ganda kong to, dapat isipin nila na i'm a nice boss.

dumiretso na ko sa pintuan ng office ko. I wonder kung nasunod ba yung mga designs na gusto ko. I wanted to surprisr myself kaya excited na kong pumasok sa loob. humawak na ko sa door knob pero hindi ko ito mabuksan.

You Drive Me Crazy All Over Again [BOOK TWO]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon