You Drive Me Crazy All Over Again

2.2K 33 12
                                    

Nagtipon-tipon ang lahat ng mga press, photographers, media at pati na rin ang mga miyembro ng Kings of Speed for one big, important announcement.

handa na ang lahat na makinig. inaantay na lamang nila ang paglabas ni Nicolai mula sa backstage.

nagpalakpakan ang lahat sa pagtapak niya sa stage.

seryoso ang kanyang tindig at mukha. umikot muna siya ng tingin sa lahat ng tao bago niya sinimulang magsalita sa microphone.

tahimik na ang paligid. excited na ang lahat na marinig ang kanyang sasabihin.

"I'm giving up my throne as the Road Master of the Kings of Speed club" seryoso niyang sabi tapos ay nilapag na niya ang microphone at naglakad na siya pababa sa stage.

nagulat ang lahat sa kanyang sinabi. maraming nadismaya dahil ang buong akala nila ay handa na ulit lumaban ang tinaguriang Road Master yun pala ay magreresign na ito sa kanyang pagiging car racer.

dali-daling umakyat si Ultrababe sa stage at nagsalita sa microphone "thank you all guys for coming! maybe he's still in shock but we will do anything to fix this" bumaba na siya sa stage.

nahirapan naman si Nicolai sa kanyang paglabas dahil dinumog na siya ng mga press.

"bakit ka magreresign sa iyong pwesto? alam mo bang maraming fans ang nagaantay sa iyong pagbabalik sa race track?" tanong ng isang press.

tumulong na sila Alex sa pagtaboy sa mga press dahil sadya silang marami at hindi kaya ng security na pigilan sila sa paglapit kay Nicolai.

"dahil ba ito sa nangyari sa last game na yung girlfriend mo at si winner beater ay iisa?" huminto sa paglakad si Nicolai.

hinila niya yung press na nagtanong nun at bigla na lamang niya itong sinuntok.

napahiga sa sahig yung lalaki sa lakas ng pagkakasuntok niya rito. lalo namang hindi nagkamayaw ang iba sa pagkuha ng picture at pagbato ng ilang mabibigat na katanungan sa paglabas nila Nicolai sa venue.

** 3 years later ...

"Congratulations batch 201*-201*!"

"WHOOOOOOO!!!!" sabay sabay na sigaw ng mga tga SLU. sabay sabay din nilang inihagis ang kanilang graduation cap hudyat na sila ay graduate na sa college.

nagyakapan ng mahigpit ang apat na amigas. nangilid din ang kanilang mga luha dahil si Paris agad ang naisip nila.

sobrang miss na nila ang kanilang bestfriend. halos tatlong taon na rin ang nakalipas mula ng magkasama silang lima.

"bakit ang lungkot niyo mga beautiful ladies?" -Alex

"naisip lang kasi namin si Paris" -Cathy

"kung graduate na rin kaya siya katulad natin. at kung kelan niya balak niya umuwi dito kahit bakasyon lang" -Sophie

"oo nga naman, kahit kami rin gusto na rin namin siya makita" -Migs

napasinghap silang lahat ng malalim. matagal na panahon na rin ang lumipas mula nung mangyari ang laban na hinding hindi malilimutan.

Nagkapatawaran na sa pagitan ng apat na amigas pati ng Kings of Speed. Nagpagalaman na rin na sinadya ni Born Rascal na mawalan ng preno ang sinasakyang kotse noon ni Road Master kaya nabangga niya ng malakas ang kotse ni Winner Beater kaya ito tumaob.

Pinagbabayaran na niya ngayon sa kulungan ang kanyang nagawang kasalanan.

Isa na lamang ang wala pang closure sa mga nangyari at yun ay si Nicolai at si Paris.

Napatawad na nga kaya ni Nicolai si Paris sa panlolokong ginawa nito sa kanya? Mahal pa rin kaya nila ang isa't-isa?

Ano na kaya ang susunod na mangyayari sa pagbabalik ni Paris sa Pilipinas? May nagbago na kaya? o ganoon pa rin?

Will their worlds be driven crazy all over again? If not, then who?

A/N: I can't wait na mag-24 kaya ni.release ko na siya agad! Wee! Sa wakas at may chapter one na rin! Salamat sa inyong matiyagang pag.aantay sa book two ng ydmc! Drop your comments here! It would be my pleasure to read it! :))))) love yah CRAZERS! :*

You Drive Me Crazy All Over Again [BOOK TWO]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon