Chapter Thirteen: Missing You

1.4K 30 13
                                    

A/N: sorry natagalan ang update! writer's block eh. ^___^

 Chapter 13: Missing You

naka-LL kami sa schedule ko for this day kaya naisip ko na bisitahin ang mga kids sa ballet class!

term ni Ivy yung LL which means luwag luwag. nyahaha. ang dami talagang alam nun na mga terms.

pagdating namin sa ballet studio, nagpapractice pa sila kaya nagstay muna kami sa labas habang pinapanood sila sa glass window.

parang dati lang nandito ako lage tapos ngayon iba na ulit yung nagtuturo sa kanila. hindi na rin kasi nakabalik yung dati nilang teacher dahil sa leg injury, ako naman busy na din. kawawa naman sila papalit palit sila ng teacher.

 break na ng mga kids. nagkatinginan kami ng bago nilang teacher. ngumiti siya kaya pumasok na kami ni Ivy sa loob.

 "Teacher Paris!!!!!" naglapitan sakin yung mga bata. naguunahan sa pagyakap at paghalik sa akin. maliban dun sa isa.

sino pa nga ba ang tinutukoy ko edi ang maldita/spoiled brat na si Venice! nakatingin lang siya samin while crossing her arms. tch. suplada talaga.

"hi Venice, I missed you" I flash a big smile at her

kumunot yung noo niya "hmp! bakit bumalik ka pa dito? can't you see we have a new teacher?!"

"nakikita ko. i'm not blind Venice" pambabara ko sa kanya.

nagtawanan yung mga classmates niya. lalo siyang nainis kaya tumakbo na lang siya palapit sa yaya niya at dun niya binuhos yung inis niya samin.

 nako yung batang yun! kawawa naman yung yaya niya. >.<

"don't worry teacher Paris. miss na miss ka naman po namin!" isa isa ulit silang yumakap sa akin

awww. nakakatouch talaga sila. sana maturuan ko ulit sila bago matapos yung monthly class nila.

tumunog na bell nila sa studio. It means tapos na ang break and time to say goodbye na sa kanila.

umayos na sila ng pila. nagusap kami saglit ng bago nilang teacher. nagpasalamat ako tapos umalis na kami ni Ivy.

 at sa pag-alis namin ang sama ng tingin sa akin ni Venice. mainit siguro ang dugo niyan sakin ngayon. bahala nga siya. hindi ko naman siya na-miss!

nasa kotse na kami ni Ivy pabalik dun sa building.

"miss Paris, bakit po ganun yung batang yun? cute sana eh pero nakakainis yung pagiging maldita"

"spoiled brat kasi kaya ganyan siya"

 "ah....." chumika na ng kung ano ano sakin itong si Ivy. sobrang daldal pala neto. akala ko tahimik lang siya pero kabaliktaran pala iyon.

"ang taray niyo po miss Paris eh. ballerina po pala kayo" tinulak niya ko

tinulak ko rin siya pabalik "oo Ivy simula bata nag-baballet na ko"

"kabog talaga kayo miss Paris!" dumating na kami sa building. dala niya lahat ng gamit ko. paglabas namin sa elevator may bumangga sakin na babae. umiiyak siya. hindi man lang siya nag-sorry sakin. basta na lang dumiretso siya sa elevator.

seryoso at tahimik silang lahat habang nagttrabaho. anyare? anong meron?

 "nakakatakot nanaman si sir Nicolai." bulong nung isang empleyado. siniko siya nung katabi niya pagkadaan namin ni Ivy sa cubicle nila. agad naman silang nanahimik.

 "grabe miss Paris umalis nanaman yung secretary ni sir Nicolai. naku, eh kung ako na lang kaya yung magapply bilang secretary niya? paliligayahin ko siya ng todo-todo"

"tch! manahimik ka nga jan Ivy. nakanino ba ang loyalty mo?"

lumapit siya sa upuan ko at hinawakan niya ang braso ko "syempre po sa inyo miss Paris"

"good" tiningnan ko yung kamay niya na nasa braso ko. inalis niya agad iyon.

"anything you want ma’am?"

 "cup of coffee please" lumabas na siya ng office ko.

hmm. ano naman kaya ang topak nitong si Nicolai ngayon at walang nagtatagal na secretary sa kanya?!

ano kaya ang ginagawa niya ngayon?

 curious ako kaya tumayo ako at tinapat ko yung tenga ko sa dingding na naghahati sa office namin sa pag-asang may maririnig ako.

at may narinig nga ako. may kausap ata siya sa phone. tumatawa siya eh. sino naman kaya ang kausap niya sa phone?

nagkamali ako ng dinig. wala pala siyang kausap sa phone. narinig ko kasi yung boses ng babae. may pinagkkwentuhan na sila na hindi ko maintindihan.

tch. nagagawa pa niyang tumawa sa kabila ng lahat ng mga secretary na pinaalis niya?! at kelan pa siya nagpasok ng babae sa loob ng office niya para lang makipagharutan?

ang landi nila pareho! >3<

"miss Paris eto na po yung coffee niyo"

 "miss Paris ano pong ginagawa niyo jan sa tabi ng pader? sino pong pinakikinggan niyo?"

 O__O andito na pala si Ivy.

 "hindi ka ba marunong kumatok?"

nagulat siya sa sinabi ko? umalis na ko sa tabi ng pader at bumalik na ko sa swivel chair ko.

"sorry po. eto na po yung coffee niyo" nilapag na niya ito sa table ko

"pwede ka ng lumabas"

 "p-pero miss Paris parang kanina lang ganito tayo oh" pinagdikit niya yung dalawa niyang daliri "tapos ngayon ganito na" pinaghiwalay niya din yung mga daliri niya "may nagawa po ba akong hindi niyo nagustuhan?"

"nothing Ivy, kumatok ka nalang muna sa susunod na pumasok ka sa office ko"

"si-sige po" nakayuko siyang lumabas ng office ko.

paglabas niya uminom ako ng konti sa coffee ko tapos bumalik ako sa pader. para na kong tsismosang tuko sa ginagawa ko ngayon.

nung dinikit ko na yung tenga ko, wala na kong marinig sa pinaguusapan nila. narinig ko na lang na sumara yung pintuan.

sa pagmamadali ko, may kinuha akong papel sa ibabaw ng table ko at dalian akong lumabas ng office ko.

naabutan ko pa silang naglalakad palabas sa work place. at talagang ihahatid pa niya palabas ng building yung kalandian niya huh?

 medyo familiar sakin yung buhok ng babae na sa pagkaka-alam ko ay buhok yun ni Fei.

 "miss Paris may iuutos po ba kayo?"

pagtingin ko kay Ivy, nakatungo siya sakin. iuutos? wala naman. tiningnan ko lang kung sino yung bwisita ni Nicolai!

 "miss Paris???" aish! ang kulit talaga nitong si Ivy!

"i-photocopy mo to. kahit ilan tapos dalhin mo agad sa office ko" binigay ko lang sa kanya yung papel tapos pumasok na ko sa office ko.

*tok tok*

 kauupo ko palang nang kumatok agad si Ivy. ang bilis naman ata niya magpa-photocopy?

 "uhh, miss Paris, blanko naman po yung papel na binigay niyo sakin" hinarap niya sakin yung papel.

hinablot ko ito sa kamay niya at pinalitan ng isa pang papel na nakita ko lang din na nakapatong sa table ko.

"here, give me five copies of that file" kinuha naman niya ito at lumabas na siya sa office ko.

ano bang nangyayari sa akin? bakit masyado aakong iritable? pati si Ivy na walang malay nadadamay sa init ng ulo ko.

aish! siguro nga na-mimiss ko lang siya.

eh siya kaya? na-mimiss niya rin kaya ako?

You Drive Me Crazy All Over Again [BOOK TWO]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon