Chapter 38

8.3K 139 2
                                    


Gian POV

"Gian! Wala ka nang ibang ginawa kundi mag-uwi ng babae sa condo mo! Hindi ka ba nakukuha sa simpleng salita?! Baka gusto mo lahat ng mana ibigay ko sa Kuya mo?! Look at him, he's doing his best to manage the company while you bang your flings, kinukuha na rin ng Kuya Vian ang mga responsibilidad na dapat para sa 'yo! He's better than you, young man don't turn your back against me!" Inis na singhal ni Papa.

I balled my hands into a fist, there he goes again, comparing me to my brother and slapping to my face how bad of a son I am and how better of a son he is, "edi ibigay niyo sa kanya ang lahat ng mana ko, pake ko ba. Sa bagay, he's better than me naman hindi ba?! Kelan nga ba ako naging mas kay Kuya? Siya naman ang laging perpekto sa tingin niyo ni Mama."

"Gian!" Suway ni Mama, her eyes flashed visible signs of concern and I felt guilt eating me alive, "we only want the best for you, hijo, masyado ka nang sobra sa pambabae mo. Will you please tell us what is happening to you, Gian?"

Lean happened to me.

"Wala ho." Sagot ko, "-para masaya na kayo, pupunta na ako sa kompanya para tulungan si Kuya." Labag sa loob na sabi ko sabay lakad paalis ng bahay.

Dang it, I hate to see Vian. He'd just tease me for winning Lean.

You stand no choice, Gian.

***

Lean POV

Nilutuhan ko si Vian ng baon niyang adobong sitaw! Syempre, paborito niya itong kainin e. Saka isa pa, alam kong baka hindi na naman 'yon mag-tanghalian sa sobrang busy niya sa trabaho, paano ba naman kasi pati trabaho ni Gian inako na niya, hays, workaholic husband talaga si Vian.

Nilagay ko na sa tupperware ang adobong sitaw at hinayaan muna itong lumamig ng kaunti bago ko ito tinakpan at nilagay sa lunch bag, dahil hindi ako marunong magmaneho ng sasakyan at walang sasakyan ay magtataxi na lang ako.

Halos kalahating oras bago ko narating ang kompanya ng mga Fuentelord, kilala na ako ng mga gwardya at empleyado ng kompanya kaya naman malaya akong nakakapasok o labas, binati ako ng gwardya at ngumiti naman ako, gayon rin naman ang mga nasa loob na yuyuko lang o babati.

Naghintay akong bumukas ang elevator at saka pumasok na, pasara na sana ang pinto nang may kamay bigla na humarang kaya bumukas ulit ito, "hays! Mabuti na lang nakaabot ako."

Tumingin ako sa lalakeng may sanhi, "G-Gian?"

Tumingin siya sa akin at halata ang gulat sa mukha niya noong napansin niyang nakasakay ako sa loob ng elevator, "Lean?!"

Pumasok na siya at sumara na ang elevator, kaming dalawa lang ni Gian sa loob, "ano ang ginagawa mo rito?" Tanong niya.

Ngumiti ako. "Ah, binibisita ko si Vian para na rin bigyan ng baon." Sagot ko sabay pakita sa lunch bag na hawak ko.

Tumango lang si Gian at nagkaroon ng katahimikan, nagulat ako nang bigla na lang kumalog ang elevator at marahas na tumigil na-out of balance tuloy ako at napahiga, nasama na rin si Gian, namula ako noong napagtantong sa katawan niya ako bumagsak kaya nakapatong na ako sa kanya, "you really like falling to my body, eh?" Ngumisi siya.

Agad naman akong tumayo at namula ang tenga ko, noong wala pa masyadong komplikasyon sa friendship namin ni Gian ay minsanan na akong nahulog sa inakyat kong puno at bumagsak sa katawan niya, brings back memories-

"Sorry." Nahihiyang saad ko.

"Before that, we're stuck." Sabi ni Gian sabay lagay ng kamay niya sa slit ng elevator door, "it won't open."

"Ano ba ang nangyari?"

"Power shortage? Or maybe nasira ang elevator." Kalmadong sagot ni Gian, umupo siya sa may gilid at humikab, "it's no use shouting since this elevator is soundproof, saka for sure walang signal na pi-pick up sa phone natin, all we can do is wait 'till help comes."

"P-Pero-"

Biglang kumalam ang sikmura ni Gian-dahil kaming dalawa lang at medyo closed ang silid ay narinig ko ito, napatingin ako sa kanya at umiwas siya ng tingin habang namumula ang tenga, napatingin ako sa baon na para sana kay Vian, "gusto mo bang kumain?"

Tumingin siya sa akin, "h-huwag na-" kumalam ulit ang tyan niya.

"Nag-almusal ka ba o lunch?"

"Hindi pa..." Nahihiyang sagot niya. "Kahapon ako huling kumain..."

"Tch, pabaya ka sa sarili mo!" Singhal ko, "magka-ulcer ka tignan natin kung kayanin mo!" Panenermon ko, "sa ulit kumain ka, ha? Importante 'yan!" Nilabas ko ang laman ng lunch bag at binuksan ang tupperware na may laman ng ulam na adobong sitaw, nilabas ko ulit ang isa na naglalaman ng kanin. "O, ayan kain ka na."

Tumingin siya sa akin. "Kutsara? Tinidor? Asan?"

Tinignan ko ang lunch bag, "wala. Ayy! Nakalimutan ko!"

"Ulyanin." Asar ni Gian sa akin, "mabuti na lang marunong ako magkamay."

"Baka marumi kamay mo!"

"Nag-CR ako kanina, kakahugas lang ng kamay ko sa baba." Sagot niya, inamoy niya ang adobong sitaw, "ano ito?"

Ngumiti ako. "Adobong sitaw. Alam kong hindi ka kumakain ng gulay pero tikman mo, masarap 'yan."

Tumango siya, nakiupo na rin ako habang pinagmamasdan si Gian na magkamay, "kailan kaya gagana at bubukas 'tong elevator? Baka ma-suffocate tayo..." Tugon ko.

"Ayos lang 'yan." Parang wala lang na sabi ni Gian, sinubo niya ang tatlong hati ng sitaw, "ang sarap nito, ha? Ngayon lang ako kumain at nasarapan ng gulay sa tanang buhay ko."

"Syempre, ako ang nagluto eh." Ngumisi ako.

Pakiramdam ko lumalapit na ulit ang loob ni Gian sa akin...

"Siguro dahil sa gutom lang ako kaya masarap." Ani Gian, sumimangot naman ako, hmft! Hindi ko na lang sana binigay 'yong baon ni Vian sa kanya! Asar!

Noong natapos nang kumain si Gian ay inayos na niya ang mga tupperware at nilagay sa loob ng lunch bag, "we have a serious problem here," tumingin ako kay Gian na seryosong nakatingin sa akin, "kailangan ko maghugas ng kamay."

***

Vengeful PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon