Chapter 16

25.7K 522 30
                                    

Chapter 16

Hindi nagtagal ay napagdesisyunan na namin nina Tracy at Sebby na umuwi na, dahil nasa kompanya ang pamilya ni Tracy at andoon ang sasakyan ko ay bumalik kami sa kompanya, halos tatlong oras lang naman ang ginugol namin sa mall at halatang masaya si Tracy na makapasyal kasama ako.

"Ate, next time ulit, gala tayo!" Aya niya noong lumabas kami ng sasakyan ni Sebby.

Tumango ako, "oo naman, kapag hindi busy si Ate." Ngumiti ako sa kanya, tinignan ko si Sebby na tahimik lang na naglalakad habang nakapamulsa. "Salamat pala sa araw na 'to."

Lumingon siya, "huh? Bakit naman? Binantayan ko lang si Tracy." Sagot niya sa akin at umiwas ng tingin, halatang may gusto siyang sabihin na matagal na niyang pinipigilan.

"Sige, maiwan ko na kayo, huh? May gagawin pa ako." Tugon ko sa dalawa, noong nakapagpaalam na ako ay umalis agad ako at sumakay sa sasakyan ko, naalala ko ang video tape na bigay sa akin ni Cyan, I still have my doubts if I should listen and watch but I will not lose anything if I watched it, right?

Agad akong dumiretso sa salas ng bahay noong nakauwi ako, wala pa si Vian siguro mago-overnight na naman siya sa kompanya-or maybe not. Kinuha ko ang video tape sa cabinet kung saan ko ito tinago at sinaksak ito sa player na nakakonekta sa telebisyon.

The screen of the TV was grey, papatayin ko na sana ang TV at player ngunit may larawan na biglang nagpakita. Hindi malinaw ang larawan pero malinaw naman ang pinag-uusapan nila, tahimik akong nakinig at nanood sa nilalaman ng video tape.

"Si Vian..." umiyak ang mag-asawa, sina Tito Ian at Tita Vet, nagyakapan sila habang nagdadalamhati ang mag-asawa. Napatingin ako sa isa pang mag-asawa na mugtong mugto ang kanilang mga mata, sina Mama at Papa?! Ano ang ginagawa nila kasama sa video?

"Paano na lang si Lean?! Hindi ko lubos maisip na kaaga aga niyang magiging byuda!" Saad ni Mama, tulad nina Tito Ian ay nakayakap rin siya kay Papa.

"Hindi ko hahayaan na mangyari iyon." Saad ni Tito Ian, "ke buting bata ni Lean, hindi ko maisip kung paano natin sasabihin na wala na ang asawa niya." Nag-iyakan sina Tito Ian at Tita Vet na parang nawalan sila ng anak.

Mula sa pinto na kuha ng video ay may lumabas na lalake, "magpapanggap ako bilang Vian..."

"Gian!" Suminghap ang apat na mga matatanda at tinignan nila ang lalake na may benda sa ulo at may galos at sugat-halatang kagagaling lang sa isang aksidente, "hijo, hayaan mo kaming mag-usap muna para kay Lean."

"Narinig niyo naman siguro ako, di ba? Magpapanggap ako. Para kay Lean..." Malamig ang boses ni Gian noong sinabi niya iyon, "kapag darating ang tamang panahon, sasabihin ko rin ang totoo na nagpanggap ako at ang tunay na namatay sa aksidente ay si Vian."

Tahimik lang ang buong video hangga't sa tumikhim si Papa, "sige."

Hindi ako makapaniwala sa aking napanood, biglang tumulo ang mga luha ko na kanina ko pang pinipigilan. Ano ito? Nabuhay ako sa kasinungalingan?! Ang minahal kong asawa ko ay matagal na palang wala?!

Nanginig ang labi ko, biglang namatay ang telebisyon at lumabas ang video tape sa player, biglang kumirot ang puso ko dahil sa aking nalaman. "V-Vian... is not Vian..."

All this time, nakita ko ang signs na maaaring ang asawa ko ang namatay sa aksidente at nagpanggap ang kambal niya, all this time I saw it but I choose not to see it and act blind about it believing it was Gian who died.

Alam pala ng pamilya ko ito? All of them lied to me. Habang ako ay naghihinagpis sa kalupitan ng kambal ng asawa ko ay alam nila ang lahat. Parang tumigil ang mundo ko dahil sa nalaman ko, ayaw kong tanggapin ang katotohanang namuhay ako sa kasinungalingan. Matagal nang pumanaw ang minamahal ko at nagpanggap ang kambal niya...

Biglang bumukas ang gate ng bahay, mula sa window ay nakita ko ang sasakyan ni Vian-Gian, tumayo ako at dali kong kinuha ang video tape at tinago ito sa may cabinet, pinunasan ko ang mga luha ko at daling umakyat papuntang banyo para maghilamos.

Humugot ako ng malalim na hininga at tinignan ang sariling repleksyon sa may banyo, mariin kong pinikit ang aking mga mata habang pinipigilan ko ang aking mga luha.

"Lean?" Pagtawag ni Vian sa akin... Vian... Gian... naguguluhan na ako...

"Nasa banyo ako!" Mabuti at hindi pumiyok ang boses ko, hindi ko alam kung paano ko haharapin ang lalakeng nasa labas matapos ang nalaman ko. Hindi ko alam kung paano ko haharapin ang katotohanan matapos kong malaman na namuhay ako sa pangalan ng kasinungalingan.

Hindi ko na alam kung sino pa ba ang kakampi ko... feeling ko pinagkakaisahan ako ng mga tao sa paligid ko, lahat sila alam na alam nila na nagpapanggap ang lalakeng 'to bilang asawa ko at hinayaan lang nila siya na saktan ako.

Humugot ako ng malalim na hininga at lumabas ng banyo, bumungad si Vian-o Gian na nagpapalit ng pambahay. Noong nakita niya ako ay lumambot ang mga mata niya.

Kumuyom ang kamao ko at hinugot ko ang lahat ng lakas-loob ko. "I want us to have a divorce."

***

Vengeful PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon