Chapter 15

31.1K 554 45
                                    



Chapter 15

It's been a week matapos ang kasal ni Jett at Alva, they went to Hawaii for their honeymoon, I'm happy for my cousin because finally he found the girl who will keep him on leash. I hope they'll have a happy ending and won't end up like... me.

Strangely, Vian is always acting weird. Hindi na siya dati na marahas at parating galit. Kapag kinakausap ko siya ay agad naman siyang umiiwas, kapag tinatawag ko siya sa kanyang pangalan, biglang nag-iiba ang ekspresyon niya. I really don't know what's playing on his mind right now, pati ako naguguluhan sa kinikilos ng asawa ko.

Habang naghuhugas ako ng pinggan ay biglang tumunog ang doorbell ng bahay, may bisita ba si Vian? Or is it my visitor?

"Andyan na!" sigaw ko sabay punas ng aking kamay at tungo papuntang front door ng bahay para pagbuksan ang nagdo-doorbell.

"Cyan?" gulat na tanong ko nang nakita ko si Cyan, as usual, nakasuot na naman siya ng kulay blue na v-neck shirt at knee-level fitted shorts. "Paano mo nalaman kung saan ako nakatira?"

He smiled. "I asked Jett."

Napatango na lang ako, "bakit ka pala andito?"

Narinig ko siyang magbuntong-hininga at silip sa loob, "andyan ba ang asawa mo?"

Kumunot-noo ako, "no, kakaalis lang niya papuntang kompanya. Teka, bakit parang ang seryoso mo naman ngayon?"

"Umalis ka na sa bahay na ito, Lean. I think you're in danger, I'm a friend of Sebastian Fuentelord and I know Vian and his family's darkest secret."

Tumawa ako ng marahan, "that's a bad joke, Cyan. Not funny."

"I swear! Seb and I have proof!" sigaw niya sabay lahad sa akin ng isang video tape.

"What's this?" nagpamewang ako.

"This will wake you up. Vian is not Vian!" Halata ang galit sa boses niya. Ano naman ang karapatan ni Cyan na magalit sa asawa ko?

Kumuyom ang kamao ko kasabay ng pagbilis ng pintig ng puso ko habang nakatitig sa video tape. "I'm not really sure about this." iling ko, "Vian is Vian." pagtutol ko. "Asawa ko siya."

"Why not play the video? We'll see about that." tumalikod na siya, "as soon as you find out, call me, Lean. I'm always ready to help you." pinagmasdan ko ang likod niyang palayo sa akin habang nakatunganga.

Agad naman akong bumalik sa huwisyo nang tumunog ang phone ko.

Fr.: Vian (O_O")?
I forgot my folder that contains important papers in the coffee table. Pls come to the company and give it to me. Also, don't open the folder. Bye

Kumunot ang noo ko pero agad naman akong umiling, napatingin ulit ako sa hawak kong tape at sa message ni Vian sa phone.

"Hays, makabihis na nga at ihahatid ko pa ang folder ni Vian." nilagay ko sa loob ng glass cabinet ang tape at daling nagpanik. As usual, makakalimutin pa rin talaga si Vian, ke importanteng mga bagay nakakalimutan niya.

Why do I feel that something extremely bad is about to happen?

~*~

"Welcome back, Ma'am!" bati sa akin ng guard, ngumiti ako at tumango. Dali akong pumasok sa elevator at saka ko pinindot ang floor number ng office ni Vian.

"What are you doing here?" bungad sa akin ni Kim pagkalabas ko ng elevator.

Kumunot-noo ako, "I'm Vian's wife, know your place, Miss Secretary. You do know that I also have the power to fire you, right?" I shot back, hindi ko alam kung anong nagtulak sa akin na magmaldita, hindi naman ako ganito. What's happening to me?! Nagiging palaban na ako...

Vengeful PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon